THIRTY FIVE

4.4K 116 25
                                    

Chapter 35: Overflowing love

Pagod na pagod na sumalampak si Eadselle sa one-seater couch pagkarating pa lang namin. Dito na kami tumigil sa kanyang bahay. Ni wala sa ayos ang mga gamit namin, basta nilapag na lang namin 'yun sa tabi ng couch.

Nakapikit siya habang sapo ang noo. Tila may pumaso sa puso ko sa itsura niya. He looks really, really tired. Magulo ang buhok, halatang walang sapat na tulog. Isama pang siya ang nagmamaneho ng sasakyan sa loob ng ilang oras. Last night, he did not get a good sleep, too. Inaya siyang uminom nina Papa at Uncle Agustin para sa huling gabi namin d'un. Mga alas dose ng umaga na sila natapos, 'tsaka nagising kami eksaktong alas quatro ng umaga para mapaaga ang aming biyahe.

He only got few hours of sleep. I cannot help my heart from melting. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at nilapatan siya ng halik sa noo. I decided to go to his kitchen for me to cook something but before I could even push myself to stand up, he already caught my pulse. I gasped when he placed me in between his legs without a warning.

"Ead! Ipagluluto lang kita..."

"Stay here, you're tired too. Come on. Magtatawag na lang ako ng kasambahay para sa pagkain natin." aniya at hinigpitan ang hawak sa aking tiyan.

Wala akong nagawa kundi huminga na lang nang malalim at magpatianod sa kagustuhan niya. I gave my full weight on him and closed my eyes, too. It felt so good to be caged by his rigid arms. If I'd get placed in a cruel world, maybe I won't ever be frightened so long as I have Eadselle with me. Sa dami na ng taong lumipas, kailanman hindi umalpas ang nararamdaman niya para sa'kin sa kabila ng aking nagawa.

I realized that time is not the only measurement of true love, it is also measured by his willingness to accept you once again in spite of the dark past. He never enumerated how hard he had been through. I can't believe that by only simply telling him how much I love him, he'd instantly get cured.

Isang bagay na siyang ipinagpapasalamat ko sa kanya ay 'yung parteng hindi niya nga talaga ako kayang tiisin gaano man kalaki ang kasalanan ko sa kanya.

With that, I promise not to break his trust again. I know he deserves a better woman. 'Yung klaseng babaing walang lamat. But since I am selfish, I admit that I am ambitious, too. I don't want others to have this kind of man beside me. I will treasure him, I will keep him 'til the very end. He is absolutely made only for me.

Madilim na ang paligid nang nagising ako. Kinurap ko ang mata at natantong ganun pa rin ang posisyon ko, kung paano ako natulog kanina. I watched Eadselle's firm arms on my stomach. Napahinga ako nang malalim at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.

"You're awake," paos ang boses na bulong niya sa tainga ko. Nangingiliti ang kanyang hininga sa aking leeg.

"Kanina ka pa gising?" usisa ko habang kinukusot ang mata.

Hindi na niya ako nasagot nang may babaing lumapit sa amin sa sala. Kiming itong nakangiti, medyo ilang sa posisyon namin ni Eadselle ngayon. My cheeks heated. I put my hands on his both thighs and tried to stand up but his hold on me tightened more.

"Señorito, luto na po ang pagkain n'yo."

"Thank you, Loleng."

Tumango lang ang babae at alangang ngumiti sa akin. Nag-utos na pala siya sa kasambahay niya. Ibig sabihin, kanina pa siya gising?

"Did you sleep well?" he asked softly while brushing my hair with his fingers.

It feels so relaxing, but I don't want to pamper myself with this. Baka 'pag nag-asawa na kami, maging tamad na 'ko sa pagpasok sa trabaho at hinging ganito na lang ang tagpo naming dalawa buong araw!

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon