Chapter 34: Genuine smile
Para akong nakalutang habang nakayakap sa kanya. Kung hindi pa tumunog ang takuri tanda na puwedi nang isalin ang tubig sa thermos, baka hindi na kami naghiwalay rito ni Eadselle. Marahan akong umalis sa kanyang kandungan habang pulang-pula ang pisngi. He licked his lips while drowning me with his sensual stares.
"I'll just turn off the stove. M-Magpunas ka muna, basang-basa ka."
He was mysteriously dark when he nodded. Kung hindi lang siya nakanguso, iisipin kong badtrip siya ngayon. But then he is always like this. It's as if the black pigment is exclusively created for him. That contributed so much to his gorgeousness. He could be the god of darkness in Mt. Olympus.
"I'll change, Blaise. Can I borrow your towel?"
Nagulat ako roon. "Uh, may d-dala kang damit?"
His lips twisted sexily. Humakbang siya palapit sa'kin at marahang hinawakan ang baywang ko. "I already thought about staying here all night so, I brought some extras with me."
"Oh!" Pakiramdam ko iniihaw na sa apoy ang aking pisngi. I did not know that he prepared for this!
"It's calling you," aniya at inginuso ang kusina kung saan panay na ang tunog ng takuri.
Ang bilis ng tibok ng puso ko nang talikuran ko siya para patayin na ang stove. Hindi na ako nakaapela nang lumabas na siya sa kabila ng lakas ng ulan! Tinapos ko kaagad ang pagsasalin sa mainit na tubig at dali-daling kumuha ng tuwalya sa kuwarto.
Namataan ko siyang binubuksan ang u-box ng kanyang motor. Ang lakas ng ulan, siguradong mababasa rin ang damit na kukunin niya roon. I decided to get my umbrella. Marahan ang tapak ko sa lupa para hindi maputikan ang pajama. Itinapat ko ang payong sa kanya habang kumukuha siya ng damit doon.
There was a lucid shock in his eyes, he immediately pulled me close to him.
"You should've stayed inside." he said in a low tone and took the umbrella from me. My lips trembled at the cold atmosphere.
"Baka kasi mabasa rin 'yung kukunin mong damit." sagot ko. He pouted a bit and closed the u-box.
Hawak ang ipampapalit na damit, hinawakan niya rin ang aking baywang para hindi ako mabasa ng ulan. I noticed that I am even occupying the large portion of the umbrella! Mukhang sinasadya niya iyon para siya lang ang mabasa.
"You should change, too." sinabi niya habang tinitiklop ang payong.
Tumango ako at inabot ang tuwalya sa kanya. His thick brows are very wet, even his narrowed nose, and lips. Patuloy ang pagpatak ng tubig ulan sa kanyang tainga, pababa sa balikat. Ang guwapo-guwapo niya, hindi ko maiwasang hindi mapatanga.
Pinunasan ko ang kanyang noo gamit ang likod ng aking palad. He slouched a bit for me to reach him better. I also wiped the droplets of water on his face as he deeply gazed on me. Ibang-iba ang epekto sa'kin ng kanyang asul na mata. Nanunuyo ang lalamunan ko. Mestisong-mestiso, hindi ko makuha kung paano ko siya nasungitan noon. Samantalang ngayon, baliw na baliw ako sa kanya!
If I'd be given the chance to choose the greatest wonder of the world, I will choose this amazing scape in front of me. His deep-set eyes, perfect nose, cherry lips, and firm jaw.
Mainit ang palad niya sa aking baywang nang mag-iwas ako ng tingin.
"Doon ang banyo." sabay turo ko sa maliit na pasilyo.
He grinned playfully and nodded. Halos malagutan pa ako ng hininga nang hawakan niya ang t-shirt sa may bandang batok para hubarin iyon! Literal na napatanga ako sa hubog ng kanyang katawan. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang topless. Kahit noon, nakikita ko na siyang ganito. Pero ito ang unang beses na nakita ko siya nang malapitan!
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO