Chapter 21

2.6K 49 6
                                    

Chapter 21

||Cynthia||

Naalimpungatan si Cynthia ng may nararamdaman siyang humahalik sa pisngi, sa noo, sa mata niya, at sa buong mukha niya. Hindi lang pinatatamaan ng humahalik sa kanya ang labi niya. Nagkusot siya ng mata at dahan-dahang dumilat.

Nabungaran niya si Arthur na nakangiti sa kanya. “Good morning, Love.” Bati nito. Hinawakan nito ang baba niya at mabilis ng inangkin ang labi niya.

Napangiti din siya, sasagutin niya na sana ito ng mapagtanto niya ang mga nangyayari. Nanlaki ang mata niya. Kaagad siyang napaupo at lumayo kay Arthur. Gumilid siya sa kama, at tinakip ng mabuti ang kumot na nagtatakip lamang sa hubad niyang katawan. Gulong-gulo siya. Napahawak siya ng mahigpit sa kumot ng makita niya ang mga damit niyang suot kagabi na nakakalat sa paligid ng kwarto.

“Love—“

“Huwag mo akong hawakan!” pigil niya kay Arthur ng akmang aabutin siya nito, nakita niya din ang pagkagulat at pagkalito nito.

“Anong problema—“

“Umalis ka, huwag kang lalapit sa akin, layuan mo ako, lumabas ka!” nanlalabo na ang mata niya dahil sa luha. “Please.”

Hahawakan nito sana siya pero napatigil ito. Napahinto ang kamay nito sa ere ng sabihin niya iyon. Gulong-gulo na din ang itsura nito. Kita din sa mata nito ang sakit, napaiwas siya ng tingin ng walang anu-ano’y tumayo ito sa kama, narinig niya nalang ang pagbukas at ang pagsara ng pinto ng kwarto.

Napayakap siya sa tuhod niya at doon tuluyang umiyak. God, what I have done?! Inis na inis siya sa sarili niya. Bakit hinayaan niya na mangyari uli ang pagkakamali na iyon? Sasaktan ko na naman ang sarili ko. Si Bryan. Nagangat siya ng tingin, at napatulala, lalong lumakas ang iyak niya, napatakip siya ng mukha ng maalala ang nobyo. Paano niya nagawa ito kay Bryan?

Pinilit niyang bumangon kahit hinang-hina na siya. Naglinis siya ng katawan at nagbihis na. Lumabas na din siya pagkatapos. At laking gulat niya ng maabutan na naroon parin si Arthur, katulad niya ay bihis na din ito.

“Ano pa ang ginagawa mo dito?!” sigaw niyang muli.

Ngumiti ito ng pilit at lumapit sa kanya. “Why are you acting like this—“

Kaagad siyang lumayo. “Stop, Art! Tama na. Please lumabas ka na.”

Pero tuluyan parin itong nakalapit sa kanya at hinawakan siya. “No, hanggang hindi tayo naguusap, hindi ako aalis dito.”

"HON!"

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ni Bryan. Halos lumuwa na ang mata niya.

Mabilis niyang tinulak si Arthur. “Umalis ka na.”

"Hon! Where are you? Bakit bukas ang pinto?"

Makikita sila ni Bryan! Kinakabahan na siya. Oh God. Ang lakas na ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam ang gagawin, naba-blanko na ang isip niya. Mabuti nalang at hindi pa ito tuluyang nakakapasok sa living room area kung nasaan sila ni Arthur.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon