Chapter 15: Walang pag-asa
🏇Palipat-lipat ang tingin ko kay Lucasta na nasa bukana ng gate at kay Blaise na kagat ang labi habang nakatitig sa akin. She looked so damn tensed at the moment. Hindi nakaligtas sa mata ko ang paghigpit ng kapit niya sa magkabilang panig ng paldang uniporme. Kunikininang ang kanyang kulay kapeng buhok sa tulong ng sinag ng araw.
Napamura ako nang lihim.
Galit ako sa babaing 'to pero nakakagago lang, siya pa rin ang pinaka maganda sa lahat ng babaing nakasalamuha ko.
Fuck, Eadselle, hindi ka ba talaga nagtatanda? Ilang beses ka na bang sinupalpal at pinaasa n'yan? Kahit ilang beses ka nang nagtampo d'yan, ni minsan hindi ka n'yan nilambing! So cut off your attraction for her because no matter what you do, your feelings will never be reciprocated. Move on and try out new things!
Dinig ko ang pagbubulungan ng mga bugok sa likuran ko nang ilipat ko ang tingin kay Lucasta na kababa lang sa motorbike, naroon na kay Blaise ang seryusong titig.
"Itataya kong kay Lucasta lalapit 'yan. Halatang may hinanakit pa rin si kaps kay Blaise," bulong ng gagong si Thaddeus at dinig ko pa ang tagingting ng sinsilyo sa likuran ko.
"Hmm, ako, hindi. Doon ako sa luma. Galit nga si kaps pero mukhang may feelings pa." sagot naman ng tocinong pinsan ko na walang iba kundi si Bacon. "Dalawang libo ang pusta ko d'yan."
Putang-ina? Gago 'to, ah. Sarap bayagan! Tss.
"Tatlong libo, sasama muna 'yan kay Lucasta at babalikan si Blaise kalaunan." dinig ko ang ngisi ng asungot na si Alf.
"Neutral lang ako kaya hindi ako maglalabas ng pera." ani Rufus na pinanlisikan ko kaagad ng mata.
Kupal talaga ang mga abnoy, magpupustahan na lang sa likuran ko pa talaga. At sinasadya pang iparinig sa'kin! Nilingon ko nga at isa-isang tinitigan ng masama. Pucha, nahuli ko pa si Ve na nangongolekta na ng pusta ng mga walang kwenta kong pinsan. Mamaya at tatamaan talaga sa'kin ang mga 'yan! Bumuntong-hininga ako at isinuksok ang kamay sa bulsa.
Si Blaise ang nilapitan ko.
Hindi nakatakas sa tainga ko ang impit na tili ng baklang si Bacon! Sometimes, I really cannot help doubting his gender. Pakiramdam ko may tinatagong sekreto ang bugok na 'to lalo't mahilig mangmanyak sa amin ni Alf. Kapag malaman kong tagilid 'to, talagang ipapakain ko 'to sa mga toro namin. Wala akong problema sa mga bakla, pero ang isiping nagpapakalalaki lang ang tocinong 'to para maka-chansing sa'min, hindi ko talaga palalampasin. Tss.
I saw how Blaise's eyes twinkled with anxiousness as I zoomed in towards her. I clenched my jaw at her fake reaction. What the hell is that? H'wag kang magpanggap na kabado sa'kin, Blaise, na para bang gusto mo ako.
Lalapitan kita hindi para piliin ko. Hindi para kumustahin ukol sa mga bagay na pinaggagawa mo habang wala ako sa tabi mo. Lalapitan kita dahil gusto kong itanong kung bakit narito ka.
Bagay na hindi ko kailanman inasahang ako ang dahilan ng presensya mo rito.
Humakbang ako palapit, lampas sa isang metrong distansya. Pero ang dibdib ko, daig pa ang may heart attack. Nakakasira ng araw. Pati namamawis kong kamay, hindi ko masikmura. Pota, ganito pa rin ba? Lalong nanigas ang panga ko nang isang beses siyang umatras na akala mo'y kabado sa lapit kong ito. Blangko at malamig ang ekspresyon ko nang titigan siyang mabuti.

BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO