HINDI makapaniwala ang mga kabanda ni Fritz habang nakatingin kay Elise na tumutugtog ng Für Elise. Pero puro simula lang ang tinutugtog ni Elise. Tinawagan ni Taylor sina Kristoff at Takehiro at naroon din si MJ na sa unang pagkatataon ay nakilala si Elise.
Ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari halos mag-aanim na taon na ang nakararaan. Hindi nagkomento isa man sa mga kabanda niya. Mataman lang na nakinig ang mga ito sa kanya.
"'Yon ang dahilan kung bakit hindi ko pa pinipirmahan ang kontratang alok ng Sony Music. At wala na rin akong balak pirmahan 'yon. Pasensiya na kung hindi ko nasabi sa inyo ang tungkol dito," pagtatapos ni Fritz sa kuwento niya.
Nakakunot ang noo ni Taylor. "Pero hindi ko maunawaan. Bakit kailangan mong iwan ang banda? Dude, baka guilt lang 'yang nararamdaman mo? Iiawan mo ang lahat para sa kanya?"
Napatingin siya kay Elise na tumutugtog pa rin ng piano. Pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin kay Taylor. "Kung sana ganoon nga ang nararamdaman ko. Pero hindi. Alam ko rito." Itinuro niya ang puso niya. "Mahal ko pa rin si Elise. Oo, siyempre nagi-guilty ako sa pang-iiwan ko sa kanya. Pero nasaktan din ako sa ginawa ko. Sa loob ng limang taon, wala akong ibang naisip kundi siya. Kundi 'yong desisyon ko na paano kaya kung hindi ko iniwan si Elise? Maaaring hindi ako sikat, pero masaya naman ako. Masaya kami ni Elise. Hindi ko matahimik. Baka nga guilt lang 'yon kaya pinuntahan ko siya. Pero habang papunta pa lang ako at hindi pa siya nakikita, ina-anticipate ko na 'yong mangyayari. Na kapag nagkita kami, magiging masaya ako. Mararamdaman ko ulit na titibok ang puso ko. Hihingi ako ng tawad sa kanya, hihilingin na magsimula ulit kami. Pero ito... ito 'yong nadatnan ko.
"Naramdaman ko pa rin 'yong saya na makita siya kahit ganyan ang kalagayan niya. Naramdaman ko ulit na tumibok ang puso niya... dahil naramdaman kong nasasaktan ako. Hindi ako naging masaya sa desisyon ko noon, Taylor. Nawalan ako ng pakiramdam nang mawala si Elise sa akin. At nang muli ko siyang makita, muling tumibok ang puso ko. And I knew it. Siya ang kaligayahan ko. Siya lang ang makakapagpasaya sa akin. Kaya kung kailangan kong iwan ang lahat, gagawin ko. Kung kinakailangan ko siyang alagaan habang-buhay, gagawin ko. Dahil 'yon lang ang makakapagpasaya sa akin. Ang makasama siya. Ang maiparamdam sa kanya na nandito ako sa tabi niya. Na mahal na mahal ko pa rin siya. Kapag hindi ko ginawa 'yon, baka... baka pati ako, magpakamatay na." Parang pinipiga ang puso niya habang sinasabi iyon at nakatingin kay Elise na tila wala na namang pakialam sa mundo. Dahil nang mga oras na iyon, wala ibang nasa isip niya kundi si Elise, na araw-araw niyang hinihiling na sana ay bumalik na ito sa kanya.
"Ah, at last, the old Fritz is back," masayang bulalas ni Taylor.
Muli siyang napabaling sa mga kabanda niya.
"Hindi ka na 'yong emo na nakasama ko sa loob ng limang taon na masyadong matipid magsalita at halos walang kilala at walang emosyon. Bumalik na 'yong dating Fritz na kilala ko, 'yong romantiko at patay na patay kay Elise."
Tinapik ni Kristoff ang balikat niya. "Nandito lang kami para sa 'yo, Fritz. Susuportahan namin ang desisyon mo."
Ngumiti siya. "Salamat."
"Oh, yeah, that one!" Itinuro siya ni Taylor. "Ngayon ko na lang ulit nakita 'yang ngiti na 'yan." Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. "Hindi ko alam na nakaka-miss din pala 'yang nakakalokong ngiti mo." Kunwari ay suminghot ito at pinahid ang sulok ng mata. "At hindi ko akalain na nakakahawa pala ang maging emo," pang-aasar nito.
"Ungas!" sabi niya at siniko pa si Taylor. Tumawa lang ito.
"Yosh! Sama-sama nating ibalik si Elise kay Fritz. Kampai!" sabi ni Takehiro na itinaas pa ang baso ng juice nito.
"Kampai!" sabi naman nila at pinagpingki ang mga baso nila.
BINABASA MO ANG
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)
Storie d'amore"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang naka...