♫♪ CHAPTER FIFTEEN ♫♪

2.5K 32 1
                                    

NANG sa tingin ni Fritz ay talagang nakalayo na ng bahay si Elise ay noon lang niya nagawang tingnan si Kate.

"So, it's Elise now, huh?" sabi ni Kate bago pa man siya makapagsalita. Tila hinintay lang din nitong makalayo si Elise bago magsalita.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Kate?" matalim ang salitang tanong niya.

Noong sabihin ni Elise na darating ang best friend nito, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na si Kate iyon, ang dati niyang nobya. At base sa kuwento ni Elise, mukhang iniba ni Kate ang kuwento nito sa dalaga.

"What a small world, isn't it? Ang dating boyfriend ko, boyfriend na ngayon ng best friend ko," sarkastikong wika ni Kate.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi niya. "Sinabi na niya sa akin ang tungkol sa kuwentong hinabi mo. Ibang klase ka rin, 'no? Sa akin mo pa isinisi ang pagpapalaglag mo sa bata. Ni minsan, hindi ko sinabi sa 'yo na ipalaglag mo ang dinadala mo."

Tumalim ang mga mata ni Kate at marahas na tumayo. Dinuro siya nito. "Pero ikaw pa rin ang may kasalanan ng lahat! Kung hindi mo sinabi sa akin na hihiwalayan mo ako—"

Marahas din siyang tumayo. "Ipalaglag mo man 'yon o hindi, hihiwalayan pa rin kita. Dahil ipinagbuntis mo ang isang bata na hindi naman sa akin! Ni minsan, hindi mo ako maloloko at mapapaangkin sa akin ang batang dinadala mo. Dahil nang mga panahong nagbuntis ka, Kate, ilang buwan nang walang nangyayari sa atin," matalim na sabi niya.

Bumakas ang sakit sa mga mata nito. Pero saglit lang iyon dahil hindi bumalik ang smug face nito. Tumaas pa ang isang sulok ng mga labi. "Hmm... Ano kaya'ng magiging reaksiyon ni Elise kapag nalaman niyang ikaw ang dating boyfriend ko?"

Marahas niyang hinablot sa braso si Kate.

"A-ano ba, Fritz, n-nasasaktan ako," daing nito.

"Hinding-hindi mo 'yon sasabihin kay Elise dahil kung hindi—"

"Ano 'yong hindi sasabihin sa akin?"

Pareho sila ni Kate na napatingin sa pinto kung saan nakatayo si Elise na may dalang 1.5L na Coke at isang balot ng tinapay. Mabilis niyang binitiwan sa braso si Kate. Nagpalipat-lipat ng tingin si Elise sa kanilang dalawa.

"Ano 'yong hindi puwedeng sabihin sa akin?" ulit ni Elise nang walang sumagot sa kanila.

Tumikhim si Kate at pasimpleng sumulyap sa akin. Tila nagbabanta ito. Sinuklian niya ito ng matalim na tingin.

"Hay! Narinig mo na ngang hindi puwedeng sabihin, nagpupumilit ka pa rin. Itong boyfriend mo, masyadong sensitive. Nagkomento lang naman ako tungkol sa palda mo na hindi bagay sa 'yo."

Niyuko ni Elise ang sarili. "'Yong palda ko?"

"Oo. Masyado kasi 'yang mahaba. Mukha kang manang. Dapat 'yong medyo above the knee. Sinabi ko sa kanya na kung sasabihin ko sa 'yo na iksian 'yong palda mo, mas babagay 'yon sa 'yo. Pero mukhang masyadong sensitive 'tong boyfriend mo. 'Yon lang, nagalit na."

Pinaniwalaan naman ni Elise ang sinabi ni Kate. "Hindi ba talaga bagay sa akin 'to? Pero si Fritz ang bumili nito para sa akin."

Bahagyang sumulyap si Kate sa kanya, tila apektado sa sinabi ni Elise. At sigurado siyang apektado nga ito dahil ni minsan, hindi niya binilhan ng kahit ano si Kate, kahit candy.

Nilapitan niya ang nobya at inakbayan. "Bagay 'yan sa 'yo. Tama lang 'yan para hindi ka pagtinginan ng mga lalaki. Siyempre, gusto ko sa akin ka lang," sabi niya at hinagkan si Elise sa mga labi.

"Uy, ano ka ba, nakakahiya. May bisita tayo," sabi naman ni Elise. "Kumuha ka na nga lang ng baso ro'n. Nang makapag-merienda muna tayo."

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon