♫♪ CHAPTER THIRTY-EIGHT ♫♪

2.8K 37 0
                                    

"AKALA ko, hindi mo pa rin ako napapatawad," nakangiting sabi ni Kate nang magkaharap na sila nito sa isang coffee shop.

"Hindi pa nga," malamig na sabi ni Fritz.

Napalis ang ngiti ni Kate. Sumeryoso ang mukha. "Kung gano'n, bakit mo ako tinawagan? Bakit gusto mong makipagkita sa akin?"

"Five years ago, nang araw ng competition ni Elise, you were there."

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Kate.

At bago pa ito makapagsalita ay nagpatuloy siya. "Sinabi sa akin ni Elise na kinausap mo siya nang araw na iyon. Sinabi mo sa kanya ang lahat."

"Bakit bigla mo na lang ibabalik sa akin 'yan? Matagal nang tapos 'yon."

"Pero para kay Elise, hindi pa 'yon nagsisimula."

"A-ano?"

Sinabi niya rito ang sitwasyon ni Elise at ang plano niya.

"Pero bukas na ang kasal ko!" protesta ni Kate.

"Tutulungan mo ako sa plano ko o dadalo kami ni Elise sa kasal mo at guguluhin namin 'yon? Siguro hindi pa alam ng mapapangasawa mo na nagpalaglag ka ng bata, hindi ba? At hiniwalayan kita dahil hindi sa akin ang batang iyon."

"Fritz—"

Itinaas niya ang isang kamay. "Hindi ako interesado sa sasabihin mo ngayon. Mas interesado ako sa sasabihin mo kay Elise bukas. Gusto kong marinig ang pinag-usapan n'yo noon. Siguruhin mo lang na totoo ang sasabihin mo kay Elise. Hindi ka puwedeng magsinungaling sa akin, Kate. Alam kong hindi maganda ang sinabi mo sa kanya five years ago dahil nang kausapin ko siya noon, hindi na maganda ang mood niya." Bumuka ang bibig ni Kate pero tumayo na siya. "Tapos na akong makipag-usap sa 'yo, Kate. Magkita na lang tayo bukas. Sa competition ni Elise." Humakbang na siya paalis.

NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon