Chapter 31: Answer
That was a very dramatic scene for us. I have been carrying a baggage in my chest and the last day, it eerily faded away. It's true, when one keeps a secret for too long, her feelings will never be lightened up. It is very different when there are good listeners beside you, and it is even better when you know that someone is there to empathize with you.
Auntie, Uncle, and Hope felt my burdens. They treated those as if they were on my shoes. They cried with me, they gave me the comfort that I needed. Hindi nga nila ako binigo dahil simula pagkabata pa lang, nariyan na sila sa tabi ko. Sila ang tumayo kong mga magulang habang malayo sa'kin sina Papa. Si Hope ang nagsilbi kong kapatid habang hindi ko nayayakap nang totoo si Matthew.
They have never failed me, and this is the kind of family that is worth emulating. Sana lahat, marunong makiramdam. Sana lahat, marunong umintindi kaysa manghusga. I've been in very hard situations, I experienced striving so hard. Naintindihan ko kung bakit may mga tataong nagkakamali sa kanilang mga desisyon. Naintindihan ko kung bakit may mga nagdudusa.
Sometimes, decisions are not manifestations of one's stupidity. Sometimes, we really are just confused on the path that we are to head.
Kung minsan, pinipili natin ang mas maikli at mas madaling daan lalo na kung masyado nang mabigat ang mga pinagdadaanan natin.
I learned that there is nothing to gain when we criticize others, but there is more to obtain when we empathize with them. When we try to feel their pains and when we try to understand them.
"Lumipat na si Xian sa El Camarico at kami naman ang umalis!" natatawang balita sa akin ni Clena habang nanananghalian kami sa cafe.
"Destiny is really playful. I chose to rent an apartment in El Camarico, para mahatid-sundo si Clena. Siya namang pag-alis nila." naiiling na sinabi ni Xian.
Natawa ako roon. "Eh, bakit hindi ka na lang lumipat sa nilipatan nina Clena?"
"Nag-deposit na 'to, Blaise!" sagot ni Clena, humalakhak pa na nagpasimangot sa kanyang nobyo.
"Nakakahiya naman sa may-ari kung babawiin ko pa. Titirhan ko na lang muna. Isang buwan lang naman. Pagkatapos, saka na ako lilipat."
"Magpakasal na kasi kayo." natutuwa kong suhestiyon dahilan para pamulahan si Clena.
"Gagawin naman namin, Blaise. Siguro kapag may tamang ipon na rin."
Biglang kumislap ang mata ni Clena at hinawakan ako sa braso. "Nga pala! Nag-co-commute ka lang patungo roon, Blaise, 'di ba?"
"Oo, bakit?"
Kumunot na rin ang noo ni Xian habang tinitingnan ang nobya na nangingisi. "Sumabay ka na muna kay Xian pauwi roon, para makalibre ka na rin ng pamasahe. Isang buwan lang naman 'yun."
"Huh? Hindi na! Naku, ayos lang mag-commute! 'Tsaka, hindi naman madalas kaya hindi rin malaki ang gastos sa transportasyon." pagdadahilan ko. Ayokong maabala pa itong si Xian imbis na dumiretso na lang siya sa kanyang apartment.
"Ayos lang sa'kin, Blaise. Sabihin mo na lang sa'kin kung anong oras kang uuwi. Idadaan ko pa nga lang muna 'tong si Clena sa nilipatan nila bago kita ihatid." nakangiting sang-ayon naman ni Xian.
Hindi pa man ako nakaka-oo, tumango-tango na itong si Clena. "That's better! Para hindi rin boring sa biyahe. Eh hindi palakuwento 'to!"
Ngumuso si Xian at sinulyapan ang nobya. "You did not want me to talk, so..."
"Hmp! Eh tumatalsik laway mo! Bilis kasing magpatakbo, para kaming bibiyahe patungong langit. Mas mabuti nang may kasama kami nang maging responsableng driver naman 'to." dahilan ulit ni Clena na nagpatango na lang sa'kin.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO
![It Had To Be You [CBS#1]](https://img.wattpad.com/cover/135630793-64-k301779.jpg)