SIX

2.4K 94 14
                                    

Chapter 6: Blood over Your Love
🏇

Mga bandang alas dos ng hapon nang magpaalam kami kay Tita Vivien. Nauna pa sina Ame at Hope sa'min dahil may importanteng lakad pa raw sila. Sa totoo lang, wala naman sa'kin 'yon. Ang bagay lang na gumugulo sa'kin ngayon ay ang unang pagpapaalam ni Blaise kanina matapos ang pinapanood naming basketball. She didn't even bother to take a glance at me as she exited herself from the living room. Nakakairita. Bakit ba nagmamadali? Ano'ng ipinangako ng gagong Lucian na 'yon at ganito siya kung masabik sa pagkikita nila?

"Mga Kaps, nag-text si Erous. Kanina pa raw tayo hinihintay." mungkahi ni Alf nang makapasok kaming sasakyan.

"Umuwi ba ang ate niya?" ngisi ni Bacon.

Palagi naming inaabangan ang kapatid ni Erous na si Ate Beatrice simula pa noon. She's so damn beautiful and a real head turner. Matangkad din at mahilig sa sports. In addition to her attractiveness, she's prim when carrying herself. She sounds wise with her words. Hindi mahilig magmura. Kung hindi lang mas matanda sa'min ng ilang taon, paniguradong pinag-agawan na namin siyang magpipinsan. She has all the ideals that my cousins seek for.

"Nandito na 'yon. Sinabi ni Erous na uuwi raw si Ate Beatrice ngayong fiesta." si Ve habang nakatunganga sa bintana.

"Makikipagkita ka kay Glaiza?" untag ni Thaddeus sa kakambal.

"Mamaya pa, tatambay muna ako kina Erous saglit. I don't want to miss Beatrice's welcoming hugs." he grinned meaningfully. Sabay-sabay nga naming minura, manyakis talaga ang tukmol.

"You said Glaiza is with some girls?" tanong ko kaya nilingon niya ako gamit ang malisyosong tingin.

"Hmm, pipili ka rin ng idi-date mo, bai? What about Blaise?" He raised his eyebrows when I chose not to say anything instead.

"Gago, may ka-date na si Blaise. What about Ella 'ka mo!" halakhak ni Alf.

"Ano'ng oras ba ang lakad mo, Eadselle? Ngayon ba? Nang maibaba ka na lang namin sa pupuntahan mo." ani Kuya Roald sa unahan, nakitingin sa'kin gamit ang rearview mirror.

Ngumuso ako at sumandal sa upuan habang nakahalukipkip. "Wala akong lakad..."

"Sus! Wala raw! What made you change your mind? You're afraid that Blaise will ignore you again?"

"Shut up, Perrie." iritado kong saway, kinakalkula ang distansya namin para alam ko kung ilang bilang ng pwersa ang pakakawalan ko para saktong tumama sa kanyang mukha ang aking cellphone.

"Ang sabihin mo, lalo siyang hindi pansinin!" Rufus butted in as he playfully winked at me.

Tangna, isa na lang at talagang papababa na ako rito. Hindi ko alam na mas maputak pa pala ang mga bugok na 'to kaysa kay Ame. Tss! Ang malala pa, talagang hindi ka tatantanan hangga't hindi nila nakukuha ang sagot sa mga tanong nila. Didn't know that they're all training themselves to be fuckin' detectives. Pinanatili ko na lang ang katahimikan ko habang papunta kami kina Erous.

Naglalaro sa isipan ko ang kyuryusidad kung nasaan ang pinsan ni Hope ngayon. She's gone for an hour, ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Nakakasira ng araw. Kapag makita ko ang tanginang Lucian na 'yon... hmm, bugbog sarado sa'kin 'yon. He's bumping at the wrong person. He's deliberately challenging a Sellozzo. Kung gan'on, pagbibigyan ko siya.

Goddamn it, tiangge? Ano'ng ibibigay sa kanya ng Lucian na 'yon? Headband? Tsk! I can buy you tons of that! Just say so, you know I won't even hesitate to spend my allowance for you, Blaise.

"Daming bisita!" nakangising untag ni Thaddeus sabay baba ng van.

Tinapik ni Alf ang likod ko at naunang lumabas. Tamad akong sumunod sa aking pinsan at nakitang marami nga silang bisita. Nahagip ko kaagad sina Kuya Magnus at Kuya Gaston, kausap na si Ate Beatrice. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tumitig dahil sinalubong na kami ni Erous.

It Had To Be You [CBS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon