THIRTY

3.3K 117 47
                                        

Chapter 30: Comfort

I gathered all my requirements with enthusiasm. I was told to have a demo-teaching with the teachers, as my students, to see whether I am already ready for this job or not. Seneryuso ko talaga iyon, pinagkaabalahan kong pag-aralan ang topic na ituturo ko. Even the materials for my activities were lashed with artistic designs, however, ensuring that the content would still be the focus on it. Labis ang kaba ko roon ngunit lahat ng pagod, kaba, at puyat, ay naglaho nang ianunsyo nilang puwedi na akong pumasok sa Lunes.

Isang apartment na ang nirentahan ko. Auntie told me to have a spacious place for me to work comfortably with my lesson plans and other materials needed in school. They immediately gave me an advisory class, so these past few days, I busied myself working with informational bulletin board. I also fixed the other structures of the room.

The students were very respectful. I immediately got along with my co-teachers. They often invite me to the faculty room whenever someone brings too much foods. Mabuti nga't katrabaho ko rin si Clena kaya hindi na ako nahirapang mag-adjust doon. She is very friendly, so she knows so many teachers to introduce to me. I already enjoyed myself on my first day.

Nakahinga na ako nang maluwag. Finally, for the past years, I was finally given a chance to do something that is really in lined to my passion. 'Yung hindi ako napipilitan lang dahil gustung-gusto ko ang ginagawa ko. It is indeed so enjoyable to do labors which perfectly fall into your preferences.

"Goodbye, Ma'am! Have a nice day!" masiglang paalam sa'kin ng aking mga studyante.

I smiled and waved at them. Inayos ko ang mga gamit sa aking lamesa kasabay ng pagpasok ni Clena sa classroom ko.

"Blaise, doon na tayo kumain sa cafe, sa labas ng school. Xian will be joining us." she said while giggling.

Tumango naman ako at kinawayan si Xian na nasa pintuan na rin ng classroom ko. They are the perfect lover birds in this school. Palagi silang tinutukso ng mga faculties sa opisina. Natutuwa nga ako dahil kahit ganun ang estado nila, propesyunal pa rin sila sa isa't-isa. Legal na rin silang dalawa kaya naman hinahatid-sundo na ni Xian si Clena sa sentro ng El Camarico. Kapag lunchtime, palagi nila akong dinadaanan dito sa classroom ko.

It is not awkward to go with them, since they are not really intimate with each other. Kung pagmamasdan nga, parang magkaibigan lang ang dalawa.

Mabilis akong nakapag-adjust sa bagong routine ko. Tuwing weekends na lang ako nakakauwi sa bahay at kung marami ang ginagawa, hindi na talaga ako nakakauwi sa'min. Pero syempre, ipinapaalam ko kina Auntie kung bakit hindi ako nakakauwi dahil ayokong mag-alala sila.

"Masaya ako na nakapasok ka na rin sa trabahong naaayon sa kursong kinuha mo, anak." masiglang sabi ni Papa nang ibalita ko sa kanya ang tungkol dito.

Nakangiti naman akong tumango. "Baka sa susunod na buwan pa po ako makapagpadala, Pa. Kasisimula ko lang kasi."

"It's okay, hija! You should be pampering yourself for now. Ilang taon mo na akong iniintindi. Pagbigyan mo rin naman ang sarili mo."

Tumango ako kahit hindi naman ako sumasang-ayon sa gusto ni Papa. One of my very significant reasons is to provide for his therapy. I just don't want to voice it out now, sigurado akong hindi matatapos ang usapan namin ni Papa kapag hindi ko siya sinang-ayunan.

"Bibisitahin po kita d'yan sa susunod na buwan." sabi ko na tinanguan niya naman.

Kumuha ako ng baso para simulan na ang pagtitimpla ng gatas. Kaharap ko ang laptop habang nanonood si Papa sa akin.

"Hija, nga pala... na-contact mo na ba si... Flora?" he asked in a very hopeful tone. Bahagya akong natigilan doon kasabay ng pagkirot ng dibdib ko.

He is always asking me this, yet I cannot get myself used to hearing this from him. At nasasaktan ako sa tuwing wala akong maisagot sa kanya. Sa totoo lang, minsan nawawalan na rin ako ng pag-asang kukumustahin pa kami ni Mama. Sa nakalipas na mga taon, nasanay na akong kami na lang ni Papa ang nagdadamayan. I tried searching for my Mom in my social media account but I was always unsuccessful. I don't know if she really doesn't have any account or... she just changed her name to deprive me of getting in touch with her and my brother.

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon