TWENTY THREE

2.3K 93 3
                                        

Chapter 23: Hindi kayang tiisin

Sumandal ako sa aking Ducati at humahalukipkip. Malalim ang tinatakbo ng isipan ko habang hinihintay si Blaise na umuwi na. After she ran into that small store, I decided to go straight here. Kanina pa akong mga alas sinco ng hapon nandito, alas syete na wala pa rin siya. Hindi ako mapakali. Kanina pa ako nangangalaiting balikan siya sa tindahang 'yon, pero inuunahan ako ng kaduwagan.

If her emotions are still too high, then fine, I'll give her space for the meantime. Pero hindi ko hahayaang lipasan pa ng gabi ang pagtatalo namin. I don't want to sleep with so much things bothering in my mind. And I don't also want my girl to sleep with so many anxieties. If this can be fixed by now, then I would be willing to wait for her no matter how much hours would it take before she finally decides to go home.

I was slowly tapping my shoes on the floor when suddenly, a tricycle stopped in front of me. Ang nangangalaiting si Blaise ang lumabas doon. I could feel my soul burning through her fiery stares. I swallowed hard and straightened my stance.

"Blaise..." may pag-aalangan kong tawag sa kanya.

Nagbayad siya sa tricycle at inirapan ako. Umamba siyang papasok na sa gate pero nahawakan ko na siya sa braso. Isang palo agad ng bag sa aking dibdib ang natamo ko. Damn. I close my eyes and muttered a soft curse.

"Calm down, please. Let's talk about what happened—"

"Save it to yourself, jerk!" singhal niya sa akin at pinagkakalmot ako sa braso. Sinusubukan ko na siyang hawakan sa pulso dahil nararamdaman ko na ang medyo mahapding kalmot niya sa akin.

"Blaise, come on." I whispered, almost pleading as she continued punching my chest.

"Umalis ka rito! Hindi kita kailangan! Doon ka sa babae mo!" Umatras siya at may kung ano'ng kinuha sa kanyang bag.

Napamura ako nang tumama sa ilong ko ang isang lipstick, sumunod ang perfume, sapol ang noo ko. Fuck! Tinatakpan ko na ang mukha ko para hindi na matamaan pa ng ibang gamit. Lumilipad na ang mga notebook niya, cologne, ballpen, lahat yata ng gamit sa bag. Puro sa akin ang direksyon ng mga 'yon.

This is bullshit. Sinabi ko nang malala talaga ang aabutin ko kapag magalit ito nang husto sa akin!

"Blaise!" Madilim ang mukha ko nang humakbang ako palapit sa kanya, nagkakalat na ang mga gamit niya sa daan.

"Leave! Humanap ka na lang ng panibagong lolokohin mo! There are lots of women around, anyway! Hindi na ako pa ang pagkakatuwaan mo!" Taas-baba ang kanyang dibdib.

"Give me your bag, baby." kalmado kong sinabi sabay kuha n'un sa kanya, inisa-isa kong ibinalik ang mga gamit niyang nagkalat habang abala siya sa kasesermun sa akin. Nang matapos ay muli akong tumayo para ilahad ang bag sa kanya, marahas niyang hinablot iyon. Pulang-pula ang mata, nangingilid na naman ang luha. Para akong winawasak pero pinigilan ko ang sariling ipakita iyon sa kanya.

"Didn't you hear me?! Sabi ko maraming babae d'yan!"

Tumiim bagang ako at pumikit nang mariin. "Yeah, I can see that, Blaise. Marami ngang babae d'yan." mahinahon kong saad para pakalmahin siya ngunit tila naging dahilan lang iyon upang dumagdag apoy na bumabalot sa kanya.

"Fuck you! Fuck you to hell!" Nagpupumiglas siya nang subukan ko siyang hawakan sa baywang.

"Yes, you're right. There are lots of women around, and yet... you are the only one I see." naghahalo na ang lambing at pagsusumamo sa boses ko. Damn it!

Sinamantala ko ang pananahimik niya para hilahin ko siya palapit sa akin. I shove her face on my chest and I sniffed on her hair. Hindi ko alam kung paano niya ako nagagawang paratangan nang ganito gayong sa simula pa lang, alam na niyang siya lang itong kinahuhumalingan ko.

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon