Chapter 9: I Got You, Baby
🏇Buong araw akong nanatili sa mansyon, nangabayo sa buong rancho, at tumulong pa sa pagpapakain ng mga hayop samantalang ang iba kong mga pinsan ay nagtungo ulit sa bayan para maglakwatsa. They convinced me to go with them again but then I disagreed. Inabala ko na lamang ang sarili kong tumulong sa mga tauhan namin sa mga ginagawa nila. I can do all these things, h'wag lang akong makapag-isip na puntahan ang pinsan ni Hope sa bayan.
I am still so mad and disappointed. Kung dati'y hindi ako mapakali kapag hindi ko siya masilayan sa isang araw, ngayon, wala na akong kagustuhang makita pa siya. Or maybe I still do, it's just that... my chest fuckin' turns hefty every time I see her. Later on or months from now, she will be becoming Lucian's girlfriend. Kung talagang masaya siya roon, dumoon siya kung gan'on. I don't want to cage her if she really doesn't like me. I may be so obsessed with her but I still know when to let go, when to stop, and when to accept that she's not for me. Ngayong nakikita ko na ang posibilidad na magiging sila na ni Lucian, kailangan ko nang tumigil.
The jerk never won over me on tennis during our trainings. Ngunit sa kompetisyon sa babaing gusto naming dalawa, mukhang siya na nga itong panalo. Walang dayaang naganap dahil si Blaise mismo ang may gusto rin sa kanya. It is so damn frustrating. Ilang taon kong pinagsisikan ang sarili sa kanya, ngayon pa lang ako natatauhan. Nakakagago.
"Eadselle, 'di ka susunod kina Bacon? Naroon sila kina Erous, dadayo ata ng basketball sa kabilang bayan." untag sa akin ni Kuya Gaston habang abala sa pagtitipon ng mga nagtataasang damong pinutol namin kani-kanina lang.
Tanging maong lang ang suot naming dalawa dahil mainit ang tama ng sikat ng araw sa amin kanina.
"Hindi na, nababagot na rin ako. Saka... hindi naman ako mahilig sa basketball. I'll just stay here all day." hinakot ko ang malaking bilang ng damo at inilagay sa malaking dram.
Sumandal siya sa may bakod na poste at itinusok sa lupa 'yong pala. "Hmm, you will get bored. You sure about that? May lalakarin din kami ni Montressor mamaya kaya maiiwan kang mag-isa rito. Si Magnus, bumalik nang Navarre kaninang umaga."
"I won't get bored. Mangangabayo na lang ako mamaya o pupunta sa talon. Babantayan ko na lang yung mga magnanakaw sa may kanluran."
His lips rose playfully. My brows furrowed as I continued with my labor. What's wrong with his damn grins? May pakiramdam akong kay nais siyang ipahiwatig ngayon, sinasadya lang bitinin.
"Wala kang... dadalawin?" I heard the mocking in his tone.
There, I already saw that question coming. Kahit alam ko kung ano'ng ipinupunto niya, pinili kong magmaang-maangan.
"Dadalawin?" Inangat ko ang isang kilay.
"Kina Tita Vivien," he chuckled more, his meaningful stares are quite irritating.
Ngumisi ako at nailing. "I have many things to do. Saka... may bumibisita na rin naman doon araw-araw."
Kagabi pa nagtatalo sa isip ko ang ideya kung dadalaw pa rin ba ako roon o ano. Pero nang sumagi sa utak ko ang imahe ni Lucian na pumapasok kina Tita Vivien dala ang mga bulaklak habang sinasalubong ni Blaise na may malapad na ngiti, natatanggal ang kagustuhan kong puntahan siya, makumusta, at makita man lang. If someone can already supply her happiness, then there's no reason why I should intervene.
I don't wanna be a fuckin' third party. Maybe I can still handle being Blaise's slave, hindi lang ang makisawsaw. Bacon is right, my pride is already buried to the ground.
Humalakhak siya at tinapik ako sa balikat. "You give up so easily, Eadselle!"
Hinawi ko nga ang kamay. "Sinubukan ko na nang ilang beses. I worked hard... Maybe she's just really not meant for me." Or probably, my hard work was not enough. Nagkibit ako ng balikat na ikinaaliwalas ng kangyang mukha.

BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO