FIVE

2.7K 87 5
                                        

Chapter 5: Sandy mouth
🏇

"Kaps! Pahiram nga n'ong itim mong bowtie!" ani Bacon habang isinusuot ang kulay maroon niyang longsleeve polo.

Fiesta ngayon sa sentro ng El Camarico kung saan naroon ang bahay nina Tita Vivien. Kapag gan'on, nakagawian na naming mamasyal doon dahil maraming magagandang nagkakalat sa kalye sa espesyal na araw na 'to, mga galing pa sa iba't-ibang lugar o barangay ng probinsya. Kaya naman hindi na ako nagkomento pa nang mapansing pormadong-pormado ang pinsan kong si Bacon. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit dito sa kwarto ko nagsisipagbihis ang mga tukmol gayong may kanya-kanya naman kaming kwarto rito sa mansyon.

"Hanapin mo na lang d'yan sa drawer, dapat noong isang araw ka pa n'yan bumili." iritado kong sinabi habang inaayos ang aking buhok sa harapan ng salamin.

He should be responsible enough. Nasa ikatlong taon na kami sa kolehiyo pero mukhang hindi pa rin guma-graduate sa pagiging isip-bata ang isang 'to. Puro kalokohan pa rin ang inaatupag. Pare-pareho kami nina Bacon at Alf ng kursong kinuha. Agricultural Engineering, samantalang Agri Business sina Thaddeus at Ve.

'Yang dalawang kurso lang ang dapat na kunin naming magpipinsan para mapanatili naming malago ang negosyo, kailangang gamayin ang sektor ng agrikultura dahil iyon ang kauna-unahang bumubuhay sa'min. Though we also have real estates in different provinces all over the country, mas sanay kami sa pamamahala ng aming mga sakahan at rancho. Sina Papa ang madalas na tumingin sa pag-aari namin na walang kinalaman sa agrikultura.

Kung minsan naman, sina Kuya Magnus, Kuya Gaston, Kuya Montressor ang pinahahawak n'on. Ngayong malapit nang matapos sina Kuya Roald at Perrie sa kolehiyo, baka umalis din sila rito sa probinsya para hawakan pa ang ibang sakahan namin.

"Ito namang si Kaps, masyadong iritado. Bilhan kita n'yan ng sampung dosena, eh!" halakhak niya habang inaayos ang sinturon.

Binalewala ko ang kayabangan niya. Umupo ako sa kama at sinimulan nang isuot ang aking sapatos nang pumasok si Ve at Thaddeus, ang kambal kong pinsan, kasama ang isa pang ugok na si Alf.

"Tagal n'yo naman! Naghihintay na sina Roald sa baba!" utas ni Ve na mabilis na lumakad sa harapan ng salamin para tingnan ang sarili.

"Pucha, kung nagmamadali sabihin n'yo umuna sila!" medyo iritado na ring sagot ni Bacon habang inaayos ang kanyang relo, halos hindi pa nga maisuot nang maayos dahil sa pagmamadali.

Dumekwatro ako nang matapos kong maitali ang sintas ng sapatos. Tanging vneck shirt na puti at may kaunting print lang sa unahan ang suot ko na pinaresan ko na rinnng itim na jeans. Ayos na 'tong itsura ko. Masyadong mainit ang panahon kung gagaya pa ako kay Bacon nagpapakasikap sa pagsusuot ng long sleeves.

Saka... hindi ko rin naman kailangang pumorma nang husto. Tiwala akong mas maraming babae ang titingin sa'kin mamaya pero wala rin naman akong pakialam d'on. Isang babae lang ang naglalaro sa isipan ko ngayon. Umupo sa tabi ko si Alf na tinging itim na polo shirt lang ang suot. Siguradong may lakad din 'to.

"Bakit ba nakaporma 'yan?" natatawang bulong niya sa'kin habang itinuturo si Bacon na nag-aayos na ng buhok.

"Fiesta kasi," saka ako nagkibit ng balikat. Nakangisi siyang umiling at pinaglaruan ang labi habang pinagmamasdan si Bacon na nag-aayos pa ng buhok.

"Ano ba 'yan, ang tagal!" reklamo ni Thaddeus, nakisalamin na rin.

"Nagrereklamo ka? Mauna ka, gago!" sabad kaagad ni Bac sa kalagitnaan ng ginagawa.

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon