TWELVE

2.3K 76 4
                                        

Chapter 12: Worthless
🏇

"Grabe, nakakagutom pala ang enrollment sa college!" reklamo ni Hope habang nagpo-plot ng kanilang subject.

"Oo nga! Ibang-iba sa dati na 'yong teachers pa natin ang mag-e-enroll para sa'tin. 'Yon bang ibibigay lang ang mga requirements natin sa adviser ng star section tapos enrolled na kaagad tayo. Ngayon, buwis-buhay talaga!" sabat pa ng baklang kaibigan nila.

"Kung hindi pa natin kasama si Eadselle, baka nga isang linggo pa bago matapos natin 'to." dagdag pa ni Hope saka ako binalingan. "Salamat, Eadselle, ah?"

Tumango ako at tumayo mula sa silyang kinauupuan ko. Sa may white board, nakita kong seryuso pa rin si Blaise sa pagsusulat ng kanyang subjects. Hindi ako intresado sa mga pinag-uusapan nina Hope kaya naman nilapitan ko na si Blaise. Hinila ko ang isang upuan at umupo sa arm chair, humarap sa kanya. Kumunot kaagad ang noo niya at bahagyang umirap.

I playfully licked my lips. Hmm, still mad at me, baby? Hindi na naman ako naglandi pa. In fact, when a girl tries to approach me, I immediately wear my snobbish expression. Sa huli, umaatras na lang ang babae at hindi na nagtatangka pang makipag-usap. Kaya bakit nananaray pa rin 'to?

I really like it when she rolls her eyes at me. It's like there is no room of submissiveness for her. Masyadong matigas ang ulo at mahirap paamuhin. She is very challenging to pursue and that's what I like about her.

"There is an organization for dancers here. Sumasayaw ka, 'di ba?" Fuck, Eadselle. That's a very boring topic. Bakit 'yan pa ang binuksan mo? Para may masabi lang?

"Depende. Ang daming subjects ko. Kung kaya kong maisingit 'yon, sasali ako." mataray niyang sagot nang hindi ako binabalingan.

I breathed heavily. "Ballroom dancing, right?"

She only nodded. I clenched my jaw and shut my eyes tight. "Nakikita ko ang suot ng mga nagba-ballroom dance. It's quite... revealing." I slowly complained.

Umangat ang isang kilay niya at nilingon ako. My lips protruded when her brows lazily formed into a half moon. Her stares on me took long. Namawis kaagad ang mga palad ko sa kamay kaya mabilis kong itinago iyon sa magkabilang bulsa ko. Parang ginigiba ang dibdib ko sa epekto ng simpleng titig niya. Matindi.

"It's comfortable, Eadselle."

What the fuck? Halos masisilang parte ng katawan lang ang natatakpan n'on, tapos kumportable para sa kanya? This is crazy. Kapag nagkagan'on, siguradong lalabas ang mga kalalakihan kapag siya na ang mag-perform sa stage. I would not let them see the beauty of my belonging. Not even my damn cousins.

"Hindi ko nagugustuhan, Blaise..." marahan kong bulong at umiling, pilit na kinokontrol ang sarili na h'wag sapuin ang kanyang panga para mahalikan siya sa labi.

Her lips looked soft and delicious. Damn it. She was young but she already possessed all the qualities of a fully-grown lady.

"K-Kahit hindi mo gusto, gagawin ko pa rin! You are not my master, Eadselle. Do not even try to put fences around me." iritado niyang saad, iniwasan ang mga titig ko. The red tone on her cheeks amused me so good.

Fences? Saan ba ang pambabakod doon? Hinahayaan ko naman siya sa mga gusto niyang gawin. Even if it includes flirting with that fucking Lucian, I still let her do what she likes. Kahit na, umiinit ang sentido ko sa tuwing nakikita silang magkasama. Kahit na parang may binubugbog sa kaloob-looban ko sa tuwing ngumingiti siya sa iba. At kahit na para akong pinpilipitan ng leeg kapag hindi siya nagsusuplada sa iba. Tinitiis ko dahil gaya ng sinabi ko, ayokong nasasakal siya.

So even if it means enduring the pain, even if it means letting her go and keep my feelings to myself although it continuously grows, even if it means acting like I don't give a damn at all, and even if my insides are twisting, I will endure all of it for her. So long as she is happy, then I'll support her still. I can give up my own feelings to support her preferences. So where does the word 'fencing' go in?

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon