Chapter 21: Proudly Taken
"Sobra-sobra na 'to, Eadselle. But I honestly like it." marahang bulong ni Blaise habang nakayuko. She was busy looking at the silver necklace while I was busy staring at her face.
Dinilaan ko ang ibabang labi, pinipigilan ang nagbabadyang multo ng ngiti. How this beauty caged me the first time I saw her is still beyond my capacity to understand contexts. I remembered that she was just a little girl back then who used to visit in our house. I honestly hated her grumpy attitude including her old treatment for me. Suplada pero mas tumataas ang lebel ng pagiging maldita niya sa tuwing ako na ang kaharap.
At first, I could not understand myself why I kept pissing her off. Siguro kasi natutuwa ako kapag pumupula na ang kanyang pisngi sa sobrang iritasyon. We were always fighting, but never did I see her bursting into tears. Even if her expressive eyes were already turning bloodshot, she still held back herself from breaking down in front of me. Natutuwa ako sa tuwing pinapatulan niya ang mga pang-aasar ko. Siguro dahil iyon lang ang tanging paraan para mapansin niya ako. Para may palitan ng salita... kahit na wala namang katuturan.
I watched her growing up. Her pretty, charming face lightened up each year. Sa bawat dagdag ng edad, mas lalong napupustura ang kanyang katawan. Mas lalong... nagiging dalaga kung tingnan. Lalo akong binabaha ng iritasyon. Hindi lang iritasyon, may halo ring pagkabalisa lalo na kung naririnig ko sina Bacon na pinag-uusapan siya. I could not get to decipher the chaos that had been forming in my mind but as several months rolled by, I finally accepted the fact that I was so much attracted to her.
Saksi ang mga pinsan ko, si Hope, at ang iba pang mga kaibigan niya kung paano ko siya paulit-ulit na sinubukang ligawan. It was too frustrating to think that I was too serious about courting her, but she always turned me down. Kesyo raw babaero ako. Ang daming paratang.
It was never easy convincing a queen to try stepping down from her throne. When I finally succeeded, the gratefulness within me was beyond gradable.
Limot ko ang hirap bago siya makuha, pati na ang tampo ko lalo na kung harap-harapan niyang sinasabi sa aking hindi niya ako kailanman magugustuhan. Lahat ng negatibong naramdaman ko sa kanya, natabunan na ng saya.
Marahan kong iginapang ang palad sa kanyang baywang para hapitin pa siya palapit sa akin. Her legs were beside my hips, angels knew how hard it was for me to control myself from doing naughty any stuff. I knew that she'd feel uncomfortable. Besides, she is still a baby. Ayokong... madaliin siya. Ayokong dalhin siya sa mas malalim na dimensyon ng relasyong ito. Just to taste her lips is priceless. To hold her so close to me as her warmth creeps into my chest is too overwhelming. And seizing this moment with her as the sun sets on the West is a real treasure.
Tinitigan ko siyang mabuti habang sinusuklay ang kanyang buhok. Namumungay ang kanyang mata habang kagat ang labing nakatitig sa'kin pabalik. She slowly lifted her soft palm to touch my hard jaw gently. Gumalaw ang panga ko at pumikit nang mariin. Mumunting mura ang nagsilabasan sa utak ko. Damn! Even her simple touch resulted a commotion inside of me! Isama pa ang nagkakarerahang turo sa kaliwang parte ng dibdib ko.
Inagaw ko ang kanyang kamay at paulit-ulit na pinaulanan ng halik ang palad. Nagpipigil siya ng ngiti, pulang-pula ang kanyang mukha.
"This used to be a dream, Blaise." Naiiling ako habang ngumingisi. "I still can't believe that this is really happening now."
I kissed her for so long once again.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
Любовные романыCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO
![It Had To Be You [CBS#1]](https://img.wattpad.com/cover/135630793-64-k301779.jpg)