Chapter 3

3.6K 96 27
                                    

Chapter 3

||Cynthia||

Napalinga siya sa paligid, kahit gabi ay may ilan-ilan paring mga tao ang naglalakad. Tumitingin ang iba sa kanya, at mukang nagtataka kung bakit siya naka suot ng formal dress sa Beach, ngunit ang iba naman ay parang wala naman pakiilam.

Natuwa siya ng may papalapit na isang lalaki sa kanya, ayon sa suot nito ay isa siyang crew dito sa Resort. Bago pa siya makasalita ay may inabot na ito sa kanya, isang papel at kaagad ding umalis ng makuha niya ito.

Nagkibit balikat nalang siya, at mabilis niyang binuksan tsaka binasa ang nakasulat dito.

‘This is where we first met, do you still remember?'

 

Nagkasalubong ang kilay niya sa nabasa at napalibot muli ang tingin sa paligid. Saktong nagbukas ang mga ilaw. Nasa ikalawang linggo palang ng Enero kaya may mga holiday lights pa din siyang nakikita.

Lumakad siya uli, habang inaalala ang unang pagkikita nila ni Arthur. Lumaki ang ngiti sa labi niya ng maalala ang lugar na ito. Totoo nga ang sinabi nito. Dito sila unang nagkita bago pa man sila nagkakilala sa eskwelahan. Summer iyon, at naisipan nilang mag-lola na magtungo sa isang beach sa Batangas at dun niya unang nakita si Arthur. Hindi niya din makalimutan ang araw na iyon, dahil dun niya unang naramdaman ang abnormal na pagbilis ng tibok niya sa unang pagkakataon sa isang lalaki. Kumbaga, iyon ang tinatawag nilang ‘Love at first sight.'

Gusto niya nang puntahan si Arthur, pero hindi niya alam kung saan ito pupuntahan. Wala na siyang makitang pwedeng mapagtanungan. Saan ba siya pupunta? Nandito ba si Arthur? Napatigil siya sa paglalakad at binasang muli ang sulat.

Wala namang iba, yun lang ang nakasulat. Napabuntong hininga siya at binaliktad ang papel. Nanlaki ang mata niya ng may makita siyang sulat dito! Hindi niya alam kung anong mararamdaman dahil sa nabasa.

‘Just follow your heart. And there, you can find me.'

 

"Art naman, eh!" Reklamo niya.

Masayang-naasar na siya. Hindi mapigilang kiligin at maasar. Pumikit siya at huminga ng malalim. ‘Just follow your heart. And there, you can find me.' Malapit na, alam niyang malapit na siya sa kasintahan. Tumuloy siyang muli sa paglalakad.

Nawawala na ang liwanag sa paligid, napapalayo na siya. Hindi malaman kung malayo lang ba ang pinagbabaan sa kanya ni Mang Ben, o sadyang malayo lang ang kinaroroonan ng nobyo.

Susuko na sana siya ng may marinig siya sa isang tugtog—a mellow one. It's like urging her to continue and see what's in there.

Bumilis ang lakad niya. And there, finally. She saw the love of her life. Si Arthur, na nakangiting nakatingin sa kanya. Sa tabi nito ang isang bilog na lamesa na mayroong nakahain na pagkain at may nakasinding kandila, na himalang hindi natatanggal sa pagkasindi sa kabila ng malakas na hangin.

Nagbalik ang tingin niya dito. Nakalahad na ang kamay nito, hinihintay na lumapit siya. Na siya niya namang ginawa.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon