Chapter 22

2.6K 50 1
                                    

Chapter 22

||Cynthia||

Wala na sa couch si Bryan ng magising si Cynthia. Kinuha niya ang cellphone niya para makita kung anong oras na. Magaalas-siyete palang ng umaga. Kumunot ang noo niya. Ang aga naman yata nitong umalis? Tumayo na siya at naghilamos sa banyo at lumabas na din ng kwarto ng may narinig siyang nagtatawanan sa may kusina.

"Tito Bryan—stop." narinig niya ang pagtawa ng anak at ni Bryan.

Mabilis siyang nagtungo sa kusina, pero kaagad napahinto sa may pinto at napangiti sa nakita. Naabutan niya ang anak niya at si Bryan na nagpapahiran ng strawberry jam sa pisngi. Tawa ng tawa ang dalawa. She felt happy because of this.

Lumingon ang dalawa sa kanya. At natawa siya sa itsura ng mga ito. Nakita niyang may binulong si Bryan kay Cielo at tsaka ito bumungisngis.

Lumingon si Cielo sa kanya. "Hi, Mommy." bati nito.

Napalunok at napatayo siya ng maayos, alam niyang may binabalak ang mga ito. Nakumpirma niya ang hinala niya ng hinabol na siya ng dalawa. Napatakbo kaagad siya. Tawa ng tawa si Bryan at ang anak niya. Hanggang sa nahuli siya ni Bryan at niyakap patalikod.

"Cielo, c'mon greet your Mommy a very good morning." hindi niya man nakikita ay alam niyang nakangisi si Bryan.

"Bry, ha. Sinasabi ko sayo." pagbabanta niya pero tinawanan lang siya nito.

Lumapit na ang anak niya sa kanya at, "I love you, Mommy. Good morning." sabay pahid sa kanya ng strawberry jam sa pisngi at pinaghahalikan siya nito. Ang lagkit lagkit na ng mukha niya.

Humawak siya sa pisngi niya at hinawakan si Cielo sa pisngi at pinaghahalikan din ito. "Ang tamis naman nun Baby ko." hinarap niya sa Bryan. "Isa ka pa, Hon." ganun din ang ginawa niya rito. Ang lalagkit na nila.

"Ok. Anong nangyayari dito?" napatingin silang lahat sa nagsalita. "Jusko. Ang tatamis at ang lalagkit niyong tatlo!" sigaw ni Rachelle at tumalikod na din naman ito kaagad.

Nagkatinginan silang tatlo at nagkibit balikat tsaka nagtawanan. What a great start for a new day.

•••••

Ilang linggo ang mabilis na lumipas, pero sa mga nagdaang araw na iyon ay hindi pa rin nagkikita sila Cynthia at Arthur. Hindi niya malaman kung anong dahilan pero ipinasasalamat niya iyon.

Hindi niya din alam ang gagawin o ang sasabihin niya kapag magkita uli sila.

Napanhinga siya ng malalim. Binitawan niya ang lapis na hawak, hunawak siya sa ulo niya at tinukod ang siko sa lamesa. Huwag mo na siyang intindihin, hindi na. Okay na nga na hindi siya nagpapakita sakin, eh.

"Hon, are you ok?" nagangat siya ng tingin, nakita niya si Bryan na nagaalalang nakatingin sa kanya. "Masakit ba ang ulo mo?"

Umayos siya ng upo. "Can I take the rest of the day off?"

"Ayos kalang ba?"

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon