♫♪ CHAPTER FOURTEEN ♫♪

2.4K 31 0
                                    

"TAO PO!"

Mula sa pagtugtog ng piano ay napalingon si Elise sa pinto at nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang taong nakatayo roon. "Kate!"

"Surprise!!!" bulalas ng kaibigan niya at patakbong pumasok sa bahay.

Sabik niyang sinalubong ang kaibigan niya at nagyakap sila nang mahigpit. "Grabe, hindi ka pa rin nagbabago. Ang ganda-ganda mo pa rin. At ang susyal-susyal mong tingnan. Ganyan pala ang nagagawa ng America," sabi niyang hinagod ito ng tingin.

Tumawa ang kaibigan niya. "Hindi naman. Pero, ang laki na ng ipinagbago mo. Pa-dress-dress ka na ngayon. Samantalang dati, para kang tibo kung manamit."

Isang malakas na tawa lang ang isinagot niya rito. "So, kumusta ka na? Bakit ngayon ka na lang uli nagparamdam? Tatlong taon tayong walang communication."

"Oo nga. 'Buti nga alam ko pa 'tong bahay mo. At hindi ka pa nagpapalit ng cell phone number mo." Nagkibit-balikat ito. "'Ayun. Alam mo naman si Papa. Masyado siyang strict. Gustong-gusto ko na ngang bumalik dito pero ayaw niyang akong payagan. He even sent me to a dormitory. Do'n sa pinamamahalaan ng mga madre. He told me I could get my wits back into place. So 'ayun, I spent my three years living there... Walang ginawa kundi ang magdasal and all. But now, I've graduated my degree there and my dad allowed me to go back here in the Philippines... Just for a short vacay."

"Saglit ka lang dito? Sayang naman. Kaunting oras lang pala tayong magkakasama."

Ngumiti ang kaibigan niya sa kanya. "Eh, di sulitin natin 'yon!"

Napangiti rin siya.

"Nasaan nga pala si Tito?" tanong nitong ang tinutukoy ay ang Tatay niya.

"Naka-duty siya ngayon, eh," sagot niya.

"Elise, sino 'yan?" tanong ni Fritz mula sa banyo.

"Ah, oo nga pala, may ipapakilala ako sa 'yo," biglang naalala ni Elise.

"Hmm... mukhang lalaki 'yang ipapakilala mo, ah," sabi naman ng kaibigan niya.

Mula sa banyo ay lumabas si Fritz.

"Fritz, dumating na 'yong best friend ko," sabik na sabi niya.

Mula sa pagyuko dahil sa pagpapahid ng tsinelas sa basahan ay nag-angat ng tingin si Fritz at tumuon ang mga mata sa kanila. "Kate?" gulat na sabi nito na nawala ang ngiti. May kung anong madilim na ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa bisita niya.

"Kilala mo siya?" nagtatakang tanong ni Elise.

Sa pagkakataong iyon ay bumaling ng tingin si Fritz sa kanya at tila noon lang nito naalala na naroon siya. "Ah, h-hindi. Nabanggit mo lang kasi noon na 'Kate' ang pangalan ng best friend mo kaya alam ko," sabi nito.

Nabanggit ko ba 'yon?

Parang wala siyang naaalala. Pero hindi bale na. Tumango na lang siya. "Fritz, si Kate, 'yong best friend ko. Kate, si Fritz..." Lumapit siya sa binata at umabresete rito. "Boyfriend ko."

"B-boyfriend mo?" sabi ni Kate na nakatuon ang tingin kay Fritz. Parang may kung anong emosyon sa mga mata nito habang nakatingin sa nobyo niya. Hindi lang niya iyon mapangalanan.

"Yup. Surprise!!!"

"O-oo. N-nasurpresa nga ako," sabi ni Kate na tila pinilit lang ang sarili na ibaling ang tingin sa kanya.

Nilapitan niya ang kaibigan at iginiyang maupo. "Ah, upo ka muna. Ang dami nating dapat pagkuwentuhan," sabi niya sa kaibigan. Tila wala pa rin sa sarili na sumunod lang sa kanya si Kate.

Si Fritz naman ay umupo sa single-seater. Hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niya ang nakakailang na katamihikan na namagitan sa kanilang tatlo. May kung anong kutob din siya na parang pumipiga sa puso niya.

May something. Hindi niya alam kung ano pero alam niyang meron siyang hindi alam. At may kinalaman doon ang dalawang taong kasama niya ngayon sa bahay niya.

Nang hindi na nakayanan ni Elise ang katahimikan ay tumayo na siya. "Siguro ay gutom ka na, Kate. Bibili lang muna ako ng merienda kina Aling Lita. Dito ka lang, ha?" Pagkatapos ay binalingan niya ang nobyo. "Fritz, ikaw na muna ang bahala sa bisita ko." Hindi na niya hinintay na tumugon ang sinuman sa dalawa. Lumabas na agad siya ng bahay. Nang makalabas siya ay tila nakahinga siya nang maluwag. Hindi niya alam kung ano ang meron sa dalawang iyon pero sa tingin niya ay hindi niya magugustuhan kung ano iyon.

Baka na-love at first sight na si Fritz kay Kate?

Marahas siyang napailing. Hindi. Imposible iyon. Hindi ganoon ang boyfriend niya. naniniwala siyang mahal siya nito at hindi ito ganoon kadaling mahuhulog sa iba.

Ginagap niya ang pocket watch na nasa bulsa ng palda niya.

May tiwala siya kay Fritz. Mahal siya nito.

o:u7Q

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon