Chapter 20: A Hope for eternity
🏇Nakapamulsa kong tiningnan ang kalendaryo sa sala habang umiinom sa aking kape. It was Saturday morning and my other cousins were busy with their own errands. Kami lang ang naiwan nina Bacon, Alf, Rufus, Ame, at Rajah sa bahay. Sa totoo lang, kanina pa rin ako niyayaya ng dalawang abnoy na ‘to sa sentro, may bibilhin daw na kung ano. I don’t honestly know what is wrong with them that they cannot go out of this place without me. Palaging ako ang gustong kasama dahil kapag kulang ang dala nilang pera, ako ang nag-aabuno. How wise assholes could they be, huh?
“Kaps, ubos na ang brief ko. Sige na, samahan mo na kami.” ngisi ni Bacon na nakasalampak sa sofa habang pinaglalaruan ang cellphone.
Sa una, hindi ko pinansin. Nanutnutsot pa ang sira-ulo, walang patid sa pagtawag sa pangalan ko.
“Eadselle! Jaak! Sellozzo!” pina-echo-echo pa ang boses na parang takas sa mental.
What the fuck is wrong with him? Salpakan ko kaya 'to ng tsupon sa bibig? Tss! Sarap upakan!
Sinipat ko nga, “As far as I know, we are not sharing the same feet, Bac. Hindi ka ba nakakapunta roon nang ikaw lang?” I mockingly smirked as the side of his lips slowly rose into a ghost of smile.
“Yes, baby. You see, my life depends on you aside from the thought that I am already so short of my allowance.” malanding sagot nito sabay kindat sa akin. “Sponsor ka naman, kaps!”
Humagikhik si Alf nang hindi na ako sumagot para patulan pa ang kaabnoyan ng tocinong pinsan namin. Mula sa stairways, namataan ko naman si Ame na bihis na bihis, kasama si Rajah na abala sa kanyang cellphone, nakaporma rin. Sabay-sabay kaming napatingin nina Rufus sa magkapatid.
“Ead! It is your monthsary with Blaise today! Any surprise for her?” she giggled as she headed towards me.
Nakita ko kaagad ang malisyosong mga titig sa’kin ng mga tukmol na tila binabantayan lahat ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung nababakla ba sila sa kagwapuhan ko o sadyang nanggagago lang talaga sila. Whatever the reason is, though, I am completely annoyed.
“Nag-iisip pa… ng p’weding maibigay.”
Tumili si Ame at walang pasabing kinurot ako sa utong! Tangina?! “Manlibre ka bukas sa amin, ha?!” pahabol pa nito sabay takbo patungong bukana ng mansyon.
Naghalahakhakan ang mga kulang sa kabuwanan nang unti-unting nagdilim ang aking mukha. Gago talagang Ame! Mabuti na lang at naging babae ‘to, kung hindi, baka mas abnormal pa ang utak nito kina Bacon! Manyakis! Damn it.
“Kalma, kaps! Alam mo, pag-usapan kaya natin ang regalo mo para kay Blaise?” mungkahi ni Alf sabay ayos ng upo. Si Bacon naman, nanatili lamang nakikinig habang nginangatngat ang kuko sa hinliliit. Sagwa talaga ng tocinong ‘to. P'wedi namang magpakuha ng nail cutter, ngipin pa talaga niya ang ipinampuputol ng kuko!
Humalukipkip ako at umiling. “Hindi na, siguradong puro kabalastugan lang ang i-su-suggest n’yo.”
I’d rather think about a nice present for her all night than dealing with these jackasses.
“Basta tip ko sa’yo, bai, mas mabuting binabalikan ang classic na galawan.” untag ni Rufus sa tabi ko.
Tamad akong sumandal sa upuan at pinasadahan ang buhok. “And how can you say that it is effective?”
Swabe nitong hinaplos ang buhok sabay malisyosong kagat ng ibabang labi. Nakakasuka pero sige, pakikinggan ko ang paliwanag niya. “You see, I have been doing that for most of my life. Kita mo naman, simula elementarya, lahat ng babaing pinopormahan ko… dalang-dala sa karisma at galawan ko. Ang iba nga, hindi pa nakaka-move on! They are begging to get me back.”

BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO