🌾
She was fierce and savage. She was mean and rude. She loved to cut my words. She was fond of rolling her eyes on me so she always catch my attention.
She was ruthless and rough. Tipong walang pakialam sa mundo. Hindi naman 'yong klaseng naninigarilyo at nagcu-cutting classes. Hindi rebelde. In fact, she was formal. Masyadong hands on sa pag-aaral. Palaging kasali sa top ranking ng klase. Matalino, maganda, talentado, at...
Maarte. Laking Amerika.
Masyadong mapili sa lalaki. Hindi madaling i-impress. Kailangang pag-aralan nang mabuti bago punteryahin. Palagi ko silang naririnig ng pinsan kong babae. Kesyo raw ayaw niya sa clingy, sa mahilig tumawag, mag-text, at makipag-usap sa kanya.
"Oh my gosh, Blaise. You turned Aaron down? Five months na 'yong nagpaparamdam sa'yo, ah!" dinig ko ang paghisteriya ni Ame, pinsan kong babae, pagkapasok ko pa lang sa kusina.
"Oo nga, sayang, crush ko pa naman ang Kuya n'on. Hindi na 'ko makakabisita sa kanila, girl!" dagdag pa ni Hope, bakas na bakas sa tono ang panghihinayang.
They had always been like this, talking about some boys for hours. Kung hindi tungkol sa mga natitipuhan nila, tungkol naman sa mga na-basted nila. Hindi yata nauumay ang mga 'to. Puro lalaki lang ang laman ng usapan. Hinahaluan pa ng impit na tili kapag mapag-usapang may tipak sa tiyan.
Why do girls are fond of well-defined abs? Kapag ba mala-lobo ang tiyan ng lalaki, nakapropesiya nang mabigo? Kapag malaki ang pisngi, 'yong parang may unlimited rice sa bibig, malas na kaagad sa sinasabi nilang buhay-pag-ibig?
Wala naman akong ipinaglalaban dito. Hindi ako mataba, hindi rin lumulubo ang pisngi. Usapang totoo lang, macho ako. I was an athlete, isama pa ang pagtulong ko sa aming plantasyon at rancho kaya hindi imposible 'yon. Those were just my random thoughts. Lalo't mga gan'on palagi ang madalas kong marinig kina Ame.
"Hindi ko naman sinabing ligawan niya 'ko. Binibilhan niya 'ko ng chocolates, alang naman tanggihan ko?"
Uminit kaagad ang ulo ko sa narinig ngunit gusto ko pang makakuha ng detalye kaya naman sinadya ko talagang tagalan ang pagkuha ng maiinom sa ref. Ang babata pa nila para pag-usapan ang mga bagay na 'to, tss!
Hindi naman sa nagmamalinis ako. Grade five ako nang magkaroon ako ng girlfriend, mas matanda pa nga sa'kin ng isang taon. Nagsimula kaming mag-usap-usap ng mga pinsan ko tungkol sa babae n'ong grade two ako. Nasa ikalimang baitang ako nang nakahawak ako ng boobs. Aksidente lang naman 'yon pero ginawan ng issue ng mga pinsan ko. Nakarating pa kina Lola dahilan para isang linggo akong hindi palabasin ng bahay.
Ang sabi'y makakabuntis daw agad ako nang maaga kaya naman pansamantala muna silang nagbayad ng tutor para sa'kin. Hindi na ako umapela pa dahil ayokong humaba pa ang sermunan.
"Exactly! Dapat hindi mo tinatanggap kasi parang binibigyan mo na rin siya ng motibo n'on. Besides, he's really a hottie! Sayang naman! Basketball player pa! O, 'di ba? Tiba-tiba, girl!" si Ame 'yan. Kaya naman agaran kong binigyan ng tinging nagbabanta.
Where did she learn those words? Isumbong ko 'to kay Gaston, eh. Tss.
"What's with your stares, Eadselle? Magsusumbong ka kina Kuya Alvis hanggang sa makarating kay Kuya Gaston? Totoo naman, ah! Why don't you give us a piece of advice instead? Para matuto naman kami!" aniya at humagikhik pa.
Advice? Tss. D'on sila kay Kuya Monssor o kay Perrie. Kung manghihingi sila ng payo tungkol sa pag-ibig, mali sila ng nilapitan. I had never been in serious relationships. Fling-fling lang. Temporary. Milagro pa kung magtagal ng tatlong araw. So definitely, I was an amateur of serious commitments, too. Kaso ayoko yatang subukan. Nakakatakot. Nakikita ko pa lang ang pinagdadaanan ni Kuya Monssor, umaatras na ako.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO