♫♪ CHAPTER NINE ♫♪

2.8K 42 0
                                    

"FRITZ!" bulalas ng biglang pumasok sa silid na iyon.

Napatingin doon si Elise. Isang lalaking hanggang balikat ang brown na buhok ang pumasok, may kasunod itong isang lalaki na mukhang Japanese, nakangiti ang mga mata at nakangiti rin ang mga labi, at isang lalaking... nakamaskara?

Tumingin sa gawi nila ng tatlo.

"Fritz? Sino 'yang kasama mo? Bakit dito kayo gumagawa ng milagro sa practice room, ha?" tanong ng lalaking brown ang buhok.

Napatingin siya kay Fritz na nakita niyang pumikit nang mariin at huminga nang malalim na tila kinokontrol ang sarili. Pagkatapos ay dumilat ito at bumaling sa mga bagong dating. "Guys, ang aga n'yo yata," sabi nito.

Hindi naiwasang magtaka ni Elise. Kanina lang, bago dumating ang mga lalaki ay nakatitig nang matiim si Fritz sa kanya, tila may malalim na iniisip. Pakiramdam niya kanina ay may sasabihing importante si Fritz. May nakikita siyang emosyon sa mga mata at may ideya siya kung ano 'yon. Pero hindi niya magawang tuluyang maniwala roon dahil ayaw niyang umasa ang kanyang puso, ayaw niyang bigyan ng anumang kahulugan ang pakikitungo at pagtingin ni Fritz sa kanya dahil ayaw niyang masaktan... ayaw rin niyang lumayo ito sa kanya.

"Elise, sila 'yong mga kabanda ko. Si Takehiro Sadamori, keyboardist," sabi ni Fritz na itinuro ang lalaki sa pinakakaliwa. Iyong lalaking mukhang Japanese.

Lumapit ito sa kanya at iniahad ang kamay. "Hajime mashite. Watashi wa Takehiro desu."

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito at napatingin kay Fritz. Saglit pa siyang dumukwang palapit dito. "Ano raw? Hindi ba siya marunong magsalita ng Tagalog?" pabulong na tanong niya.

Tumawa si Takehiro at napatingin si Elise sa binata. "Gomen ne. Gusto ko lang magpa-impress sa 'yo," sabi nito. "Nagagalak akong makilala ka. Ako nga pala si Takehiro, the keyboardist."

Sa pagkakataong iyon ay napangiti na siya. "Ah, hi. Nice meeting you. Elise Mendoza," pakilala rin niya sa sarili.

Kapagkuwan ay lumapit ang isang lalaki na abot balikat ang brown na buhok. "So, siya ba 'yong babaeng sinasabi mo sa akin na nililigawan mo? In all fairness, maganda siya," sabi nitong hinimas pa ang baba habang hinahagod siya ng tingin.

Bahagyang nailang si Elise.

"Taylor," natatawa at marahang sita ni Takehiro sa lalaki at siniko pa ito.

Tumawa nang malakas ang tinawag nitong Taylor. "It's nice to meet you, Miss Elise, Taylor Frias, the bassist, at your service," sabi nitong inilahad ang kamay sa kanya.

Tinanggap niya ang kamay nito pero nagulat siya nang hindi ito nakipagkamay sa kanya. Sa halip ay hinagkan nito ang likod ng kamay niya. Pero mas ikinagulat niya ang naging reaksiyon ni Fritz dahil agad nitong inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Taylor at pinahid ang panyo ang bahagi ng kamay niyang hinagkan ni Taylor.

"Ingat ka sa isang 'yan, baka mahawa ka ng sakit diyan," bilin pa ni Fritz sa kanya.

Tumawa nang malakas si Taylor. "Selos much now, buddy?" pang-aasar nito.

Sinimangutan lang ni Fritz si Taylor pagkatapos ay bumaling sa nag-iisang lalaki na nanatiling nakatayo malapit sa pinto.

"Si Kristoff, Nightingale's front man, vocals, and lead guitarist," pakilala ni Fritz na saglit niyang binalingan.

Tumango lang nang matipid si Kristoff at walang sinabi. Hindi niya alam kung nakatingin ito sa kanila, hindi rin niya alam ang ekspresyon ng mukha nito. Nakasuot kasi ito ng puting maskara na may anyong pusa. Iyong tipo ng maskara na isinusuot ng mga ANBU sa Naruto. Puti ang buhok nito na nakapagtataka. Matanda na kaya ito?

"Uy, Kristoff, ano ka ba? May magandang babae sa harap mo. Show some hospitality," sabi ni Taylor.

Umangat ang kamay ni Kristoff at bahagyang inalis ang maskara sa mukha. At laking gulat ni Elise sa nakita. Napakaguwapo nito! Sa apat na lalaki na nasa loob ng kuwartong iyon, si Kristoff ang pinakaguwapo. Berde ang mga mata, napakakinis at napakaputi ng mukha, maliit ngunit matangos ang ilong, manipis ang mapupulang mga labi. Maging ang mga kilay na nasa ibabaw ng mga mata nito ay manipis din.

"Hi," matipid na sabi ni Kristoff.

At kahit ang tinig nito, tila musika sa kanyang pandinig. Lalaki ba talaga ito? Mukha itong babae. O mas tamang itanong, tao ba talaga ito? Mukha itong anghel.

"O, sige na, Kristoff, isuot mo na uli 'yang maskara mo. Naglalaway na si Elise sa 'yo, eh. Baka mabasted pa si Fritz niyan," pilyong sabi ni Taylor. Awtomatiko namang napatingin sina Takehiro at Fritz sa kanya.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito at pasimpleng kinagat ang mga labi. "Bakit?" inosenteng tanong niya.

Pabuntong-hiningang umiling lang si Fritz. Si Takehiro naman ay tumawa lang.

"Guys, si Elise, siya 'yong sinasabi kong tinuturuan ko."

Namilog ang mga mata ni Takehiro. "Siya 'yong may perfect pitch?!" Tila nasabik ito.

"Siya nga 'yon," pagtango naman ni Fritz.

"Hey, bud, may kapareho ka na," sabi naman ni Taylor kay Kristoff.

"Perfect pitch din kasi si Kristoff, eh," paliwanag ni Fritz sa kanya.

"Talaga?" Napatingin siya kay Kristoff na noon ay abala sa pagsusukbit ng electric guitar sa balikat nito. Pero mukhang bale-wala rito ang pinag-uusapan nila.

"Manonood ka ba ng practice namin ngayon?" tanong ni Taylor sa kanya.

"Huh?" clueless na tanong niya at napatingin kay Fritz.

"Ah, hindi. Kaya siya nandito dahil nagpa-register siya para sa competition."

"Sasali ka sa competition?" bulalas ni Takehiro. "Suzushi!"

"Ah, eh... ang totoo, kinakabahan ako. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang tutugtugin ko para sa audition," nahihiyang sabi ni Elise. Nang magpa-register siya kanina, sinabi ng personnel na magkakaroon ng audition two weeks from now. Masusi silang sasalain at sa nakaparaming nagpa-register—pang-fifty-two siya—ay labindalawa lang ang makakapasok sa mismong competition. At dahil open house iyon, siguradong maraming magagaling na kalahok ang sumali.

Sino ba namang hindi magkakainteres sa three-year study sa Paris Conservatory of Music, isa sa mga pinakasikat na music school sa buong mundo? Pagkatapos ay magkakaroon pa ng kontrata sa isang sikat na production kung saan kaliwa't kanan ang magiging concerto.

Well, hindi naman interesado roon si Elise. Mas interesado siya sa teacher niya na mabuti na lang at hindi pa rin aalis sa tabi niya.

"'Wag kang mag-alala, hindi ka naman pababayaan nitong kaibigan naming si Fritz, eh," sabi ni Taylor na umakbay sa kanya.

Napatingin siya sa braso nitong nasa balikat niya.

"Oo, hindi ko talaga siya pababayaan, lalo na sa mga lalaking kagaya mo na sumisimple," malamig na sabi ni Fritz na marahas na inalis ang braso ni Taylor sa balikat niya. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay. "Tara na, Elise. Delikado ka talaga sa taong 'to, eh."

Isang malakas na tawa lang ang isinagot ni Taylor sa binata. "'Uy, teka, hindi ka ba sasama sa practice natin?" habol pa nito nang palabas na sila ng kuwarto.

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon