THIRTY THREE

3.7K 125 19
                                        

Chapter 35: Not enough

Eadselle was indeed serious about fetching me. Hapon na n'un nang sabihin ko sa kanyang tutulak ako sa Biyernes ng gabi. Kagagaling niya lang n'un dito, sumabay ulit sa akin sa lunch. Inakala kong hindi na niya ako masusundo dahil siguradong pagod 'yun, pero nagulat ako nang nasa labas na pala siya ng apartment ko, hinihintay na lang ako. He already brought his SUV. We just talked about random things while we were on our way home. Hindi kami natagalan sa biyahe.

Eadselle went out from the car to open the door for me.

"Thank you," I said sheepishly.

"You're welcome." he said while looking at me intensely.

Hindi ako halos nakapag-react nang tawagin ako ni Auntie mula sa tindahan! Naroon pala siya! Gulat na gulat siya nang makitang kasama ko si Eadselle. Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanahimik na lang ako nang nakalapit nakalabas na si Auntie sa tindahan.

"Good evening, Ma'am." Eadselle greeted politely.

"Good evening, too, Eadselle! Uh, sinundo mo si Blaise? O... nagkasabay lang kayo?" medyo naguguluhang tanong ni Auntie, pilit na pinapakaswal ang boses.

"Sinundo ko na po." si Eadselle na ang sumagot.

Auntie's exaggerated coughing heated my cheeks so bad. Mabuti at gabi na, dahil kung hindi, siguradong hindi mahihirapan si Eadselle na aninagin 'yon!

"Ooh! Ayos 'yan! Nakalibre ka ng pamasahe, Blaise." Auntie giggled and held on Eadselle's arm. "Sabay ka na saming maghapunan! Naghahanda na si Leng."

I was confident that Eadselle will turn down Auntie's offer, just like before. Madalas siyang imbitahin nina Uncle noon pero sinasabi niyang sa kanila na raw siya kakain. For sure, it will stay the same now, especially that there is no accurate explanation on our current status. He fetches me, he gives me a ride, we eat lunch together, and he even brings me food in the evening at my apartment, yet we don't really have any level. Ayoko ring itanong kahit na naguguluhan din ako. Maybe this is just for... friendship? I don't know.

"Sure, Ma'am."

Nalaglag na ang panga ko sa narinig. Is he serious?! Hindi ba siya nag-aalangang baka usisain siya ni Auntie at Uncle? Gosh! Hindi na ako nakaapela nang hilahin na siya ni Auntie papasok, may malapad pang ngisi sa labi.

Seryuso si Hope at maganang kumakain nang muntikan nitong maibuga ang pagkain sa biglaang paglitaw namin ni Eadselle, kasama si Auntie. Naiwan sa ere ang kutsara ni Uncle, pero mabilis din namang nakabawi.

"Magandang gabi po, Tito, Hope." bati ni Eadselle sa kanila.

Sabay na nagngising-aso ang mag-ama. Siguradong may kalokohan na naman sa isip ng mga 'tu.

"Dito ka, Eadselle!"

Iyon na lang ang narinig ko dahil minabuti ko munang hubarin ang sapatos sa sala. I also took off my jacket, leaving my loose shirt. I tied my hair in a ponytail before going to the kitchen.

Magkatapat si Auntie at Uncle sa hugis oblong na lamesa. Ate Leng is sitting beside Hope. Katapat naman ni Hope si Eadselle, at may bakanteng upuan sa tabi nito! For sure, that chair is reserved for me!

"Blaise! Pinagtabi na namin kayo ni Eadselle!" masiglang saad ni Auntie nang mamataan na ako.

Tumango ako at tahimik na lumapit sa tabi ni Eadselle. He pulled the chair for me, making their brows shot up in amusement. Hindi na talaga ako makatingin sa kanila, lalo na kung ibang klaseng ngisi ang nakadikit sa kani-kanilang mukha! Napansin kong wala pang kahit anong pagkain sa plato ni Eadselle dahilan ng pagkunot ng noo ko.

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon