♫♪ CHAPTER THIRTEEN ♫♪

2.6K 44 1
                                    

MAG-ISANG nagpa-practice si Elise sa bahay nang tumunog ang cell phone niya. Nagtaka siya dahil numero lang ang tumatawag pero sinagot pa rin niya iyon.

"Eliseeeeee!!!!" tili ng nasa kabilang linya.

Nailayo pa niya sa tainga ang telepono dahil sa tiling iyon. Isa lang ang maaaring gumawa niyon sa kanya. "Kate?"

"Hi, Elise. Good thing you still remember me," masayang sabi nito sa kabilang linya.

Marahan siyang natawa. "Siyempre naman. Ikaw lang kaya ang hyper ang boses. Hindi pa ako nakakasagot ng 'Hello' makapasag-eardrum na tili na ang ibinungad mo sa akin."

Narinig niya itong tumawa. "Sorry naman. Medyo excited lang. I have sa surprise for you."

"Talaga? Ano naman 'yon?"

"I'm back in the Philippines. Surprise!"

"Wow! Talaga? Nagulat ako. Maganda 'yan."

"Yep. And I'm so excited to see you. One of these days, bibisitahin kita riyan."

"Sige, sige. Gustong-gusto na rin kitang makita, eh. At may surprise din ako sa 'yo," nasasabik na wika ni Elise.

"Ano naman 'yon?"

"Basta. Saka ko na sasabihin kapag nandito ka na."

"Sige. I have to go na. Tinatawag ako ni Mommy, eh. I miss you, best friend. See you soonest."

"Miss you more. See you soon. 'Bye!"

"At sino naman 'yang nami-miss mo na 'yan bukod sa guwapo mong boyfriend?"

Napaigtad si Elise sa pagkagulat sa biglang pagsasalita ni Fritz. Napalingon siya sa pinto at nakita niya itong nakatayo roon at may bitbit na mga grocery.

Awtomatiko siyang napangiti nang makita ang nobyo niya. Tumayo siya mula sa kinauupuang stool at sinalubong si Fritz. Agad naman siya nitong hinagkan sa noo. "Ang aga mo yata," sabi niyang kinuha ang supot na bitbit nito. At gaya ng inaasahan niya, bumili nga ito ng ice cream. Agad siyang nagpunta sa kusina upang maglagay niyon sa dalawang baso para sa kanila ni Fritz.

"Maagang natapos 'yong practice namin, eh," sagot nito na umupo sa stool ng piano at tumugtog ng kung anong nota roon. "But you haven't answered my question yet. Sino 'yong kausap mo sa phone kanina?"

Lumapit siya rito at iniabot ang isang baso ng ice cream. "Bakit, nagseselos ka?" tudyo niya. Lumipat sila sa sala at magkatabing umupo.

"Hardly. Bakit naman ako magseselos, eh, patay na patay ka nga sa akin?"

Natawa siya. "Asa ka naman. 'Yong childhood friend ko 'yon." Umayos siya ng pagkakaupo at sumiksik kay Fritz. Hinapit siya nito at ipinatong ang baba nito sa ulo niya. "Tumawag siya to inform me na nakabalik na raw siya rito sa Pilipinas. Naging kaklase ko siya noong high school. 'Tapos noong magka-college na kami, nabuntis siya no'ng boyfriend niya. 'Tapos sabi n'ong boyfriend niya, ipalaglag daw niya 'yong batang dinadala niya kasi hindi raw kayang panagutan. Kapag daw hindi niya iyon ipinalaglag, iiwan daw siya ng boyfriend niya. Sobrang mahal niya 'yong boyfriend niya na 'yon kaya sinunod niya 'yong gusto nito. Pero sa huli, iniwan din siya ng boyfriend niya," pagkukuwento ni Elise habang kumakain ng ice cream.

"Ah, kawawa naman pala siya."

"Oo," matalim na sabi niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. "Sayang, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makilala ang lalaking iyon. Dahil kung sakali, masasaktan talaga sa akin 'yon. Paano niya nagagawa iyon? Sarili niyang laman at dugo ang batang 'yon 'tapos hindi niya nagawang panagutan."

Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin ang loob ni Elise. Siya ang nakasaksi ng labis na sakit at paghihirap na naranasan ng best friend niya. Ilang beses niyang tinanong si Kate kung sino ang pangahas na lalaking iyon pero hindi sinabi ni Kate sa kanya kung sino. Hindi raw niya kilala ang lalaki. Ni minsan ay hindi ikinuwento ni Kate sa kanya ang boyfriend daw nito na hindi nag-aaral sa eskuwelahan nila. Nagulat na nga lang siya na may boyfriend nito at nalaman na lang niya iyon nang tawagan siya ni Kate na umiiyak at sinabing nabuntis daw ito at ipinalaglag nito ang dinadala dahil sa boyfriend nito na sa huli ay iniwan din naman ito.

"O, kalma lang. 'Yong ice cream mo, baka matunaw," sabi naman ni Fritz sa kanya.

Napatingin siya sa ice cream niya. Natutunaw na nga iyon. "'Tapos, nalaman 'yon ng parents niya so dinala siya sa America para doon mag-aral," sabi niya habang patuloy na kumakain ng ice cream. "Ah, oo nga pala." Dahil sa biglang pagkilos niya, natamaan niya sa baba si Fritz.

"Ow!" daing nito.

"Ay, sorry," nakangiwing sabi niya.

Hinimas-himas ni Fritz ang nasaktang baba. "Okay lang, okay lang," sabi nitong itinaas pa ang kamay para pigilan siya nang dudulugan niya ito.

"Anyway, sinabi ko sa kanya na may surprise ako sa kanya. At ang surprise ko sa kanya, ipapakilala kita sa kanya. Excited na ako," sabi niyang totoong nakaramdaman ng kasabikan.

Noong high school sila, sikat na sikat sa klase si Kate. Halos lahat ng lalaki sa classroom nila ay may crush dito. Maging ang mga lalaki sa ibang section ay sumubok ding manligaw rito. Pero walang sinagot si Kate isa man sa mga iyon at noon niya nalaman ang dahilan... may boyfriend nito na hindi naman nito naikuwento sa kanya.

At dahil sikat si Kate sa klase, sikat din siya. Madalas siyang tuksuhing sidekick ni Kate. Ayos lang iyon sa kanya, pero kay Kate, hindi. Madalas siya nitong sabihan na mag-boyfriend na para daw maging masaya rin ang buhay high school niya. At dahil pinalaki siya ng Tatay niya na isang pulis, hindi naging maganda ang tingin niya sa mga lalaki. Ewan niya kung bakit. Wala rin namang makaporma sa kanya dahil nga pulis ang Tatay niya.

Mabuti na lang at malakas ang loob ni Fritz. At malaki rin naman ang naitulong nito sa kanilang mag-ama. Kaya siyempre, nasasabik siyang ipakilala ang nobyo niya sa best friend niya. siguradong matutuwa si Kate para sa kanya.

Tumingin siya kay Fritz na noon ay abala pa rin sa paghimas ng baba. "Basta, Fritz, ha? Ipapakilala kita sa kanya. Pero 'wag kang mai-in love sa kanya, ha?"

Tumingin si Fritz sa kanya, kumunot ang noo. "Bakit mo naman maisip na mai-in love ako sa best friend mo?"

"Eh, kasi napakaganda niya, eh. Lahat ng lalaki ay nagkakagusto sa kanya dahil maganda siya."

"Sa tingin mo ba, 'yon ang basehan ko sa pagtingin ng babae?"

Tumaas ang isang kilay niya. "So, ano'ng mong ibig sabihin diyan?"

Saglit na natigilan si Fritz at natawa nang mapagtanto ang sinabi. "Wala, ah. Basta hindi ako magkakagusto sa best friend mo. At siyempre, ikaw na ang pinakamagandang babae para sa akin," sabi naman nito. At kinabig siya ng yakap.

"Siguruhin mo lang," banta niya na tinawanan lang nito.

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon