HUMAHANGOS si Fritz at halos singhalan na niya ang lahat ng tao, lalo na nang maipit siya sa traffic. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib at tila sa bawat segundong lumilipas ay hindi na niya maaabutang buhay ang dalaga.
Ni hindi na nga niya ipinarada nang maayos ang kanyang sasakyan at patakbo siyang nagpunta sa pinakamataas ang apartment building. Ang balak niya ay puntahan ang unit ni Kate. Pero malutong siyang napamura nang makita niya ang dalaga na nakatayo sa pinakatuktok ng apartment at tanging ang barandilya lang ang suporta nito. It was a ten-floor building ang sigurado siyang hindi mabubuhay ang kahit sinumang mahulog mula roon.
"Shit! Kate! Problema ka talagang babae ka!" marahas na sabi niya at nagtungo na sa rooftop.
Naabutan niya roon si Kate kung saan niya ito nakita kanina sa ibaba.
"Kate!" pagtawag niya sa atensiyon nito.
Bumaling ito sa kanya. At ibang-ibang Kate ang nakita niya. Wala itong makeup. Humpak ang mukha at nangingitim ng ilalim ng mga mata. Maputla na rin ito. Ilang araw na ba itong hindi kumakain? Ilang araw na walang tulog? Sa loob ng dalawang linggong hindi ito nagparamdam sa kanya, ano ang ginawa nito sa sarili?
"Life without you is like living hell here on earth. I'd rather die than not to have you at all," walang-buhay na sabi ni Kate.
"Kate, ano ba 'yang sinasabi mo? Bumaba ka nga riyan. Pag-usapan natin 'to." Humakbang siya ng isa pero nakita iyon ni Kate.
"'Wag kang lalapit. Kung hindi, tatalon talaga ako rito!" banta nito.
Parang sinipa ng sampung kabayo si Fritz sa dibdib kaya umatras siya sa takot na baka ituloy nga ni Kate ang banta nito. Minsan na siya nitong pinagbantaan na ipapalaglag ang bata para sa kanya at ginawa nito iyon. Ngayon balak nitong magpakamatay, tiyak niyang handa rin si Kate na gawin iyon.
"Kate, ano ba'ng problema? Pag-usapan natin 'to. Pero 'wag naman sa ganitong paraan."
"Ilang beses akong nakiusap sa 'yo, Fritz. Sinabi ko na bumalik ka na lang sa akin. Pero ayaw mo. Sinikap ko naman na kalimutan ka, eh. Pero hindi ko talaga magawa. Ikaw ang buhay ko, Fritz. At kung hindi ka rin lang mapupunta sa akin, mas mabuti pang mamatay na lang ako."
Nang akmang tatalon si Kate ay tila nauna nang tumalon paibaba ang puso ni Fritz. "Kate, 'wag mong gagawin 'yan. Maraming malulungkot kapag nawala ka. Paano ang pamilya mo? Mahal ka nila. Paano si Elise? Malulungkot siya."
"Si Elise, si Elise. Puro na lang si Elise. Eh, ano naman kung mahal nila ako? Hindi mo naman ako mahal. Wala rin iyong saysay."
Hindi nakasagot si Fritz. Alam niyang totoo iyong sinabi nito. Hindi rin niya magawang itanggi ang sinabi ni Kate dahil alam niyang alam nitong totoo iyon. "Ano ba'ng gusto mong gawin ko para hindi mo ituloy 'yang plano mo?"
"Wala kang magagawa, Fritz. Isang bagay lang ang gusto ko pero hindi mo 'yon magawa."
"Kate, ano ka ba! Mahal... mahalaga ka sa akin. Hindi man kita minahal gaya ng pagmamahal ko kay Elise, naging parte ka ng buhay ko. Malaki ang nagawa mo para sa akin. Ipinagluluto mo ako noon, ipinaglalaba, pinagsisilbihan. Rebelde ako no'n at hindi ko magawang magmahal. Pero naa-appreciate ko ang lahat ng ginawa mo para sa akin. Malulungkot ako kapag nawala ka."
Sa sinabi niya ay biglang bumaling sa kanya si Kate. Pinahid nito ang mga luha at humikbi. "Talaga? Totoo ba 'yang sinabi mo? Mahalaga ba talaga ako sa 'yo?"
"Ano ka ba. Oo naman. Kaya bumaba ka na riyan. Halika na rito sa akin." Inilahad niya ang kamay kay Kate. Akmang kukunin na iyon ni Kate nang tila may bumulong na naman dito. Tumigas uli ang anyo nito. Shit!
"No! Hindi totoo 'yan. Niloloko mo lang ako. Alam ko hindi ako mahalaga sa 'yo. Wala akong kuwenta para sa 'yo at gusto mo akong mawala sa buhay mo."
"Kate, ano ba'ng gusto mong gawin ko? Please naman, 'wag mong ituloy 'yang balak mo. Sige na. Sabihin mo kung ano'ng gusto mo, gagawin ko. Pangako."
Tila tinamaan doon si Kate, parang nais nitong maniwala pero bakas pa rin ang pagdududa.
"Please, Kate. Kilala mo ako. Kapag nangako ako, alam mong tinutupad ko 'yon. Maniwala ka sa akin. Gagawin ko ang lahat. 'Wag mo lang ituloy 'yan." Dahan-dahan siyang lumapit kay Kate.
Bumakas ang lungkot sa mukha ni Kate. "G-gusto ko lang naman na magsimula tayo ulit. Hindi na ako ang Kate na nakilala mo. Gusto kong maibalik natin kung ano'ng meron tayo dati."
Nagpatuloy siya sa dahan-dahang paglapit sa dalaga. "Sige, sige. Kung 'yon ang gusto mo. Gagawin natin 'yon. Magsisimula tayo ulit. Ibabalik natin 'yong dati. Ikaw at ako." Inilahad niya ang kamay kay Kate.
Tumingin si Kate sa kamay niya. At noon lang nito napansin na napakalapit na niya rito. Abot-kamay na niya ito.
"Kate, please, tanggapin mo 'yong kamay ko. Bumalik ka na sa akin."
Dahan-dahang umangat ang kamay ni Kate at ipinatong sa kamay niya. Agad niya itong hinila at kinabig ng yakap. At noon lang niya napansin na kanina pa pala niya pigil ang hininga. Nanlambot din siya at napahiga na lang sa sahig. Pakiramdam niya ay naging jelly ang lahat ng buto niya. Ilang beses din siyang huminga nang malalim upang kalmahin ang kanyang puso na hindi niya alam kung ilang beses huminto sa takot na anumang sandali ay tatalon na nga si Kate.
Nakapakubabaw si Kate sa kanya. Umangat ang mukha nito at tiningnan siya. "You have to keep your word."
Noon lang naalala ni Fritz ang mga sinabi niya kanina. Nangako siya kay Kate na magsisimula silang muli. Pero si Elise...
Bumangon siya at umupo. "Pero hindi ko maaaring basta iwan na lang si Elise. Puwede mo ba akong bigyan kahit isang linggo lang? Isang linggo lang hanggang sa matapos ang competition ni Elise. Pagkatapos n'on, sa 'yong-sa 'yo na ako."
gh school7Qy"
![](https://img.wattpad.com/cover/131772855-288-k208028.jpg)
BINABASA MO ANG
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang naka...