Chapter 24: One last time
"Eadselle, aalis ako ngayong bakasyon. Pupunta akong Colorado, kina Mama." iyon ang pambungad sa akin ni Blaise noong gabi ng graduation ko.
Yakap ko siya galing sa likod nang lumabas ito sa kanya. Nagkakatuwaan ang ibang mga bisita sa baba, samantalang pinili kong dalhin si Blaise sa balkonahe ng aking kwarto. Nag-iinuman sina Kuya Roald sa baba, ganun din ang iba naming kamag-anak. Ame and Hope were busy chatting with their invited classmates.
Marami ang inimbita ni Bacon at ni Alf. Pati na rin sina Ve at Thaddeus sa mga kaklase nila, iba pang kaibigan, at kamag-anak. Kaya naman punung-puno ng tao sa ilalim. Hindi nakauwi sina Papá, they just congratulated me through a video call. Ang kapatid ko naman, sinadya akong uwian. Isang rolex na relo ang regalo nito sakin, siyang suot ko ngayon.
Bumuga ako ng hangin at marahang tumango. "You'd stay there the whole vacation?" tahimik kong tanong.
She nodded and slowly held my hand. "Isang buwan lang naman, Eadselle. Bakasyon lang 'yon. Miss na miss ko na sila nina Papa."
Tumango naman ako. "Then, you should be with them. Kung hindi ka pa makakauwi sa araw ng enrollment, ako nang mag-e-enroll sa'yo."
She smiled widely and kissed me on my cheek. "Thank you so much, Eadselle!"
Before her departure, I travelled with her. She would be gone for a month, and it would be like forever to me. Mas mabuti nang may memorya akong binabalik-balikan habang wala siya sa tabi ko. We went to a small resort, somewhere in Cebu. Pag-aari ng mag-asawang De Mercurio.
The place was perfect with its native designs. Their villas were all soothing and comfortable, too. Hindi rin masyadong marami ang bakasyonista dahil pribado ang resort. Si Kuya Montressor ang nagsabi sa aking mas maganda ritong pagbakasyunan. Mabilis akong nakilala ng staffs at inihatid sa villa namin ni Blaise. She occupied the other room while I occupied the one beside hers. Hindi na ako komontra sa gusto niyang mangyari dahil siguradong ako lang ang mahihirapan kapag kumbinsihin ko siyang matulog sa iisang kwarto kasama ako. I'd surely be having a hard time.
"You're cooking, Eadselle?" bungad sa akin ni Blaise sa kusina habang abala ako sa paggawa ng aming almusal.
"Good morning! Hungry?" I grinned as she settled herself on the bar stool, in front of the counter top. Tanging maluwang na t-shirt at shorts lamang ang suot. Iniwasan ko nang titigan ang kanyang hita, baka kung anu-ano'ng kamunduhan pa ang pumasok sa utak ko.
"Hindi ako gutom kanina, pero ngayon, oo. Ang bango ng luto mo!" nakangisi niyang saad na nagpanguso sa'kin. She could be cheesy at times, huh?
I slowly chuckled and put our breakfast on the counter top. Tumayo siya at nagsimulang magtimpla ng kapeng para sa'ming dalawa. Humalukipkip ako habang nakaupo sa bar stool, pinaglalaruan ang ibabang labi habang matiim na nakatitig kay Blaise. Mas lalo akong nawawala sa huwisyo sa magulo niyang buhok, sa hubog ng katawan, at sa matamis na ngiti sa labi.
Nilingon niya ako at muling ngumiti. Dala na niya ang kape nang ilapag niya iyon sa countertop. She was standing beside me so I had the chance to twine my arm around her small waist. Hindi pa man siya nakakaupo sa tabi ko, hinila ko na siya pabagsak sa aking kandungan. I small gasp escaped from her mouth making me chuckle a bit.
"How's your sleep?" malambing kong tanong sa kanya.
She bit her lower lip and slightly touched my arm. "A-Ayos lang, ikaw?"
"Ayos lang din." mataman kong sagot at marahang sinuklay ang kanyang buhok. "I will always call you once you get there, alright?"
Ngumuso siya at naglalambing na niyakap ako sa leeg. "Sobrang mami-miss kita, Ead. Ayoko sanang umalis kaso..."
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
Любовные романыCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO
![It Had To Be You [CBS#1]](https://img.wattpad.com/cover/135630793-64-k301779.jpg)