Dahil one year na merong Back to Back update, naks. Meganon. Haha.
__________
Chapter 8
||Cynthia||
"Art, nasa Mall ako. Makakapunta ka ba?"
Text ni Cynthia kay Arthur. Thirty minutes niya na itong nasend pero hanggang ngayon ay wala parin itong reply. Napahinga siya ng malalim. Nagpatuloy nalang siya sa pagtingin sa mga nadadaanan niyang clothes shop ng mapatingin siya sa kabilang side. Hilera na ito ng mga Restaurants at fastfoods. Bigla siyang nakaramdam ng gutom. Binalak niyang kumain, pero hindi niya alam kung anong kakainin niya. Pero napatigil at napakunot ang noo niya nang may mapansing pamilyar. Lumapit siya dito. At tama nga ang hinala niya. Si Arthur!
Napangiti siya. Kahit isang araw palang niya itong hindi nakikita ay miss na miss niya na ito. Dito nalang ako kakain, para makasabay ko si Arthur. Papasok na sana siya sa Restaurant ngunit napahinto ng sumandal sa upuan si Arthur at nalaman niyang hindi pala ito nag-iisa. Nakita niya na naman ang nurse. Nakahawak ito sa kamay ni Arthur at tinatapik-tapik ang balikat.
Napakunot ang noo niya. May problema ba si Arthur? Kung ganoon ay bakit hindi siya ang nagcocomfort rito? Bakit hindi sinasabi sa kanya ni Arthur? Naglakad siya palapit sa kanila nang may bumangga sa kanya. Muntik pa siyang matumba.
"Naku. Sorry Miss. Hindi ko sinasadya. Nasaktan ka ba?" sunod sunod na sabi ng nakabangga niya. Kumirot ang paa niya, namali kasi ang tukod niya kanina ng muntik na siyang matumba. "Masakit ba ang paa mo?"
"Ha? Hindi. Ayos lang ako. Sorry din. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko." nakangiting sabi niya.
"Thank God. But anyways,” Naglahad ito ng kamay sa kanya. “Hi, I'm Bryan." napakunot ang noo niya at napatingin sa kamay nito. Nagpapakilala kaagad? Binaba kaagad nito ang kamay ng hindi niya tanggapin, may kinuha nalang ito sa wallet nito. "In case you need anything o magrereklamo ka, here is my calling card. I'm open for your concerns." sabi pa nito sabay abot sa kanya ng calling card. Nagaalangan siya kung kukuhanin niya ba ito o ano, hanggang sa ito nalang ang kumuha sa kamay niya at nilagay dun ang calling card. Napalingon siya muli sa Restaurant. Nguntit nanlumo ng makitang wala na sila Arthur roon.
Hinarap niya si Bryan, nguimiti at inangat ang calling card. "Nice meeting you, Bryan. But I have to go."
She heard his protest pero hindi niya na iyon pinansin. Nagmadali na siyang naglakad upang hanapin ang dalawa. Hindi pa sila nakakalayo. Pero paano kung sa kabila sila dumaan? Napahinto siya sa naisip. Malaki ang mall. Mahihirapan siyang hanapin ang mga ito. Nawalan na siya ng gana kaya napagdesisyunan niyang umuwi nalang.
•••••
Muli niyang tinatawagan si Arthur ng makauwi na siya. Pero hindi pa rin nito ito sinasagot. Titigl na sana siya dahil naisip niyang baka nagpapahinga na ito ngayon, gabi na rin kasi. Pero biglang may nagsalita sa kabilang linya.
"Hello?" Oh God. How she misses his voice. Hindi kagad siya nakasagot dahil naiiyak na siya. "Hello? Cynthia?" and how she misses him calling her name too. "I'm tired, Cynthia. Kung hindi ka magsasalita—"
"I miss you, Art. So much." putol na bungad niya dito. Natahimik ito sa kabilang linya. "I don't know what happened to us. Isa lang ang alam ko, miss na miss at mahal na mahal kita." she said while crying, wala ng tigil sa pagpatak ang luha niya. Narinig niya ang paghinga ng malalim nito.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Sin
Ficción GeneralEverything is perfect for Cynthia. For her and for her boyfriend, Arthur. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakswerteng tao sa mundo dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. And until their first anniversary came, everything is just so sweet...