Chapter 23

2.5K 43 1
                                    

Chapter 23 

||Cynthia||

“How are you feeling, Hon?” naramdaman ni Cynthia ang pagyakap sa kanya ni Bryan. He didn’t leave her side even in a second. Tinuloy niya ang pagkuha ng tubig at uminom.

“A little bit better? I guess.”

Hinigpitan nito ang pagyayakap sa kanya, binaba niya ang baso niyang hawak at humarap kay Bryan, tsaka niya ito niyakap. Kailangan niya ito ngayon, hinang-hina na siya. At laking pasasalamat niya ng hindi umalis si Bryan sa tabi niya.

A little bit better? Sa tingin niya nga ay kahit isang pursyento ay hindi naging maayos ang pakiramdam niya. Hindi niya mapigilan ang mag-alala at masaktan.

“Mommy?”

Napahiwalay siya ng yakap kay Bryan ng marinig niya ang pagtawag ng anak niya sa kanya. Kaagad niyang pinunasan ang luha niya. Mabilis itong lumapit sa kanya.

“Mommy, bakit ka po nagka-cry?”

Lumuhod siya para makapantay ang anak. “Hindi umiiyak si Mommy, baby.” Ngumiti siya ng pilit.

“Red na po eyes niyo.”

Tumawa siya. “Napuwing lang si Mommy, tsaka medyo antok pa ako.”

Tumingin ito sa mata niya, tsaka tumango at niyakap siya. Napatingin siya kay Bryan. Hindi niya nanaman mapigilang mapaluha. Ang sakit sakit lang kasi ng mga pangyayari, nararamdaman niya nanaman ang sakit na noon na naramdaman niya. Pero mas masakit at mahirap lang ngayon, dahil hindi nalang siya ang nasasaktan, pati na rin ang anak niya.

•••••

Palabas na ng Condominium si Cynthia para sunduin ang anak sa eskwelahan ng may mga kamay na humawak sa braso niya dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad.

Napatigil siya ng makitang kamay ito ni Arthur.

“Cynthia, magusap tayo.”

Mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya. “Wala akong panahon para makipagusap sayo.” Sabi niya at muling tumalikod na.

Pero muli siya nitong hinawakan. “Please, kahit sandali lang, please Cynthia.”

Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kanya, kitang kita niya na ang sinseridad dito, desperado na itong kausapin siya.

“Cynthia, please, huwag mo naman akong ipagtabuyan, gusto kong makita at makausap ang anak natin.” Napatigil siya. Anak natin? “I want her to know na may daddy siya, at ako yun. Please, Cynthia. Give me a chance. Gusto kong bumawi sa inyong dalawa ni Cielo, gusto kong punan yung mga taong wala ako sa tabi niyong dalawa.”

Ngumisi siya at buong lakas na tinanggal ang kamay nitong nakahawak na sa kamay niya. “No, Art. Just No. Nawala na ang lahat ng pagkakataon mo simula nung umalis ka.”

 

Saktong dumating na ang valet dala ang sasakyan niya, mabilis siyang sumakay dito, at nagdrive na paalis. Naiwan niyang tulala si Arthur.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon