TEN

2.3K 92 8
                                    

Chapter 10: Learnt
🏇

"Do you like it here, Eadselle?" untag sa akin ni Kuya Montressor habang nakatanaw ako sa malawak na dagat.

Tumango ako at pinasadahan ang buhok. Nababahiran ng itim na kulay at tanging ilaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag doon. The lights coming from the cottages are reflecting on the ocean. Isang birthday party ang nagaganap sa malaking resort na pag-aari ng kaibigan ni Kuya Montressor.

We've been staying here for days, prior to the main event. We took it as a vacation, at may plano rin kaming mag-extend pa ng ilang araw rito. This is the first time in several months that I went out of town for a vacation. Ngayon ko lang napagtantong nakaka-relax pala. Palagi kaming naroon sa El Camarico ni Alvis kada bakasyon. Sina Kuya Magnus at Rufus naman, madalas sa Navarre, lugar nina Lola. Sina Bacon ang palaging nagpapasyudad o nangingibang-bansa. Ngayong nandito 'yon, kasama namin nina Alf at Kuya Montressor, hindi na ako magtataka.

"Mabuti nga't nakakalabas na rin 'tong si Eadselle ng probinsya, Kuya. I was apprehensive that he might remain ignorant all his life." nakangising sinabi ni Bacon sa tabi ko na mabilis kong pinitik ang noo. Gago 'to.

Ngumisi si Kuya Montressor at umupo sa sun lounger. "I will be meeting someone tonight. The three of you should stay in the villa or if you wish, you can go to the bar of this resort. Just stay formal you all. There is no room for stupidity in here, Bacon." sinulyapan pa niya ang kapatid at mariing tinitigan.

"Damn, I'm not stupid, Montressor! Kung istupido ako, dapat hindi ko maitatawid hanggang ikatlong lebel ang agricultural engineering na kurso!" pagyayabang nito sabay hubad ng aviators na suot.

Pinigilan ko ang ngisi. Tang-ina, nagyayabang pa ang gago. Paano'ng hindi maitatawid kung sapilitan ito kung makapangopya? Nagbabanta pa sa mga kaklase ko na palalayasin sa probinsya kapag hindi siya ginawan ng requirements. Or sometimes, this punk would flirt with a smart girl so someone could accomplish his requirements on his behalf.

"I can even suppress Eadselle and Alf from doing worldly things. Kahit pambababae, pipigilan ko pa." nakangisi pa nitong sabad.

Pinanliitan siya ng mata ni Kuya Montressor. "Hmm, baka nga ikaw pa ang manguna d'yan. Be careful not to get a girl pregnant, Bacon. Taking good care of a child and building a family is no joke."

Humalakhak kami ni Alf nang bumusangot si Bacon at humiga sa kanyang sun lounger, padabog na tinalikuran ang kapatid habang bumubulong-bulong. He doesn't really want to be preached at, kahit sya pa itong may mali. Umiling si Kuya Montressor at iniwan kami roon nang may sumenyas sa kanyang lalaki.

"Dapat nagpapasanay kang lumabas-labas, bai. Para nakakakita ka naman ng magagandang babae. Hindi na si Blaise lang ang nakakahumaling sa paningin mo!" Lumipat si Alf sa upuan ko at inakbayan ako sabay turo sa iilang grupo ng mga babaing nakabikini na kanina pa nakatingin sa puwesto namin. "Asan d'yan ang gusto mo? 'Yong ubod ng puti ba? 'Yong kayumanggi? Sabihin mo nang mailakad kita."

The fuck? Hinawi ko nga ang kamay. I can seek for my own woman, damn it. I may be obsessed with Blaise but I know when to suit myself to the place where I belong. Tss.

"'Yong transgender d'on ang kay kaps Eadselle, umaangat ang kagandahan kaysa sa mga tunay na babae." dinig ko ang ngisi ni Bacon sa tabi ko.

Ininom ko ang beer in can sa lamesa at inilagay ang braso sa noo ko, tinanggal na ang tingin sa grupong 'yon. Damn, how can I change my preference if the image of that girl in El Camarico keeps on fucking my mind up? She always steals the show, it is annoying. And even up to this day, the majesty is still not giving a damn about my sudden disappearance! Ni walang pakialam kung bakit hindi na ako madalas sa kanila! Kahit simpleng pangumusta kay Ame, mas imposible pa sa posibilidad na magtitino na ang bugok na si Bacon.

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon