THIRTEEN

2.1K 85 12
                                    

Chapter 13: Value
🏇

Sumunod ako sa kusina kay Thaddeus na kumukuha na naman ng beer sa refrigerator. Nagkakasiyahan sila ngayon sa likod ng mansyon dahil birthday nila ng kambal nitong si Ve. Katatawag lang nina Lola kanina at desidido sanang magpahanda ng maraming pagkain pero tumanggi na silang dalawa. The jerk thought that they were already big enough for a birthday party celebration.

Nagsuhestiyon naman si Kuya Gaston na maghanda na lang kami ng kaunti at mang-imbita ng iilang kaibigan. Babae kaaagad ang inuna ni Ve samantalang kinuha nina Alvis si Erous sa downtown. We were even excited thinking that Ate Beatrice would come, only to find out that she already left for Canada yesterday. Dismayado kaming lahat nina Rufus dahil kagaya nga ng sinabi ko, hinahangaan namin siya.

"Kaps, 'di ka pa tumatagay roon. Pinaghahanap ka na nina Kuya Montressor, hindi ka ba iinom?" baling sa akin ni Thaddeus habang binubuksan ang dalawampung beers in can sa kanyang harapan.

Ibinaba ko ang basong ininuman ng tubig at nagtungo sa sink. "Susunod ako, may tatapusin lang."

Ngumising aso ito. "Do not outcast yourself from us. I know what happened. Hindi mo kasalanang hindi ka niya type."

Pinanlisikan ko nga ng mata ang tarantado. Hindi nakakatulong. I am not fuckin' grieving for what happened. Wala na akong pakialam. Kung gusto niya nga ang drug pusher na Lucian na 'yun, eh 'di dumuon siya. Tama na ang pagpapahiya ko sa sarili kaaagaw sa kanya. I was persistent to get her but I also knew when to stop. I can determine things that effectively work out. At kaya kong tanggapin kung wala naman talagang patutunguhan.

"Bilisan mo na, may surpresa pa naman daw sina Bacon, Alf, Rufus, at Rajah kay Thaddeus at Ve. Siguradong puro katarantaduhan na naman 'yun."

Ngumisi ako at napailing. Instead of making the twins happy, for sure that surprise will only ruin their day. Alam ko ang plano nila dahil inistorbo pa nila ang tulog ko kagabi para lang manghiram ng kotse. Hindi na lang nila ginamit ang sa kanila, ang pag aari ko pa talaga ang gagawan nila ng kagaguhan. They also convinced me to join their evil plan, kaso hindi ako pumapatol sa mga gan'yang galawan.

"Tulungan mo na lang akong dalhin ang mga 'tu sa labas, bai." ani Thaddeus at inabot sa'kin ang sampung beers in can.

Umamba akong kukunin ang tray kung hindi niya lang ako naunahan. Nagkasalubong kaagad ang mga kilay ko.

"Sa'kin 'tu, bai. Para hindi na ako bumalik-balik kakukuha." ngisi niya at iniatras ang tray. The fuck?

"What about me? Ayoko ring bumalik-balik, Thaddeus."

"Ayos na 'yan! Bigo sa pag-ibig ka naman kaya 'di mo mararamdaman ang pagod." tarantadong rason nito saka na ako iniwan sa kusina.

Tang-inang 'tu, ano'ng kinalaman ng pagiging bigo roon? Tss. Mga rasong pambobo talaga. Wala akong nagawa kundi manghalungkay ng iba pang tray sa cabinet nang maabutan ko si Ame na papasok.

Magulo ang buhok, may bakas ng laway pa sa may bandang gilid ng labi, halatang kagigising lang. I looked at my watch, it was already past twelve. Ano ba'ng pinagkaabalahan nito kagabi at napuyat siya nang gan'yan?

Dumiretso siya sa refrigerator para kumuha ng fresh milk. Nagkibit ako ng balikat at ipinagpatuloy ang paghahalungkat sa cabinet.

"Eadselle?" she whispered in her hoarse voice.

Hindi ko siya sinagot, hindi ko rin nilingon.

I heard her sighing deeply. "I know you are hurt. I'm sorry for what happened."

Sinsero naman pero hindi talaga tumagos sa akin.

Damn! Ano ba'ng problema ng mga abnoy na 'tu? Tatlong linggo na ang nakalipas simula n'un! Akala mo sila itong nagago. For fuck's sake, I have already forgotten that!

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon