♫♪ CHAPTER TWENTY-ONE ♫♪

2.4K 27 0
                                    

"THE WIND blows through my skin, it feels amazing... flowers bloom everywhere, and I see you there... The sky is blue, happy to see you. Oh, when will I be with you?" pagkanta ni Elise habang tumutugtog ng piano.

"Uhm... Elise..."

Napahinto siya sa pagtugtog at napabaling kay Fritz na noon ay nakaupo sa sala nila. "Bakit? May mali ba sa pagtugtog ko?" tanong niya.

Tumayo si Fritz at lumapit sa kanya. "Wala naman. In fact, you did perfect. Kaya lang, mas makakabuti siguro kung magpapahinga ka na lang muna. Uhm... lumabas kaya tayo? Saan mo gustong kumain? Sagot ko," alok nito.

"Huh? Eh, pero tatlong araw na lang bago 'yong competition. Hindi ba dapat mas pag-ibayuhin ko pa 'yong pagpa-practice?"

"Hindi. Dapat kapag ganitong panahon, mas maganda kung magpapahinga ka na lang. Para hindi gaanong ma-pressure 'yong utak mo." Umupo ito sa tabi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha at iniipit iyon sa likod ng kanyang tainga. "You'll do fine, trust me. Pero sa ngayon, mas maganda kung lalabas muna tayo, okay? Mag-enjoy muna tayo." Pagkatapos ay hinila na siya nito patayo.

Bago pa man siya makapagprotesta ay hinila na siya ni Fritz papunta sa sasakyan nito.

"Saan mo naman balak pumunta?" tanong ni Elise kay Fritz habang nagmamaneho ang binata saexpressway. "Baka hanapin tayo ni Tatay niyan, eh."

"Don't worry. Nagpaalam naman ako sa Tatay mo. Isa pa, panggabing duty naman siya kaya bago pa siya makauwi, naihatid na kita sa inyo."

"Uhm... okay, ikaw ang bahala. Pero saan ba kasi talaga tayo pupunta?"

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon