Chapter 4

3.3K 83 21
                                    

Ok, hmm, paano ko ba 'to sasabihin, Ah, basta ingat sa pagbabasa, medyo Rated, haha. Medyo lang, ha. 

Play niyo yung video sa gilid (or sa taas kung naka app ka) kung gusto niyo lang naman.

_________

Chapter 4

||Arthur||

"Lumalalim na ang gabi. Pagod ka na ba? Let's go inside, Love. Baka nilalamig ka na din." Yaya ni Arthur kay Cynthia.

Ayaw man niyang istorbohin ang nobya dahil alam niyang gusto nito ang ganito, pero naisip niyang magiging komportable naman ito sa loob.

He rent a cottage just right for the two of them. Nauna na siyang tumayo.

"I'm not tired, Love. Nageenjoy ako. Pero nilalamig na nga ako." natawa siya sa sinabi nito at inalalayan niya na itong tumayo.

"I rented a cottage, the same cottage where we stayed, and where I cured your wound."

"Really?" manghang tanong nito.

Tumango at ngumiti siya rito, inalala niya rin ang una nilang pagkikita noon.

Nakaupo lang siya sa buhanginan habang nakatingin sa dagat, hindi ang mga babaeng nakasuot ng bikini, kundi ang dagat lang. Hanggang sa may nakaagaw ng pansin niya, isang babae na ika-ika maglakad. Napakunot ang noo niya, tinanggal niya ang shades na suot niya para matignan mabuti ang babae. May naramdaman siyang kung ano sa dibdib niya ng matignan ito mabuti. He saw a goddess! Wala sa sariling siyang tumayo at nilapitan ito. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.

 

“Ah, mi—miss, ayos kalang?” nauutal niyang tanong, obvious na nga ang sagot sa tanong niya pero nautal parin siya. Hindi niya alam kung hahawakan niya ba ito o ano.

Tumingin ito sa kanya, at lalong namangha sa nakita. “Ah, may naapakan kasi akong bato kanina, hindi ko naman napansin.” Sagot nito, pero hindi na ito nakatingin sa kanya.

Inalalayan niya na ito. “Halika, gagamutin ko yung sugat mo.” nakita niya kasi na nagdudugo na ang sugat nito sa paa.

Mabilis naman itong tumanggi. “Naku, hindi na. Salamat nalang.”

 

Hindi siya sumangayon, alam niyang hindi ito pumayag dahil baka iniisip nitong may gagawin siyang masama. Ganun ba siya hindi katiwa-tiwalang tignan?

 

Pinaupo niya nalang ito sa tapat ng cottage nila kung saan siya nakaupo kanina. “Please, just, just let me help you.” Hindi niya na ito hinayaang sumagot, tumakbo na  siya papasok sa cottage at kinuha ang first aid kit mula sa bag ng Mommy niya. Laking tuwa nalang niya at hindi nga ito umalis sa pwesto nito kung saan niya iniwan. Ginamot na niya ang sugat nito, at nagkaroon siya ng pagkakataon para makausap ang dalaga.

 

Dun siya lalo nakaramdam ng kakaiba. Just the thought of being with her makes him smile, happy. He never felt this kind of happiness before, ngayon lang.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon