SEVENTEEN

2.3K 75 13
                                        

Chapter Seventeen: End this chase
🏇

Lucasta was very drunk that she could even barely stand. Kinailangan kong tulungan ang mga kaibigan niya sa pagpasok sa kanya sa loob ng kwarto. Everything was in mess. Hindi katulad dati na malinis lahat ng pagkakaayos ng kanyang mga gamit. I felt bad for her again. Isa ako sa dahilan kung bakit nagkakaganito siya. Napakagago ko para hindi maisip ang mararamdaman niya kapag subukan ko siya.

"Eadselle, come back to me... please!" humahagulhol niyang turan, ayaw bitiwan ang t-shirt ko. Magulong-magulo ang buhok nito at basang-basa ng pawis ang mukha.

I honestly don't know what to do with her. If I help her friends to take care of her tonight, she'd think that I am definitely into her. Kung wala naman akong gawin dito, magmumukha akong walang pakialam. May pinagsamahan din kami ni Lucasta. She is a good person. I cannot leave her this way.

"Luca! Tumigil ka nga! Sabi mo limot mo na?" saway n'ung kulot at pilit na tinanggal ang t-shirt ko mula sa pagkakahawak ni Luca.

"Pasensya na, Eadselle. Kami na ang bahala kay Luca. Salamat din sa tulong." the other one said while smiling.

Tumango ako at matamang tiningnan si Lucasta na pikit ang mata, nakahiga na sa kama. Abala ang isa niyang kaibigan sa pagpupunas sa kanyang braso gamit ang bimpo.

"It's nothing. Kayo na ang bahala sa kanya. At... h'wag n'yo na ring ikwentong naparito ako." mataman kong bilin na tinanguan naman kaagad n'ung kulot ang buhok.

"Thank you ulit, Eadselle!"

I nodded. Dumiretso ako sa aking sasakyan. Pinagmasdan ko ang aking relo at napatampal ako sa noo nang makita kung ano'ng oras na. It was almost eleven! Hindi ko namalayan ang oras. Sunud-sunod na dumating ang mensahe sa cellphone ko. Una kong binuksan 'yung nanggaling kay Alvis.

From Alvis:
Where are you? Pauwi na kami.

From Kuya Roald:
Damn you! Get your ass on here! Wala kaming sasakyan pauwi!

Napahilamos ako at huling binasa ang mensahe ni Bacon.

From Bac:
You're such a sucker of fuckin' sex! Para kaming sardinas sa sasakyan. It is not fuckin' good to sit on Alf's lap while we are heading on the damn rocky road!!!

Pinigilan ko ang ngising unti-unting sumilay sa aking labi nang maisip kung ano ang itsura ng mga dugyot kong pinsan sa loob ng sasakyan. Naalala ko pa kung paano humahagalpak ang asungot na si Bacon sa mga pictures na nakikita namin sa Facebook. 'Yung panalo kung makasiksikan sa isang sasakyan. Now that they have already experienced that, I cannot just imagine their reactions.

Bago ko maibaba ang cellphone, may pahabol pang mensaheng dumating. Kung galing kina Thaddeus, wala na sana akong planong buksan pa 'yun. Kaso mula kay Ame. Kapag mula kay Ame, malaki ang posibilidad na may kinalaman iyon kay Blaise. Kaya binuksan ko na.

From Amethyst:
Better talk to Blaise right now. You're nothing but an evil womanizer! Magka-HIV ka sana! Sex pa more!

What the fuck? Ano'ng sex ang pinagsasabi ng baliw na 'to? And she is even chanting a prayer for me to get a freakin' HIV! How ruthless could she be? Sino bang nagpakalat sa kanila na nakikipagtalik ako sa iba? Mga gago talaga! Umalis lang ako saglit, ganun na kaagad ang naisip nila? Hindi ako hayok sa bagay na 'yan... tss!

Padabog kong itinapon ang aking cellphone sa passenger's seat. Napahilamos ako sa mukha at tamad na binuhay ang makina ng sasakyan. Kung sakaling sinulsulan na naman nila si Blaise sa kagaguhang 'yun, siguradong sakit na naman sa ulo 'to.

I will absolutely be having a hard time again explaining my ass on her. Ito pa naman ang tipo ng babaing hindi madaling makumbinsi.

Pinaharurot ko ang sasakyan pabalik sa bahay nina Tita Vivien. Hindi ako mapakali. Dinadaga na naman ako. It's like heading to the courtroom right now for some sort of a hearing! Tahimik akong lumabas sa sasakyan. Patay na ang ibang ilaw ng bahay. Wala na ring mga bisita. Napahilot ako sa sentido. Hindi ko namalayan ang oras. Tukmol ka talaga, Eadselle!

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon