Chapter 31

2.3K 35 4
                                        

Chapter 31

||Arthur||

“The very first thing I want you to know,” huminga si Arthur ng malalim. “It's not my intention to leave you that time—“

“But you did right?” putol ni Cynthia sa kanya.

Naguumpisa palang ang pag-uusap nila ay nakikita niya ng nagtutubig ang mga mata nito. Nasasaktan na rin siya. But he needs to endure it para masabi niya ang lahat lahat kay Cynthia.

Napayuko nalang siya. “I did. Pero gaya ng sabi ko hindi ko ginusto iyon, kailangan ko lang.”

“Ba—bakit dahil nabuntis mo din si Denise? Kaya siya ang pinili mo—”

“Wala kaming relasyon ni Denise!” putol niya kaagad dito.

Bakit ba paulit-ulit ito? Sinabi niya na noon rito na wala silang relasyon. Pero hanggang ngayon ay pinipilit parin nito ang bagay na iyon. Napaiwas siya ng tingin at napabuntong hininga. He calmed himself. Kasalanan niya rin naman talaga kung bakit nito iniisip ang bagay na iyon.

“Pe—pero diba, kahapon, nakita ko kayong magkasama, tinawag kang Daddy nung anak niya at buntis pa si Denise.”

Nagangat siya ng tingin tsaka niya pinunasan ang luha sa mga mata nito. “I told you, wala kaming relasyon at hindi ko anak ang batang nakita mo o ang batang dinadala ni Denise.”

“But still, diba, siya ang lagi mong kasama noon? Nung iniiwasan mo ako?”

Muli siyang huminga ng malalim. “Nung anniversary natin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Cynthia. You don’t know how happy I am dahil sa nangyari. Pero ng nalaman kong may sakit ako, nagbago ang lahat. Hindi ko lang alam na mabilis mapapalitan ang kasiyahan kong iyon ng dumating ang bagay na kinakatakutan ko."

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. “Sa—sakit? Ano ba talaga ang sakit mo?”

•••••

Walang tigil sa pagngiti ang labi ni Arthur hanggang sa maihatid niya si Cynthia sa bahay nito. Para siyang nababaliw kakangiti mag-isa habang inaalala ang nangyari kanina. Natatawa at napapailing nalang siya. Nagiinit na din ang pakiramdam niya kapag naalala ang nangyari kanina.

 

Every moans and groans they shared earlier didn't stop playing inside his mind. 

Isinantabi niya muna ang lahat nang makapasok na siya sa bahay nila. May oras pa para makapagpahinga siya bago pumasok sa eskwelahan.

 

Humiga na siya sa kama niya nang makapaglinis na siya ng katawan tsaka niya nakita ang envelope na inabot sa kanya ni Denise kahapon. Hindi niya lang ito pinansin at natulog na.

•••••

"Art, nakita mo na ba yung laman ng envelope na binigay ko sa’yo?"

 

Napatingin at napailing siya kay Denise. Isang linggo na rin pala simula ng ibigay nito iyon pero laging nawawala sa isip niyang tignan ang laman niyon.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon