Chapter Sixteen: Permission
🏇"Babairo talaga!"
'Yan kaagad ang bungad sa akin ng kaibigan ni Lucasta pagkarating namin sa canteen nina Bacon. Alf's malicious look on me was so annoying that I chose to disregard it instead. Hindi ko kailangang depensahan ang sarili ko sa babaing 'yun. What I did to her friend was awful. Doon ko mas napagtanto kung gaano ako kagago.
I can still recall her face last week. I saw her losing her strength as she bursted into tears in front of me.
"You are not texting me anymore, Eadselle. Hindi ka na rin tumatawag sa akin. You already forget about our monthsaries. Ni hindi ka na dumadalaw sa boarding house ko. What happened? Are you losing your feelings for me now? Tell me! Nagmumukha akong tanga sa'yo!" Iyan ang pambungad niya sa akin, sinadya niya mismo akong puntahan sa bahay.
The truth is, I was so busy with my thesis. Pinaulanan din kami ng requirements kaya malimit ko na siyang ma-text. Whenever I find a vacant time, I still do not text her. Hindi ako santo para hindi amining nawawalan na nga ako ng gana. Mahirap manatili sa isang relasyong wala naman talaga sa kagustuhan ko. I tried to lend my full attention to her, but at the end of the day, she is not the one I am thinking before I go to sleep.
Hindi ko gustong bahiran pa ng kalungkutan ang mala-anghel na mukha ni Lucasta, kaso mas hindi kakayanin ng konsensya ko kapag pahabain ko pa ang relasyon namin kung ang totoo naman, wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. She can call me a beast all she wants, I will not deny that. I deserve any name callings from her.
"Wala na akong nararamdaman, Lucasta. Pasensya na—" isang malutong na sampal ang natamo ko mula sa kanya.
Narinig ko pa ang sipol ng ususero kong mga pinsan sa bukana ng mansyon. Hindi ko sila nilingon. I didn't want Luca to feel insulted. Sobra-sobra na ang kagaguhang ginawa ko sa kanya. I won't be confused anymore if my soul hangs loose from a cliff towards hell. Damn it.
"You're such a dick! Wala kang kwenta, Eadselle! You could have informed me earlier, hindi na pinatagal mo pa! I am so in love with you... gago ka!" Pinagsusuntok niya ako sa dibdib.
Hindi ako umapela, hinayaan ko siya hanggang sa mapagod siya. Nanghihina siyang napasandal sa katawan ko habang humahagulhol. I hugged her to calm her down while whispering 'sorry' on her ear. In the end, we managed to have a calm conversation.
"Ayoko na munang makita ka, Eadselle. Kapag sa tingin mo magkakasalubong tayo ng daan, please, kusa ka na lang umiwas." garalgal pa rin ang boses niya.
Tahimik akong tumango. I admit that it is kind of lousy for me, but then, I don't want to hurt her feelings more. Nihatid ko siya sa kanila matapos ang pag-uusap na 'yun. After that, she blocked me on her Facebook account. Pinagkatuwaan pa 'yun nina Bacon, umamba pang gagawan ako ng dummy account para lang mai-chat si Lucasta, pinagsasapak ko nga. Tarantado talaga.
"H'wag mong sabihing liligawan mo ulit si Blaise dahil wala na kayo ni Lucasta?" Nakahalukipkip si Ame habang pinanliliitan ako ng mata.
I was busy doing my coffee at the kitchen when she instantly appeared. My brows immediately furrowed, I swung back my eyes to my mug.
"Hindi... tss!"
Naisip ko na 'yan. Blaise will think so ill of me because of what happened. Ayokong isipin niyang siya ang naging dahilan kung bakit ko hiniwalayan si Lucasta. Hindi sa ganun. Nang nalaman kong hindi pala sila ni Lucian, nagpatuloy pa ang relasyon namin ni Luca. Busy days only came and I got worn out from our relationship. I could not continue pretending to genuinely like her. She was an amazing woman to be treated that way. She deserved better. Hindi ang mga katulad ko ang dapat sa kanya.

BINABASA MO ANG
It Had To Be You [CBS#1]
RomanceCOMPLETED - R18 "...Because even if you're rude. Even if you're mean. Even if you're a brat. I'm still so damn attracted. What can I do? It had to be you." -EADSELLE JAAK SELLOZZO