Chapter 26: Tough
Pagod na pagod ako nang ilapag ko ang aking coat sa sofa pati na ang aking bag. Tahimik ang buong buhay, hindi katulad nitong nakaraang mga taon, dinig ko ang malakas na volume ng TV sa sala. My heart instantly hammered when an unpleasant thought invade in my mind.
"Papa?" kinakabahan kong tawag sa kanya at nagmamadaling hinubad ang aking sapatos.
Lakad-takbo ako patungong sala. My chest pounded more when I did not see my father in his usual place. Wala rin ang mga kalat sa sahig na palagi kong naaabutan noon.
"Papa!" tawag ko ulit, pinapakalma ang sarili nang magtungo ako sa kusina.
Napahugot ako ng malalim na hininga, sapo ang aking dibdib nang maabutan ko si Papa na kumakain sa lamesa. He immediately smiled at me as he handed me something. Nakabalot sa isang karton pero alam ko na kung anong laman.
"I ordered for our food, hija. Pagod ka na ba? Kain ka na!" masiglang alok sa akin ni Papa.
Kinagat ko ang ibabang labi at dahan-dahang tumango. Namumukol ang lalamunan ko. For the first time in five years, I saw that bright smile on his face again. Kumpara noon, mas maaliwalas ang kanyang mukha. His beard and mustache were already shaved well. If it was not for his trembling hand, I would've drawn an implication that my old man was healthy. That he was still the same, perfect prince who married my Mom.
Naghila ako ng silya matapos magsalin ng tubig. Inilapag ko iyon sa harapan ni Papa.
"Uminom na po ba kayo ng gamot n'yo, Pa?"
He nodded immediately. "Oo, anak. Ikaw, kumain ka na! Pagkatapos nito, matulog ka kaagad. Nangingitim na ang ilalim ng mata mo." aniya habang sinusuri ako ng tingin.
Tipid akong ngumiti at kumuha sa pizza na ni-order niya. He was smiling as he watched me eat his little present for me. It was so simple but more than enough to enlarge the joy in my heart. Parang may humahaplos sa puso ko nang mapagtantong taon din ang lumipas bago gawin ulit 'to ni Papa.
"Anak, pasensya ka na kay Papa. Masyadong naging matigas ang ulo ko nitong mga nakaraang taon..." his voice broke.
"Pa..." umiling ako at hinaplos ang kanyang braso.
He cleared his throat and held my hand. "I was so devastated because of your Mom's disappearance. Masyado akong nalungkot lalo na't isinama niya pa ang kapatid mo. I thought of myself as a worthless father to the both of you. Sinadya kong pabayaan ang sarili ko, sinubukan kong parusahan ang sarili ko. Ni hindi ko man lang naisip na ikaw itong mas magdudusa. I'm sorry. I should have carried your burden, instead of adding into it. Masyado akong nalugmok sa lungkot. Hindi ko naisip na may isang anak pa pala ako. Isang anak na hindi susuko sa akin, na umaasa pa rin sa akin."
Unti-unting nagsipatakan ang luha ko habang tinitingnan si Papa na nakayuko. Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. "When you were born, I promised to myself that I will never let these fingers taste the difficulties of life. I promised to treat you as my princess. Ngunit kabaliktaran ang ginawa ko. Pati pag-aaral mo, nasira ko pa. Look at your future now. It is too far different from what I have dreamed of." Punung-puno ng sakit ang kanyang boses.
Kagat labi akong umiling habang umiiyak. "Papa, wala po akong pinagsisihan. If I will be given a chance to take this path again, I will have the same choice. Masaya po akong naalagaan ko kayo. Sa mga nangyari, Pa, mas natuto po ako. I learned that life is not always about laying on your bed as you watch your favorite movie. It is about shedding sweats, putting responsibilities in whatever you do, and learning what your priorities are."
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO
![It Had To Be You [CBS#1]](https://img.wattpad.com/cover/135630793-64-k301779.jpg)