♫♪ CHAPTER SEVEN ♫♪

3.2K 35 1
                                    

"BAKIT ba kasi kailangan dito pa tayo dumaan? Bakit hindi na lang do'n sa main gate? Ang sabi mo naman, open house ang school mo ngayon, ibig sabihin kahit sino, puwedeng pumasok," tanong ni Elise.

Hindi lingid sa kaalaman ni Elise na mahigpit sa Medley Academy kung saan nag-aaral si Fritz. Sikat na sikat ang eskuwelahang iyon, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Isa ang Medley sa pinakamatandang eskuwelahan sa Asia. Pero hindi iyon gaya ng ordinaryong unibersidad. Dahil ang Medley ay eskuwelahan para sa Music. Puro music-related lang ang mga course doon. At maraming mayayamang estudyante ang nag-aaral doon. Ilang mga anak ng mga politician at kilalang personalidad ang nag-aaral sa paaralang iyon, iyong mga taong kayang magbayad ng malaking halaga dahil napakamahal ng tuition doon, kaya talagang mahigpit sa Medley.

"Kapag nahuli tayo sa ginagawa natin na 'to, lalo tayong mananagot nito, eh," reklamo pa ni Elise.

"Hindi tayo mahuhuli nito."

"Paano ka naman nakasiguro?" Napahinto si Elise sa pagsunod kay Fritz nang may mapagtanto siya. "Ibig sabihin ilang beses mo nang nagawa 'to?!" bulalas niya.

Lumingon si Fritz sa kanya. "Sshh! 'Wag kang maingay. Baka may makarinig sa 'yo. Oo. Ilang beses ko nang ginagawa 'to kapag tumatakas ako sa klase," sabi nito saka patuloy na naglalakad pasulong.

Napabuntong-hininga na lang si Elise at sumunod na kay Fritz. Maagang nagpunta sa bahay nila kanina ang binata at sinabi nitong ngayon sila pupunta sa eskuwelahan. Excited siya dahil sa wakas ay makakapasok na siya sa pinipitagang eskuwelahan na iyon. Pero laking gulat niya nang imbes sa malaking gate ng paaralan sila pumasok ay ipinarada ni Fritz ang sasaktan nito sa tapat ng fast-food chain na di-kalayuan sa eskuwelahan at niyaya siyang maglakad. Kung saan-saan sila sumuot, at ngayon nga, humanto sila sa maalikabok, makitid, at masukal na daan na iyon na sa tingin niya ay nasa bandang likuran ng eskuwelahan. At sa tingin din niya, wala ring gaanong tao na dumadaan doon dahil halos hindi mapapansin ang track at nakakarinig pa siya ng huni ng mga kulisap. Pakiramdam ni Elise ay nagha-hiking sila sa isang masukal na bundok.

"Nasaan na ba 'yon, ang alam ko nandito lang 'yon, eh," narinig niyang anas ni Fritz na bumabagal ang paglalakad. Kapagkuwan ay huminto ito.

"Wow!" bulalas ni Elise nang huminto siya at napatingala sa napakataas na pader na nasa harap nila. Natatakpan iyon ng mga gumagapang na baging. Itinakip niya sa ibabaw ng mga mata ang isang kamay niya upang hindi siya masilaw sa liwanag ng araw. "Pader," sabi niya sa pinalaking tinig. "Abot-langit yata ang pader na 'to," komento niya. Sa sobrang taas ng pader, halos hindi na niya natatanaw ang hangganan niyon. Bumaling siya sa kaliwa't kanan at tila walang katapusan din ang pader na iyon.

Kumapa-kapa si Fritz sa pader habang bahagyang hinahawi ang mga baging. Kapagkuwan ay nakarinig siya ng tunog ng bakal na tila sinusian at ngumiti nang maluwag si Fritz. "Ayos!" Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. "Welcome to Medley Academy," sabi nito habang papasok siya sa loob.

Tila siya pumasok sa isang kakaibang mundo. At hindi niya maiwasang mapahanga sa nakita. Parang isang lihim na hardin ang pinasok nila. Punong-puno ng iba't ibang uri ng bulaklak at nalalatagan ng berdeng Bermuda grass ang buong paligid.

"Ang ganda!" bulalas ni Elise habang inililibot ang tingin sa paligid.

"I know, right?" may-pagmamalaking sabi ni Fritz. "Walang nakakaalam ng lugar na 'to. At ako lang din ang nakakaalam ng lihim na daan na 'yon. At dahil first time mong makakapunta sa Medley, gusto kong ipakita sa 'yo ang lihim kong ito."

Napaangat siya ng tingin kay Fritz na nakatingin din pala sa kanya. Punong-puno ng pagmamalaki at kasiyahan ang mga mata nito. "Salamat, Fritz." At bago pa niya napigilan ang sarili ay tumingkayad na siya at hinagkan ito sa pisngi. Pareho silang nagulat sa kanyang ginawa at nabalutan sila ng pagkailang. Pero si Fritz ang unang nakabawi.

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon