Chapter 28

2.2K 37 0
                                    

Chapter 28

||Bryan||

Tahimik lang ang naging buong byahe nila pauwi. Walang nagsasalita ni isa. Sa sobrang katahimikan nga ay kahit ang paghinga nila ay naririnig na. Napatingin si Cynthia kay Bryan ng itinigil na nito ang sasakyan sa tapat ng condominium nila.

"Bry—"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng pinutol niya ito. "Sige na, go inside and get rest."

Alanganin itong tumango at lumabas na ng sasakyan niya. The moment na lumabas na si Cynthia ng sasakyan niya ay wala na, wala ng ‘sila’ ni Cynthia. Tapos na ang lahat sa kanila.

Kinuha niya ang singsing na sana para kay Cynthia at tinignang mabuti, napahigpit ang hawak niya rito ng maalala ang nangyari kanina. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha sa mata niya, at walang anu-ano’y pinaghahampas niya ang manibela ng sasakyan, hanggang sa nanghihinang napasubsob siya doon habang patuloy parin sa pag-iyak at sa pagtawag sa pangalan ni Cynthia.

 •••••

||Cynthia||

Derederetso lang ang lakad ni Cynthia habang papunta sa unit niya, kung hindi pa niya nakasalubong ang isa sa mga kapitbahay niya ay lalagpas na sana siya. Mabuti nalang din at keycard ang gamit niya para mabuksan ang pinto kundi baka hindi na siya makapasok.

Si Rachelle kaagad ang nakita niya ng makapasok siya. Kasalukuyan itong nanunuod mag-isa nang mapatingin ito sa kanya. Napakunot ang noo nito, mabilis nitong binaba ang bowl na may lamang popcorn sa lamesa at nilapitan siya.

"Anong nangyari sa’yo, Cynthia?" nagaalalang tanong nito. "Bakit ka umiiyak?"

Umiling lang siya, pero nagpatuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya. "Nasaan si Cielo?" tanong nalang niya.

"Nasa kwarto at natutulog na, pero sandali nga ano ba kasi ang nangyari?"

Natakip niya ang palad sa mukha, lalo pang lumakas ang iyak niya. "Ang sama-sana ko, Chelle. Ang sama-sama ko!" sigaw niya.

"Ano ka ba, Cynthia? Ano ba iyang pinagsasabi mo?!" naguguluhang sabi nito. Tinanggal nito ang mga kamay niyang nakatakip sa mukha niya. "Tell me."

"Sinaktan ko si Bryan, Chelle. I turned down his proposal." nakayukong sagot niya. Narinig niya ang mahinang pagsinghap nito dahil sa sinabi niya. Hindi din maalis sa isip niya ang nangyari kanina.

 

"Bryan, I—I'm sorry." napapapikit siya ng maramdamang humigpit ang yakap nito sa kanya.

 

That was her decision. Nahihirapan siya, naguguluhan. Mahal niya si Bryan pero mahal niya din si Art. Kung ang ibang tao ay hinihiling na sana dalawa ang puso, siya, hindi niya gagawin iyon. Dahil ngayon pa nga lang isa ang puso niya ay hirap na hirap na siya.

Niyakap niya ang kaibigan. “Chelle, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na ako, litong-lito. Gusto kong tanggapin ang alok ni Bryan pero hindi ko magawa, dahil ayaw kong pumayag ng hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, Chelle.” Humiwalay siya ng yakap dito. “Chelle, say something! Sampalin mo ako kung mali ang naging desisyon ko—“

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon