Present na ang time settings!
_________
Chapter 12
||Cynthia||
"Mommy!" ang sigaw ni Cielo ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Napatingin siya sa harapan niya, naroon pa rin si Art at nakatingin sa kanya. Kita niya rin ang pananabik sa mga mata nito.
Napairap siya. Psh. What a great actor.
"Cielo. Don't run. Baka madapa ka." napalingon siya sa nagsalita at nakita niya na magkakasunod na palapit sa kanya si Cielo, ang Lola niya at si Bryan.
"Mommy!" niyakap siya ni Cielo. Nagaalalang napatingin siya sa gawi ni Art. It’s imposible for him to recognize his child. Kamukhang kamukha niya kasi ang anak niya. Wala masyadong nakuha sa ama nito. Pero kahit ganoon ay hindi parin mawala ang kaba sa dibdib niya. Paano kung makilala nito si Cielo?
May humawak sa baba niya at hinarap ang mukha niya. Nagulat nalang siya nang may humalik sa kanya. "Hi Hon. Miss me?" si Bryan.
Mabilis din naman siyang nakabawi sa pagkagulat. "What are you doing here? Akala ko ba bukas ka pa makakabalik?" nakangiting tanong niya.
"You sounded like you didn't miss me."
"Of course I did."
Natawa ito. "Well, I have to meet an Engineer here. Nasa Valenzuela din kasi siya, so I decided na ako nalang ang pumunta kesa papuntahin ko pa siya sa Laguna, and luckily I saw Cielo and Lola kanina."
"Ay, Diyos ko! Art? Arthuro ikaw ba yan?"
Pareho silang napalingon kay Lola Carmen ng sumigaw ito. Nanlalaki ang mata nitong nakatingin kay Arthur. Kita din ang galit sa mga mata nito.
"Ako nga po Lola. Kamusta na po kayo?" alanganing sagot nito.
Napataas ang kilay ng matanda. "Aba, ay ayos na ayos naman ako. Kami ni Cynthia. Ikaw naging maayos ka ba pagkatapos ng pagiiwan—"
Mabilis siyang lumapit sa Lola niya at pinigilan ito. "Lola. Tama na po. Let's sit and eat. Nandito na ang mga pagkain." inakay niya paupo ang Lola. "Cielo baby. Come here." binalingan niya naman si Bryan na bakas parin sa itsura ang pagtataka. Maaring may hinala na din ito dahil sa nangyari kanina. "H—hon, sabayan mo na muna kami."
"Ha? Sandali lang. I'll call Tony first." tukoy nito sa sekretarya. Tumango nalang siya at pasimpleng tinignan si Art. Nakatingin na naman itong muli sa kanya.
"I'm already here." narinig niyang sabi ng nobyo sa kausap. "Yes. It’s Mr. Arthur Padilla." halos mabilaukan siya sa narinig. Si Arthur ba ang Engineer na sinasabi nito?
"Excuse me." singit ni Art nang matapos na itong makipagusap.
"Yes?"
"I'm Arthur Padilla. And I supposed you are Mr. Bryan Gutierrez."
"Oh, nice meeting you. Mr. Padilla. I didn't know na kaharap na pala kita." nagkamay ang dalawa.

BINABASA MO ANG
The Sweetest Sin
Fiksi UmumEverything is perfect for Cynthia. For her and for her boyfriend, Arthur. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakswerteng tao sa mundo dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. And until their first anniversary came, everything is just so sweet...