Chapter 17

2.9K 69 5
                                    

Chapter 17

||Cynthia|| 

"Good morning, Sir." salubong ni Tony kela Cynthia at Bryan. Tony is Bryans’ secretary. "Engr. Padilla is in your office talking to a client." dagdag pa nito.

Napakunot ang noo niya. Padilla? Si Ar—Arthur?! Bigla siyang hindi napakali. Naramdaman niya ang paglalamig ng kamay niya. Magkikita na ba sila kaagad uli? Napahinto siya sa paglalakad at napahawak sa braso ni Bryan. Tinignan siya nito ang tinanguan, tsaka hinawakan nito ang nanlalamig niyang kamay. Magkasunod na din silang pumasok sa opisina nito.

Nakita niya nga roon si Arthur at may mga kausap.

"Good morning." bati ni Bryan.

Nagsitayuan ang mga ito at nakipagkamay sa kanila.

Maya maya ay nagumpisa na din silang magusap-usap. Hindi niya ma-i-focus ang pakikinig dahil sa presensya ni Arthur. Ilang beses niya kasi itong nahuhuli na nakatingin sa kanya. Giving her a playful smirked. Pero hindi ba dapat ay hindi niya na nararamdaman ito? Pilit niya itong hindi pinapansin. Matagal niya na itong nakalimutan pero bakit patuloy pa rin ang pagkabalisa niya kapag nagkakasama o nagkakalapit sila?

Napaayos siya ng upo ng marinig ang pangalan niya. Kinakausap na ba siya ng mga ito? Tinignan niya ang mga nasa harap. Nakakunot ang noo ni Bryan. Nakatingin sa kanya ang mag-asawang Aquino na kliyente nila. At nakangiti naman si Arthur sa kanya.

"Pa—pardon?" Tanong niya.

"Mr. Gutierrez said that you are not available to get a new project, are you?" sabi ni Mrs. Aquino. Napatingin siya kay Bryan. "You see, we really like your designs. So napagisipan naming mag-asawa na ikaw nalang ang kunin na Architect for our rest house in Baguio." dagdag pa nito.

Muli siyang napatingin kay Bryan. Sa tingin palang nito sa kanya ay alam niyang tumututol ito. Hindi niya lang alam kung bakit.

"Well. Mr. Gutierrez is right. I'm, ah. I will just going to recommend someone—" napatigil siya ng nagsalita uli ito.

"But we really want you, Architect Garcia." napalunok siya.

Hindi niya alam ang gagawin. Ni hindi niya naman alam kung bakit tumututol si Bryan dito. At kung bakit nito sinabi na marami siyang projects, sa katotohanang wala naman. At isa pa, ang sabi sa kanila ni Tony ay isa ang mga ito sa malaking kliyente meron sila. Kaya bakit niya ito tinatanggihan?

"Please."

Tumingin siya kay Bryan, at muling binalik ang tingin sa mag-asawa. "Si—sige po. Ako na po ang magdedesign ng rest house niyo." pagdedesisyon niya.

Nakita niya ang saya sa mukha ng mag-asawa. "Yes. That's great!"

Pinagusapan na nila ang project. Siya ang magiging Architect, at si Arthur ang magiging Engineer. Napatigil siya. Ngayon alam niya na kung bakit tutol na tutol si Bryan dito. Bakit hindi niya naisip na kaya nga kasama nila si Arthur habang kausap ang mag-asawa ay may malaking papel ito sa project.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon