Chapter 24

2.6K 45 2
                                    

Chapter 24

||Cynthia||

“Are you really sure about this, Hon?”

Napatigil si Cynthia sa pagsusuklay ng buhok ng muling magsalita si Bryan. Huminga siya ng malalim at hinarap ito. “For Cielo, Bry.”

Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. “I know that, pero nagaalala ako para sayo.”

“You don’t have to, this is just for Cielo. Naguumpisa na siyang magtanong tungkol sa Daddy niya, hindi ko na alam ang isasagot ko, at mas lalong hindi ko na kaya na makita siyang malungkot.”

“Alright. I will support your decision.”

 

Tumango siya. Ngayon na niya ipapakilala si Arthur kay Cielo. Naalala niya pa nung araw na sinabi niya iyon kay Arthur.

“A—are you serious, Cynthia? Ipapakilala mo na ako kay Cielo?” Seryoso siyang tumango. “Hindi ka magsisi, Love. Gagawin ko ang lahat para maging maayos na ang pamilya natin.” Lalong lumaki ang ngiti nito, at hinawakan ang kamay niya, na mabilis niya ding iniwas.

“I’m only doing this for Cielo, Art. Huwag kang mag-isip ng ganyan.”

Nawala ang ngiti nito, pero mabilis ding bumalik. Ngunit isang pilit na ngiti nalang ang ipinapakita nito sa kanya, malayong malayo sa kanina. “I—it’s fine, I understand.”

“Mommy, I’m ready na po.”

 

Naputol lang ang pag-iisip niya ng sumigaw ang anak. Lumingon siya dito. Wala rin kasing saya ang mukha nito ng sabihin niyang ngayon niya na makikita ang Daddy nito. Tiyak niyang magugulat ito kapag nalaman niyang ang tinatawag nitong Tito Arthur ang Daddy niya.

Twelve o’clock ang usapan nila, at quarter to twelve na nang makarating sila sa restaurant na napag-usapan nila. Nilingon niya si Cielo sa backseat, hindi na rin ito mapakali, nakaluhod sa may upuan at nakatingin sa labas ng bintana, tinatanaw nito ang restaurant. Pinagbuksan na siya ng pinto ni Bryan. Bumaba na din siya at kinuha ang anak.

“Cielo, let’s go?” kinuha niya ang kamay nito. At naramdaman niyang malamig ito. “Are you ok, baby?”

“I’m scared po, Mommy.”

Nagtaka siya at napatingin kay Bryan. “Bakit?”

“Baka ayaw niya sa akin po. Diba po, iniwan niya tayo po?” mas lalo siyang nagulat sa sinabi ng anak.

Umupo siya para mapantayan ang anak. “Sino may sabi sa’yo niyan?”

“Narinig ko pong sabi ni Tita-Ninang.”

Napahinga siya ng malalim. Rachelle naman, kung ano-ano ang pinagsasabi!

 

“Hindi, ok? Love ka ni Da—daddy mo. Don’t be scared, ok?”

“Your Mommy is right, Cielo.” Segunda ni Bryan.

Dahan dahan tumango ang anak, tumuloy na silang muli sa loob ng restaurant.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon