♫♪ CHAPTER THIRTY-FIVE ♫♪

2.6K 39 0
                                    

NAGISING si Fritz sa kalagitnaan ng gabi nang marinig niya ang sigaw ni Elise. Agad siyang nagpunta sa kuwarto ng dalaga. Nakaupo na ito sa kama, sapo ng dalawang kamao ang ulo at sigaw nang sigaw. Nilapitan niya ito at niyakap. Pinakalma.

"'Yong witch, bumalik 'yong witch. Sasaktan niya ako. Sasaktan niya ako," paulit-ulit na sabi ni Elise.

"Sinong witch?"

Pero sa halip na sumagot ay nag-angat ng tingin si Elise sa kanya, nanlalaki ang mga mata dahil sa takot. Hinablot nito ang mga balikat niya. "Please, ilayo mo siya sa akin. Natatakot ako. Sasaktan niya ako!" Nagpa-panic ito.

"Oo, oo, Elise. Ilalayo kita sa witch. Hindi ka niya masasaktan. Walang witch. Walang witch. Hindi siya makakalapit sa 'yo. Wala siyang magagawang masama sa 'yo. Sige na, sige na. Matulog ka na."

Dahan-dahang kumalma si Elise at humiga sa kama. Nang paalis na siya ay pinigilan ni Elise ang laylayan ng damit niya.

"Dito ka lang, please," sabi nito sa normal na tinig.

"Elise." Pero nang tingnan niya si Elise ay nakapikit na ito. Sinikap niyang alisin ang pagkakahawak sa damit niya.

"Dito ka lang..."

"Oo, Elise, dito lang ako. Hindi ako aalis." Umayos siya at tumabi rito sa kama. Sumiksik si Elise sa kanya. Ipinulupot niya ang mga braso rito. At nag-hum ng Für Elise.

"Fritz, 'wag mo akong iiwan, ha? Dito ka lang, please..."

Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito. Naaalala na siya nito? Napayuko siya kay Elise. "Elise?"

Pero hindi na ito tumugon. Pantay na ang paghinga nito, tanda na tulog na. Napakapaya ng mukha ni Elise.

Pinahid niya ang pumatak na luha ni Elise. "Hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo. Kahit ano'ng mangyari." Hinagkan niya ito sa noo at niyakap nang mahigpit.

QY

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon