Chapter 22: Wrong Assumption
Days, weeks, and months instantly elapsed. Hindi ko napansing mag-iisang taon na kami ni Blaise. We became more comfortable with each other. What did not differ is my feelings for her. It is still the same. O kung may nagbago man, mas lumala iyon. I still feel the loud drumming in my chest each time she gets near me. Every day, I find her more alluring.
Dati, tumagal lang kami ng mga naka-fling ko ng tatlong araw, sawang-sawa na ako. It is very different with Blaise. I cannot get enough of her. Hindi ako makuntento sa isang tawag o text lang. I always want to see her. I have never been this way, craving for a girl's presence so much. That is why she is very special to me. She is very valuable. She is the only one who lets me learn new things. Palaging bago ang pakiramdam na ibinibigay niya sa akin.
I still find her smiles amusing. Her grumpy face still looks charming to me. Everything about her is still more than enough to make me feel so much for her.
Kasama ko si Bacon nang manghiram kami ng notes sa kaklase namin. Nagdalawang isip pa ang loko-loko kung papahiram ba, takot na baka hindi namin isauli. Mabuti na lang at may maliit na tindahang nag-pho-photocopy. Doon lang sa'min ipinahiram 'yung notebook niya.
"Sunugin ko kaya ang mga 'to? Selfish n'ung gago, hindi naman nakakain ang mga 'to!" asar na sinabi ni Bacon habang nagbabayad.
Kinuha ko ang papel sa kanya at ako na mismo ang nagsauli n'un sa kaklase namin. Sa susunod na araw na ang mid term exams para sa second semester kaya abala na rin ang iba kong mga pinsan sa pag-aaral. Madalas umaalis si Ame sa bahay para sa group study nila ng kanyang mga kaklase.
"Dumaan muna tayo sa grocery store, Bac." sabi ko saka iniliko ang sasakyan sa mas malapit na tindahan.
"Mag-aral kang mabuti, kaps, ah! Ikaw ang huhugutan ko ng sagot!" nakangising utas nito na mabilis ko namang tinapunan ng magaspang na tingin.
"Bakit hindi ka makipag-team up kay Alf? Tss." sabay kuha ng dalawang kahon ng tsokolate.
"Wala akong aasahan d'un, bai! Eh puro malayo sa kabihasnan ang mga sagot n'un kahit na tamang equation naman ang ginamit!"
"Then why don't you just study yourself, huh? It's not like we will be together all the time. Sa board exam, hindi na p'wedi ang kumopya lang ng sagot. It's going to be your own battle." I said, frowning. Dumiretso ako sa fridge para kumuha ng ice cream at soft drinks. Nakasunod pa rin ang asungot sa'kin.
Ngumuso ito at pumili na rin ng sa kanya. "Bakit, kaps? Sa totoong buhay, gagamit ba talaga tayo ng equation? Kapag ba bumili ka sa tindihan, may lalabas bang x + y sa cashier?" hagalpak nito na inilingan ko na lang.
"If that's your perception, Bac, then go with it." tanging sagot ko saka dumiretso na sa cashier.
"Ang dami ng binili mo! Meron ba 'ko d'yan?" Nagngising aso ito sa akin. Bahagya ko ngang siniko.
"You buy on your own. Hindi ka pa naman yata pinapabayaan nina Uncle para tuluyan ka nang mamalimos sa'kin?"
"You've become selfish!" He leered at me and took his own wallet.
Selfish daw. Simula first year college ako pa ang gumagastos sa kakainin ng asungot na 'to sa canteen. Tapos kung may babayaran sa skwelahan, ako muna ang pinagbabayad niya. He will pledge that he will pay me at the end of the month. Hanggang sa tumuntong akong fourth year sa kolehiyo, ni piso walang ibinayad sa'kin ang bugok na 'to. Hindi ko alam kung ano bang pinaglalaanan nito ng allowance niya. Baka mamaya lumalabas na pala 'to sa gabi para maghanap ng maskuladong mga lalaki. Tss.
Inikot ko ang susi ng kotse sa aking hintuturo habang patungo na kami ng parking lot. Puro pakonsensya pa ang pagpaparinig ng bugok habang papalapit na kami sa kotse ko.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO
![It Had To Be You [CBS#1]](https://img.wattpad.com/cover/135630793-64-k301779.jpg)