INILIBOT ni Elise ang tingin sa paligid. Naroon siya sa isang lugar, maraming taong masayang bumabati sa kanya. Masaya rin siya. May hinahanap ang kanyang mga mata. Si Fritz. Hindi ito dumating sa araw ng competition. Tatawagan na sana niya ito nang may tumawag sa pangalan niya. Si Kate. Sinabi nitong mag-usap sila. Pumayag siya.
"Siya ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang baby ko."
"Nagmamahalan pa rin kami."
"Hindi ka niya mahal."
"Iiwan ka lang niya."
Parang halimaw iyon na paulit-ulit na nagsasalita sa isip niya sa pababang tinig. Paulit-ulit. Sabay-sabay. Sumasakit ang ulo niya. parang pinapalakol. Parang pinipiga. Para siyang nauntog nang paulit-ulit. Napakasakit. Nais niyang humingi ng tulong. Tawagin si Fritz.
Nasaan ka, Fritz? Tulungan mo ako! Ang sakit-sakit. FRITZ, TULONG!!!!
Sumisigaw siya pero walang lumalabas sa tinig sa kanyang bibig. Sinikap niyang sumigaw, pero wala iyong silbi. Walang tao sa paligid. Napakadilim.
BINABASA MO ANG
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang naka...