Chapter 8: Over
🏇"How many bottles did they finish?"
"Don't know, but they took many for sure. Kita mo nang hindi na nga sila nakapasok sa kani-kanilang kwarto."
Naririnig ko ang boses nina Kuya Gaston at Kuya Montressor na nag-uusap-usap malapit lang sa'min pero tinatamad pa akong bumangon. Gusto ko rin ng maraming tulog kaya naman hindi ko na binuksan pa ang mata.
"Bai, magsigising na kayo!"
That was Thaddeus' voice. Ayoko pa sanang magmulat kaso masyadong malakas ang pagyugyog niya sa balikat ko. Wala akong nagawa kundi ang bumangon. Nabungaran ko kaagad sina Kuya Magnus na matamang nakatitig sa amin habang nakahalukipkip. Abala naman si Ve sa paggising kay Alf na nakasampa sa arm chair ng pang-isahang upuan.
"Bacon, gising!" sigaw ni Kuya Monssor sa kapatid habang winiwisikan ng tubig ang mukha nito.
Ginulo ko ang buhok ko at umayos ng upo sa couch. Pumikit-pikit pa ako sa nararamdamang matinding pagkahilo. I can even smell the scent of the beer that's still clinging unto my shirt. Pupungas-pungas si Alf at tumakbo patungong kusina habang sapo ang bibig. Siguradong susuka 'yon. Hinilot ko ang gitnang parte ng aking noo. Naalala kong nakadalawang case kami ng beers kagabi. Masyado rin kaming magagalaw kaya tinamaan kami nang husto ng alak.
Hindi ko nga alam kung paano kami nakaauwi, basta may dala kaming kanya-kanyang motor nang magtungo kami sa maliit na pub ng El Camarico.
"Ano'ng oras ang pasok n'yo?" nakahalukipkip na tanong ni Kuya Montressor.
Humikab si Bacon na halatang bangag pa mula sa panggigising ng kapatid. Kung hindi lang seryuso si Kuya Monssor ngayon, kanina ko pa 'to pinaliguan ng asar.
"Alas nueve pa..." si Bac na ang sumagot habang hinuhubad ang t-shirt. "Bakit basa 'to?" naguguluhan niyang tanong habang sinusuri ang damit.
Muntik na akong humagalpak kung hindi lang mukhang galit sa amin ang nakatatanda naming mga pinsan. Damn, bangag pa nga! Hindi niya naalalang winisikan siya ng tubig ni Kuya Montressor kanina.
Tumingin si Kuya Gaston sa wall clock. "Mabuti, you still have time to fix yourselves. Ipinapatawag din kayo sa disciplinary office. What did you do this time?"
Umiling si Kuya Montressor at sinamaan kami ng tingin ni Bac. Tumikhim ako at tumuwid ng upo, hindi dahil natatakot ako. Tss. Medyo nakokonsensya lang ako kasi kung tutuusin, ako ang dahilan kung bakit napaaway kami.
But hmm, on the other hand, it's not my fault, too. They insisted to go with me, I was upset yesterday. Pagkaalis ko pa lang ng canteen, may ideya na sila kung ano'ng gagawin ko sa kaklase nina Ame. Sumama sila, ibig-sabihin lang handa sila sa kung anumang maaaring mangyari. Kasalanan ko bang mga ususero ang mga tanginang 'to?
"Bacon Sellozzo! You were just here the last time, you're present again today! Gaano ba talaga katigas 'yang ulo mo?" nagngingitngit na singhal ng guidance counselor sa pinsan kong nakayuko sa gilid.
Kanina, excited pa ang isang 'to nang naglalakad na kami patungo rito sa disciplinary office. Malakas daw ang kutob niya na 'yong student assistant na nakahalikan niya parin ang bantay rito. Ngayong mali ang hinala niya, nanatili na lang sa corner ang ugok. Ngumingiwi habang pinapaliguan ng sermon ng striktang counselor.
Malapad ang ngisi ni Alf sa tabi po habang pinapanood si Bacon na nagta-transform bilang maamong tupa sa gilid, sumeryuso nga lang nang titigan siya nang masama ng counselor.
"What you did was entirely wrong, I hope that the three of you are aware of that! Mga outsiders na nga kayo, nambugbog pa kayo ng studyante! What do you think others would say to our school? Na walang mga disiplina ang mga nag-aaral dito!" I heard the frustration in her tone while writing something on the paper.
![](https://img.wattpad.com/cover/135630793-288-k301779.jpg)
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO