♫♪ CHAPTER THIRTY-SIX ♫♪

2.9K 41 1
                                    

TINAWAGAN si Fritz ng kaibigan niyang psychiatrist at sinabing maaari ding ma-trigger na bumalik ang alaala ni Elise kung ibabalik nila ang panahon kung saan labis na nasaktan si Elise.

"Pero hindi ko alam kung ano 'yon."

"Ang sabi mo, paulit-ulit lang ang ginagawa ni Elise sa loob ng limang taon. Sa tingin ko, na-stuck si Elise sa araw na iyon. Paulit-ulit niya itong ginagawa dahil kinakalimutan niya ang araw na sumunod doon. Alamin mo kung ano ang nangyari sa kanya nang araw na iyon. Ipaalala mo 'yon sa kanya. Hindi ko alam kung magiging effective 'to. Diyos lang ang makapagsasabi. Pero sa tingin ko, si Elise mismo ang pumipigil sa isip niya na balikan ang araw na iyon. Dahil natatakot siyang masaktan. Baka iyon ang pinakamasakit na araw sa buhay niya."

"Sige, sige. Salamat sa payo mo."

"Okay. Balitaan mo na lang ako kung ano'ng nangyari."

Nang matapos ang tawag ay napatingin si Fritz kay Elise na noon ay abala sa pagtugtog ng Für Elise na simula lang din. Tumabi siya kay Elise at nakitugtog din. Pero sa pagkakataong iyon ay ang ELF ang tinugtog niya. Pero nakakaisang stanza pa lang siya ay biglang nagsisigaw na naman si Elise.

"Tigil! Tigil! Itigil mo 'yan! Ayokong marinig 'yan! Ahhh!" nagsisigaw si Elise habang sapo ang ulo.

Agad niyang itinigil ang pagtugtog at dinaluhan si Elise na noon ay nakaupo na sa sahig at yakap ang mga tuhod.

"Oo na. Tumigil na ako, Elise. Tigil na," pagpapakalma niya rito at niyakap ito. Unti-unting kumalma si Elise at naging normal ang paghinga. Napatitig siya kay Elise. "Ano 'yong bagay na ayaw mong maalala, Elise? Ano 'yon?"

Ilang araw na nag-isip si Fritz habang inoobserbahan si Elise hanggang sa dumating ang Sabado. Tumugtog siya ng piano nang lumabas ng silid nito si Elise. Nakasuot ito ng bestida. Iyong bestida na palagi nitong suot.

Ah, Sabado nga pala ngayon. Ngayon ang araw na pupunta siya sa Medley.

Parang may kumudlit sa isip niya nang matitigan si Elise. Naaalala niya ang damit na iyon. Isinuot na iyon ni Elise five years ago.

Pilit niyang inalala kung ano ang ginawa niya nang araw na iyon. Pero sumakit na ang ulo niya ay hindi niya maalala.

"Mukhang ako naman ang mababaliw rito, ah." Pero may biglang pumasok sa isip niya at namilog ang mga mata niya. Hindi kaya...

Agad siyang kumilos. Sinikap niyang alalahanin ang suot niya nang araw na iyon. Madalas ay puting V-neck shirt na pinatungan ng grey coat ang suot niya, pagkatapos ay maong na pantalon. Hindi niya alam kung iyon eksakto ang suot niya. Pero may ideya na siya sa araw na iyon.

Nagmamadali siyang nagmaneho patungong Medley Academy. Hindi pa rin nagbago ang guard na naroon at madali siyang nakilala. Hindi siya nahirapang makapasok.

Inalala niya kung saan siya nanggaling bago niya puntahan si Elise. Inalala niya ang dala niya nang araw na iyon.

Naglakad siya papunta sa hardin. At gaya ng inaasahan niya, nakaupo ito sa wooden bench sa ilalim ng puno ng acacia.

Lumingon si Elise sa gawi niya at ngumiti ito nang makita siya.

Siya ang hinihintay nito roon. Sa loob ng ilang buwang sinusundan niya si Elise doon, wala man siyang kaide-ideya na siya pala ang hinihintay nito.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso na makita niya ang ngiting iyon ni Elise. Pakiramdam niya bumalik siya sa limang taong nakalipas. Nakikita niyang muli ang masayang ngiti ni Elise.

"Fritz!" masayang bati ni Elise sa kanya.

"Nakikita mo na ako? Bumalik ka na, Elise?" Pakiramdam niya ay nakalutang siya. Parang nais niyang magsisigaw sa kasiyahang nararamdaman.

Lumabi si Elise. "Grabe, kanina pa ako naghihintay sa 'yo. Ang tagal mong lumabas. Lumamig na siguro 'tong pagkain na dala ko."

Biglang bumulusok pababa ang lumilipad nang pag-asa niya dahil sa sinabi ng dalaga.

Bumaling si Elise sa dala nitong lunch box. Wala iyong laman. Iniabot ni Elise sa kanya ang baunang walang laman. Pagkatapos ay iniangat nito ang para dito. Sinamyo iyon. Pagkatapos ay nagsimula na itong kumain kahit na wala naman itong kinakain.

Imagination lang ni Elise ang lahat. Parang reenactment iyon ng isang araw na pilit binabalik-balikan ni Elise.

Habang pinagmamasdan niya si Elise ay parang pinipiga ang puso niya. Nakatanaw sa malayo si Elise. Ang saya-saya ng mukha.

Umangat ang isang kamay ni Fritz. Nais hawakan ang mukha nito pero pinigilan niya ang sarili. "Kailan ka ba babalik, Elise? Nami-miss na kita. Kailan ko makikita ang masaya mong ngiti? Kailan mo ako ngingitian uli?"

Kapagkuwan ay bumaling si Elise sa kanya, nawala ang ngiti nito, napalitan ng pag-aalala. "Fritz, kakayanin ko kaya? Kinakabahan ako." Saglit na huminto ito sa pagsasalita. Pagkatapos ay bumaling uli sa harap, sa kawalan. "Bukas na 'yong competition. Baka hindi ako manalo."

Competition? Ang binabanggit ba nito ay iyong araw ng competition na sinalihan ni Elise five years ago? Iyong araw na nakipaghiwalay siya rito? Iyong araw na namatay ang Tatay ni Elise?

Napatingin siya kay Elise at nanlaki ang mga mata. Naaalala na niya ngayon. Ang araw na iyon!

"'Wag kang kabahan..."

"...Manalo ka man o hindi, ayos lang 'yon. Ang importante, naranasan mong makasali sa competition at nag-enjoy ka roon," pag-ulit niya sa sinabi niya kay Elise five years ago. "At isa pa, kahit ano nama'ng mangyari, ikaw pa rin ang champion sa puso ko," sabi niya at namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Parang pinipiga ang puso niya habang binabalikan ang nakaraan.

Bumaling si Elise sa kanya at ngumiti. "Salamat, Fritz. Ah, teka..." May kinuha ito sa bulsa ng palda nito. At inilabas ang pocket watch. "Tingnan mo, o. 12:50 na." Sa unang pagkakataon ay ipinakita nito iyon sa kanya.

Sinulyapan niya iyon at napansin niyang hindi na gumagana ang orasan. Basag na rin ang salamin niyon at ang oras ay 12:50. Naalala niya ang sinabi ni Aling Linda sa kanya na naaksidente si Elise mag-aala-una ng tanghali. Hindi binibitiwan ni Elise ang pocket watch na iyon. At sinasabing mahalaga iyon dito.

"Alam mo ba, ito 'yong pinakapaborito kong oras. Kasi ito 'yong oras kung kailan mo ibinigay sa akin 'to. 'Yong oras na binigyan natin ng title 'yong unang composition na ginawa ko." Tumingin si Elise sa kanya. "Kung sakali man mamatay ako at papiliin ako ni Lord na balikan 'yong panahon na gusto ko, ito ang pipiliin ko. Ito ang gusto kong balik-balikan. 'Yong ganitong oras na tayo lang dalawa. Walang ibang tao. Nasa atin ang mundo." Naging masuyo ang mga mata ni Elise. "Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito, Fritz." Inilapat nito ang palad sa tapat ng puso nito. "Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo."

Labis-labis na sakit 'ng naramdaman ni Fritz dahil nang mga panahon na iyon, five years ago, iniisip niya kung paano siya makikipaghiwalay kay Elise. Ni hindi niya nagawang pahalagahan ang mga salitang binitiwan nito noon.

Dahil doon ay niyakap niya nang mahigpit si Elise atumagos na ang kanyang mga luha. "I'm sorry, Elise. I'm sorry. Sorry sorry,sorry. Sorry dahil iniwan kita. Sorry dahil kagagawan ko ang lahat ng 'to. Akoang dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Please, Elise, bumalik ka na sa akin.Please, pinagsisisihan ko na ang lahat. 'Wag mo na akong pahirapan pa. Mahal namahal kita, Elise. Please bumalik ka na..." Paulit-ulit lang niya iyong sinabi.Umaasang maririnig siya ni Elise. Maririnig ng puso nito ang sigaw ng kanyangpuso. Ang pangungulila niya.    

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon