Chapter 4: Patiently Awaits
🏇Dumekwatro ako sa pang-isahang upuan at sumandal habang nakahalukipkip. Sa malaking bintana, pinagmasdan ko ang kabayo kong maganang kumakain. Inutusan ko ang trabahador namin na pakainin na si Severus dahil maglilibot ako mamaya. Baka hindi pa ako mabuhat nang mabuti kapag walang laman ang sikmura nito. Mabuti pa 'tong kabayo ko at nahaplos na ni Blaise ng isang beses, tss. Tandang-tanda ko pang bakasyon iyon at abala kami sa pagha-harvest n'ong mga mangga nina Kuya Gaston.
I can still clearly remember how she giggled the first time she fed him a damn grass. Binabaha ako ng iritasyon n'ong mga panahong 'yon, animo'y binubudburan ng gasolina ang sentido at sinindihan para mag-apoy nang tuluyan. Sino ba naman kasing hindi maba-badtrip kung pakainin ang alaga mo ng pinakamababang uri ng damo! Halos mangusok ang ilong ko noon nang makita si Severus na ngumunguya ng tanginang talahib! Sinamahan pa ng kangkong at ibang p'weding mapulot sa daan. Putragis, hindi baboy ang alaga ko kaya naman talagang nanguyom kaagad ang panga ko sa natanaw.
"What the fuck?!" wala sa sarili kong bulalas nang makita si Severus na walang patid sa pagkain ng talahib na ibinibigay ni Blaise.
Nasa kalagitnaan ako ng pamimitas sa mga mangga kanina kaya hindi ko kaagad napansin kung ano'ng ginagawa niya. Ngayon lang na nakababa na ako sa ladder. Nanlilisik kong binalingan sina Ve na naghahagikhikan sa may dulo habang patay malisya si Alf sa paglalagay ng mga pinitas ko sa basket.
Mga tarantado, wala man lang nagsabi sa'king 'yon na pala ang pinagdadaanan ng kabayo ko! Mga walang kwenta talaga ang mga tukmol. Kahit yata sa araw ng kalamidad, wala kang maaasahan sa kanila.
Humalakhak kaagad si Rufus at tinapik ang balikat ko. "Lagot! Magkaka-diarrhea pa yata si Severus!"
"Shit! Talahib 'yon, bai. Ang cheap! Ipapahanda ko nalang ang Loperamide." hagalpak din ni Bacon sa gilid na agaran kong sinamaan ng tingin.
Kung walang sanang mabuting sasabihin, mas mabuting manahimik na lang. Upakan ko kaya 'tong ugok? Nakakatarantado ang mukha, tss. Tiim-bagang kong binalingan ang kinaroonan ni Blaise. Hindi na lang ang tainga ko ang umuusok, pati pa dibdib ko! Pakiramdam ko magigiba ang pasensya ko ngayon sa sobrang iritasyon. God knows how many times I've cursed at the back of my head. Ni kahit damo lang d'yan sa paligid, hindi ko binibigyan ang kabayo ko! Tapos heto... tangna talaga.
"Hayaan na, nag-e-enjoy naman ang crush mo. Ipaubaya mo na 'yan." nakangising tudyo ni Kuya Magnus na tinawanan pa ni Kuya Gaston.
Hindi ako sumagot. Imbis, mabigat ang hakbang ko nang bumalik sa barn house para kunin ang tamang pagkain ng alaga ko. Sumisipol pa si Bacon nang madaanan ko sila para mapuntahan ang pinsan ni Hope at masaway. Ni hindi ko na matukoy kung gaano karahas ang bawat hakbang ko. Dinig ko pa ang panunukso ng mga pinsan ko pero hindi ko na sila nilingon pa. Imbis, ipinagpatuloy ko ang paglalakad.
"Sus! Titiklop 'yan, tingnan lang natin!" That's Thaddeus, mamaya at babasagin ko ang mukha ng gagong 'yan.
Nang makalapit na ako sa kinaroonan ng kabayo ko ay pumikit ako nang mariin at pilit na kinalma ang sarili. Kanina, buong-buo ang loob kong sigawan na itong pinsan ni Hope sa padalos-dalos na ginawa niya. Ni hindi man lang nagtanong kung iyon na ba talaga ang tamang pagkain para sa kabayo ko! Sa sobrang pagkaaliw niya kay Severus, hindi niya namalayang nasa tabi na niya ako.
I wanted to scold her, so bad. I so wanted to curse a million times in front of her, para malaman niyang hindi ako natutuwa sa ginagawa niya ngayon! Dapat nagtanong muna sya kung ano'ng kinakain ng kabayo ko!
Sino'ng matinong tao ang magpapakain ng talahib sa alagang hayop niya? She's fuckin' insane. Gusto ko siyang hawiin at palayasin sa kulungan ng mga kabayo namin, hindi lang dito kundi sa mismong lupain namin.

BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO