Chapter 33

2.2K 40 0
                                    

Chapter 33

||Cynthia||

Ano uli ang sinabi ni Bryan? Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Bryan. Seryoso ba ito sa sinabi nito?

“Wh—what?!”  gulat na sigaw ni Arthur.

“Bryan, ano ba. Akala ko ba, ok na? Nagkausap na tayo, diba?”

Hinawakan ni Rachelle si Bryan sa braso at hinila, pero hindi ito natinag, seryoso parin itong nakatingin sa kanila. Tinanggal nito ang kamay ni Rachelle at lumakad palapit sa kanya, mabilis namang humarang si Arthur sa kanya na parang pinoprotektahan siya.

Kinakabahan na siya sa pwedeng mangyari. Hindi nila alam ni Rachelle ang gagawin kung sakaling umabot sa sakitan ang dalawa.  Naglalaban sa titigan ang dalawang lalaki, hanggang si Bryan ang unang bumawi, nilipat nito ang tingin sa kanya, halo-halo ang emosyong nakikita niya sa mga mata nito. Maya-maya pa ay binawi na nito ang tingin sa kanya.

“That was my plan, I really want to take you back, Cynthia. But, sa mga araw na dumaan, napagdesisyunan kong huwag na lang. Masaya ka na kasama siya. Alam mo naman na iyon lang ang gusto kong mangyari, ang makita kang masaya, kahit hindi ako ang kasama mo. I love you this much, kahit masakit.” Tinuro nito ang dibdib. I know I will never have you, but I still keep loving you, and it kills me inside knowing that!”

Tumulo ang luha niya, hindi niya maintindihan, parang nabawasan ng tinik ang dibdib niya, pero parang dumoble naman ang sumaksak dito ng makita niyang may luhang tumulo sa mata ni Bryan. Bryan loves her this much. Handa nitong gawin ang lahat makita lang siyang masaya.

“Bryan,“

“You don’t have to worry about her, she’s with me, hindi ko na siya uli sasaktan.” Sabi ni Arthur.

Ngumiti si Bryan, at mahinang sinuntok ang balikat ni Arthu. “Aba dapat lang, dahil kapag sinaktan mo na naman si Cynthia, humanda kang gagawin ko talaga ang plano kong kunin siya sa iyo. Baka nakalimutan mong nagawa ko noon, kaya tiyak na magagawa ko iyon uli.”

“Huwag ka ng umasa.”

Pinunasan niya yung pisngi niya, nagtatakang napatingin siya sa dalawa, kanina ay halos magpatayan na ang mga ito pero ngayon ay nagtatawanan na. Hindi niya talaga maintindihan ang mga lalaki, pagdating sa bagay na ito.

But she was glad dahil ngayon, ayos na sila.

*****

||Arthur||

“Baby, paki kuha naman yung small bag na nandun sa table.” Narinig niyang sabi ni Cynthia kay Cielo.

Inaayos na kasi nito ang mga gamit niya. Dahil sa wakas ay makakalabas na siya sa hospital, sawang-sawa na siya sa lugar na ito. Halos anim na taon din siyang namalagi sa Hospital sa States, hindi niya akalain na madagdagan pa iyon ng pitong araw.

Kahapon lang nangyari ang pakikipagusap nila kay Bryan. Akala niya ay makukuha na namang muli si Cynthia nito. Pero mabuti nalang at hindi na  umabot sa puntong iyon. Alam niyang mahirap para kay Bryan ang desisyon na iyon, pero sa kabila noon, nangibabaw parin ang pagmamahal nito kay Cynthia. Napatunayan niya iyon dahil sa ginawa nitong pagpaparaya kay Cynthia.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon