TWO

3.8K 123 10
                                        

Chapter 2: Whispering a Curse
🏇

"Na-basted ka na naman, Eadselle?" pambungad sa'kin ni Kuya Roald habang pinapaliguan ko ang aking kabayo sa labas ng mansyon.

Hindi na ako nagulat, inasahan ko nang kakalat agad ang balitang 'to sa lahat ng mga pinsan ko. I also knew who the damn source persons were. Sumulyap ako kina Bacon at Alf na nagpapatay-malisya sa may fountain at kunyari seryuso sa pinag-uusapan. They were definitely aware of my deadly glares yet they chose to ignore me instead. Mga tarantado talaga, dinaig pa ng mga ugok ang babae sa pagiging chismoso.

"No..." tipid kong sagot nang 'di siya tinitingnan.

"Hindi talaga?" segunda ni Perrie nang nakangisi, nakaupo sa bangkong gawa sa Narra.

I smirked and shook my head.

"Sino namang nagsabi?" kunwari walang alam kong tanong kahit na 'yong dalawang pinsan ko naman ang talagang salarin sa lahat ng ito.

"Hmm, she told you she likes another guy. Basted na rin 'yon!" He laughed, I chuckled.

"Yeah, she has a crush on someone. But then, she didn't say that she doesn't like me." I coolly waggled my eyebrows before calling out our worker. "Pakitapos nitong ginagawa ko at pakibalik na lang kay Severus sa kulungan."

"Masusunod po, Señorito."

Umalis na ako roon at hinubad ang aking pantaas na bahagyang basa dahil sa pawis ko. Tumulong kasi ako kanina sa paghahakot ng bagong pitas na mga mangga sa may plantasyon namin. Kasama ko sina Alvis at Rufus, tumakas nga lang sina Alf, Ve, at Bacon para hindi mautusan nina Kuya Magnus.

Wala sa buong mansyon si Ame kaya alam kong naglalakwatsa na naman sila ni Hope. 'Di ko nga lang alam kung kasama si Blaise. I should ask for her number next time. Hindi ko gustong blangko ako sa mga pinaggagawa niya.

"'Di kami ang nagpakalat, bai, ah!" depensa kaagad ni Bacon nang makalapit ako sa kanila na kasalukuyang nakaupo sa may fountain.

"Hmm... of course." sarkastiko kong sagot saka namaywang habang pinagmamasdan sina Kuya Roald na nagpapaligo na rin ng kanilang kabayo.

Nagtatawanan sila ni Perrie at paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin. Halatang pinagchi-chismisan ako. I sighed and shook my head.

"Gago, hindi nga gan'on! Binalikan lang namin ni Bac 'yong nangyari, si Thaddeus itong chismoso. Eh, biglang sumingit tapos kalaunan narinig na lang naming ipinagsasabi na kina Ve." rason pa ni Alf sa tabi ko kaya hindi na ako sumagot pa.

I was not mad, masyadong mababa ang rasong iyon para kagalitan. Besides, it wasn't true, anyway. Kahit ipagtulakan ako n'ong pinsan ni Hope, basta taliwas doon ang nakikita kong reaksyon, hindi ako matitinag. And in case she really doesn't like me at all, I can make her fall for me in many ways. Para saan pa at naging Sellozzo ako? Tss.

I really wanted to pursue her. I so much yearned to find out how deep my attraction was, for her. Or was it just a pure attraction? Kaya naman mas lalo kong gustong kunin ang atensyon ni Blaise. Gusto kong tingnan kung bababaw ba ang atraksyon ko sa kanya kapag ibinigay niya nang buo ang atensyong hinihingi ko. Gusto kong malaman kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. It was making me curious and interested. Bago lang itong pakiramdam ko.

I have found the one whom my soul loves...

This could not be. Perhaps. I didn't know anymore.

"Ano na'ng plano mo, kaps?" tanong sa'kin ni Alf sa kalagitnaan ng pag-iisip ko.

Nagkasalubong ang kilay ko. "Ano'ng plano?" medyo lito kong tanong pabalik.

Napatampal siya sa noo, dinig ko pa ang pambo-bobo niya sa'kin kahit na niliitan lang ang boses.

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon