Chapter 7: Worthless enmity
🏇Itinuko ko ang aking siko sa lamesa habang inilalagay ang ballpen ko sa aking labi. Katatapos ko lang sagutan ang individual task namin. Ngayon, hinihintay ko na lang na matapos ang isang oras para palabasin na kami. Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa mga numero sa aking papel, masyado nang masakit sa ulo ang mga equations kaya naman minabuti ko tapusin na kaagad ang sinasagutan ko.
Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari noong fiesta. Napapadalas tuloy ang dalaw ko sa kanila nitong mga nakaraan. Namamawis pa ang mga kamay ko sa tuwing haharapin na ako ni Blaise sa sofa. Napapansin ko pa ang mapanudyong tingin sa'kin ng asawa ni Tita Vivien kaya napapailing na lang ako.
"Two minutes..." our teacher reminded while roaming around the room.
Kanina pa siya naglilibot sa classroom dahil may mga pasaway akong mga kaklase na nagkukopyahan sa likod. Hindi naman sa sinasabi kong ako ang matapt dito dahil hindi kailanman ako nangungupya sa mga kaklase ko. Iba lang ang pananaw ko. Mas mabuti nang sariling sikap ko ang mga sagot at sarili ko lang din ang sisihin ko kapag magkamali ang solutions ko. Kaysa sa mangopya ako, wala pang kasiguraduhan ang sagot ng mga kaklase ko. Baka makabugbog lang ako kapag bumagsak ako dahil sa mga hindi tamang sagot na nakopya ko.
Saka kung ganito kahigpit ang bantay, 'di bale nang magsarili. Mas mabuti na 'yong nag-iingat. I checked my solution for the remaining time. Huminga ako nang malalim nang makuntento na sa mga sagot ko.
"Kaps!" bulong ni Bacon sa likuran ko.
Napangisi ako sa tono ng boses niya. Siguradong hindi pa 'to sigurado sa mga sagot niya. Alf slightly chuckled beside me. Kanina pa 'to naninilip sa papel ko kaya wala akong naririnig na paghihirap sa kanya. Pansin ko pa ang pangungumpara niya sa mga solutions namin kung magkapareho ba. Kapag hindi, gumigilid ang mata para masulyapan ang papel ko.
"Ead!" medyo malakas na bulong ni Bac, halatang desperado na.
Kung hindi lang strikto ang aming guro, siguradong kanina pa ako humahagalpak sa tawa. Medyo itinaas ko ang papel para makita niya ang mga sagot ko.
"Hindi klaro! Itaas mo pa."
Humilig ako sa upuan at bahagya pang itinaas ang papel, kunwaring nire-review pa ang sagot. Hindi na siya nagreklamo, siguro klaro na. Pilit kong ikinunot ang noo ko, kunwari seryuso sa pagtatama ng mga sagot. Kita ko ang ibang kaklase kong nagsisibulungan na. Ang iba'y sumesenyas pa ng sagot. Napailing ako nang makaramdam ng pangangawit.
Hindi pa ba 'to tapos? Sobrang bagal. Tss!
"Mr. Sellozzo!"
Medyo nagulat ako roon, sabay-sabay naming nilingon nina Alf ang aming guro. Tatlo kaming Sellozzo kaya hindi kami sigurado kung sino ba'ng tinutukoy niya. Pero sa lagay na 'to, may hinala na ako. It's either me or Bacon. Kasi hindi naman halata ang mga hokageng galawan ni Alf sa tabi ko.
"Bacon Luscious Sellozzo, kanina pa yata humahaba 'yang leeg mo." mataray niyang puna, sumisilip na ang wrinkles sa noo dahil sa pagkakakunot n'on.
Bumalot sa classroom ang marahang tawanan ng mga kaklase namin. Ngumisi si Bacon at umayos ng upo. He coolly rubbed his nape and clicked his neck.
"Nag-eehersisyo lang po, Ma'am."
Lumakas ang tawanan. Kahit kami ni Alf natawa. Damn, Bacon! Kahit kailan talaga, nakakahiya 'to! Tss.
"Ehersisyo? Saan? Sa pangungopya ng sagot? You'll be turned into a giraffe because of that." she growled angrily.
Tumikhim ang pinsan ko at pinasadahan ang buhok. "Sobrang gwapo ko namang giraffe kung gan'on. Laugh my ass off." Tama lang na marinig ng lahat ang sagot niya kaya napatampal ako sa noo ko.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomantikCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO