THIRTY TWO

3.4K 116 17
                                    

Chapter 32: Tighter

"'Yung  kagabing kasama mo... boyfriend mo?"

Naghaharumentado na ang kaloob-looban ko pero ang Sellozzong 'to, wala pa rin yatang planong umalis nang hindi nasasagot ang tanong niya! His gazes were deeper than the ocean and mysterious than the dark hue of the night. It was as if I was being swayed to an iceland.

"Hindi." tanging naisagot ko, ilang na siyang tinitingnan.

His brows furrowed more as he tilted his head. Kinuha na niya naman ang sukli, pero hindi pa rin niya naiisipang umalis. Kahit ang binili niya, hindi niya pa rin kinukuha rito sa loob ng tindahan. What's delaying him all of a sudden?

"Hindi ka hinahatid-sundo?" seryusong tanong nito. His eyes narrowed upon noticing the vivid shock on my face. Where is this conversation heading to?

"B-Bakit naman niya gagawin? May girlfriend 'yun," sagot ko ulit.

Hindi nakatakas sa akin ang paghugot niya ng malalim na hininga. Umiwas siya ng tingin at bahagyang nagmura.

"I'll... get what I bought now, Blaise." marahan niyang sinabi.

"Ah! S-Sure!" Umatras ako saglit at hinayaan siyang kunin ang mga 'yun.

Pinagmasdan ko siyang inilalagay sa backseat ng kanyang kotse ang pinamili. Nanatiling nanunuyo ang lalamunan ko. Inaasahan kong aalis na siya kaso halos atakehin ako sa puso nang humakbang ulit siya palapit sa tindahan! Damn! Brace yourself, Blaise! Si Eadselle lang 'yan, at may girlfriend na 'yan!

"Sa ESDS ka nagtuturo?"

How did he know!? Kalma, Blaise... tinatanong nga 'di ba? Never ever try putting malice on Eadselle's behavior right now! Eh ano kung alam niya? Malay mo, na-chismis lang ni Hope! Huwag kang magmaganda rito!

"Doon nga," sumeryuso na ako habang pinagmamasdan siya.

He swallowed hard and nodded.

"I'll go now. Have a nice day, Blaise." aniya.

Napalunok ako at tumango. "Ikaw rin..." halos pabulong kong sinabi.

He turned his back at me but before that, I caught a ghost of smile on his lips. Kung hindi pa umalis ang sasakyan niya, baka tuluyan na nga akong bumulagta rito sa sahig! Abot-abot ang kaba ko sa simpleng presensya niya. Hindi nakakatulong ang perpektong tangos ng ilong, ang halimuyak ng kanyang pabango, ang matikas niyang katawan, pati na ang mala-diyos na mukha! Kailan ba papangit ang isang 'tu nang mabawasan naman ang pagkabaliw ko?

"Napapansin ko, Pa, tuwing weekend, ang dami ng benta natin!" dinig kong pag-uusap nina Auntie at Uncle sa kusina.

Abala kasi ako sa pag-aayos ng mga gamit dito sa sala. Naririnig ko ang taginting ng sinsilyo sa lamesa, siguro binibilang ni Auntie ang benta sa tindahan.

"Oo nga, eh. Saka, mukhang nauunang maubos ang colgate at coke in cans natin? Hanep! Siguradong kasing puti na ng bond paper ang ngipin ng tagabili n'un!" Halakhak ni Uncle na tinawanan naman ni Auntie.

"Puwedi na sa commercial ng toothpaste. Hmm, saka bawal ang masyadong coke sa katawan. Malapit sa diabetes, nakamamatay din 'pag nasobrahan." dagdag pa ni Auntie.

Muntikan ko pang mabitiwan ang libro sa usapan nila. Damn! Why didn't I think about that, anyway? Hindi nga maganda sa kalusugan ang coke! At 'yun pa ang madalas kong isuhestiyon kay Eadselle sa tuwing bumibili siya rito! Nasapo ko ang noo. 'Pag magkasakit 'yun, dagdag na naman ang kasalanan ko sa taong 'yun. Mag-isip ka rin minsan, Blaise! Hindi na kaunting usapan lang, nagwiwindang ka na agad! Huwag marupok!

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon